Yes! We're Hiring. Check out our current job openings.
sitemap | you are here: home » podcasts » rated pg » alcoholism

Tour WMC-AP

Rated PG

Rated PG logo

We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family

Airing on: Cabanatuan City, Zambales and Cagayan de Oro City

Alcoholism

- for Friday, Sep 7, 2007
comments
RSS feed
join the forum
listen to this podcast

Overview

Nawasak na tahanan dahil sa alak? Hayaang ng Diyos ang bumuo nitong muli. Higit natin kailangan sa panahong ito ang Diyos. Magtiwala ka sa Kanya. Sa bawat pamilyang malaya pa sa bisyong ito, huwag sanang bigyan ng puwang ang alak sa loob ng ating tahanan.

subscribe now

 

Program Notes or Transcript

Pinag-uugatan ng maraming problema hindi lamang sa loob ng tahanan kundi pati ng lipunan ang alcoholism. Sa bawat isang miyembro ng pamilya na alipin nito ay ang posibilidad ng pagkawasak ng buhay at ng pamilyang kinabibilangan nito. Itinuturing na mapanirang bisyo ang alcholism dahil sa napakaraming tahanan na habang-buhay baon ang masamang epekto na dulot nito. Ilan sa mga bunga ng alcoholism ay ang sirang relasyon, kaguluhan, sickness at maging death. Mahirap buwagin ang ugat ng bisyong ito dahil nagmumula ito sa pagkatao at pagnanais ng isang tao. Pagnanais na (1) ma-stimulate ang isip at katawan at pagkakaroon ng kakaibang feeling, (2) maging-in sa mga kabarkada at (3) makapag-boost ng pagkatao (lalo na sa mga lalaki) (4) magpa-lakas ng loob.

Ways in Helping Alcoholic Member in the Family:

  • Rehabilitation (therapy)
  • Pag-usapan kung paano tutulungan ang isang alcoholic sa pamilya.
  • Gamutin ang karamdaman ng alcoholism ng pagmamahal at pag-aalaga natin.
  • Ipagdasal ang alcoholic na kapamilya

Kailan man ay hindi kayang lunurin ng alak ang anumany problema na kinakaharap natin sa halip harapin natin ang kahit anong problema ng may pagtitiwala sa Diyos. Diyos lamang ang tanging makapag-papalaya sa sinumang alipin sa bisyong ito at walang imposible sa Kanya gaano pa man kalala ito.

PAMANA with Pastor Cryz Colorado (Alcoholism)

Matalino ang pagtanaw ng Bibliya sa isyu ng alcoholism. Ayon kay Pablo, “huwag kayong maglalasing sapagkat nakasisira yan ng maayos na pamumuhay.” Sa dami ng perang nasasayang, panahon na nawawala sa pamilya at mga kumplikadong karamdaman; tunay na walang mabuting naidudulot ang paglalasing dahil kakambal nito ay kahirapan, kahihiyan at kawalan ng direksyon sa buhay. Para kay Solomon, masasadlak sa kahirapan at pagdating ng panahon magdadamit ng basahan ang mga lasengero. Ngunit sa kabila ng lahat, may mga taong pa ring nag-iisip na nakakatulong ang alak para makalimutan ang problema sa buhay at patibayin lalo ang barkada. Hindi ba ang totoo na sa tuwing nawawala ang kalasingan, nadidiskubre natin na mas malaki ang problema kaysa dati? Hindi rin ba totoo na maraming pagka-kaibigan ang nauwi sa patayan dahil sa kalasingan? Dagdag patunay lamang ito na wala talagang maidudulot na mabuti para sa atin at sa ating pamilya ang paglalasing at sobrang pag-inom ng alak dahil ang katotohanan ay hindi natin kailangan ang alak para maging masaya ang okasyon at para patunayan ang isang pagkakaibigan. Piliin nating mamuhay ng may malusog na pangangatawan at maayos na pamilya.

PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito (The Value of Laughter

  • Exercise: Dahil sa pag-bilis ng tibok ng puso at paghinga, naire-release ang tension sa katawan. Ayon sa mha dalubhasa, katumbas ng sampung minutong pagsagwan ng bangka ang isang daang beses na pagtawa.
  • Massage: Minamasahe nito ang organs ng ating katawan at pinalalakas ang immune system. Labin-limang muscle natin sa mukha ang gumagana sa tuwing tumatawa tayo.
  • Therapeutic: Nakakawala ang pagtawa ng labis ng pag-aalala kaya mas mahimbing ang tulog at mas maganda ang mood.

Ayon sa Bibliya “ang masayang puso ay mabuti sa tao”. Healhty ito hindi lamang para sa katawan kundi pati na sa buong pagkatao natin. Kaya kahit gaano kahirap ng buhay, huwag nating kalimutang ngumiti at tumawa.

KAYANG-KAYA with Grace Tia (HOMEMADE PEST CONTROL)

  • Garden insects: Maghalo ng 1 spoon liquid dishwashing soap at 1 cup cooking oil. Ihalo ang 3 spoons nito sa isang spray bottle na may tubig at i-spray sa mga halaman. Pwede rin gamitin ang pinagbabaran ng kalamansi o orange at ito ang ipang-spray.
  • Langgam sa kusina: Maglagay ang balat ng pipino sa mga counters ng kusina or ipunas ang pinaghalong tubig at suka sa mga cabinet. At sa pinagmumulan ng langgam maglagay ng cinnamon powder. At basil herbs at bay leave naman sa flour at cereal.
  • Pusa: Maglagay ng dinikdik na sili sa paligid ng mga halaman.

Comments

Add Your Comments




Would you like to receive email notices when comments are added for this episode?
Yes    No
join the forum
email the host

Meet The Host

Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.

Emily

Program Archive

February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
rss feed badge - get our rss feed now del.icio.us bookmark badge - add this page to del.icio.us digg.com badge - add this page to digg.com
valid xhtml badge - validate nowvalid css badge - validate nowvalid wai-aa badgevalid xml rss feed badge - validate now