Yes! We're Hiring. Check out our current job openings.

Tour WMC-AP

Rated PG

Rated PG logo

We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family

Airing on: Cabanatuan City, Zambales and Cagayan de Oro City

Being A Good Role Model (Sinasalamin)

- for Friday, Jan 19, 2007
comments
RSS feed
join the forum
listen to this podcast

Overview

Ang mga magulang ang nagsisilbing modelo sa kanilang mga anak. Nananalamin sila sa ating mga buhay kaya mahalaga na sa bawat salita ng paalala natin sa kanila ay may katumbas na halimbawa sa pamamagitan ng gawa.

subscribe now

 

Program Notes or Transcript

INTRO SPOT

HOST

Mahalagang maunawaan ng mga magulang ang katotohanan sa kasabihang “anumang ginagawa ng matatanda, sa mata ng bata ay palaging tama”. Ito ang episode ng Rated PG na pinamagatang “sinasalamin”. Magsisilbi itong paalala sa responsabilidad natin na maging modelo o huwaran sa ating mga anak sa mga ginagawa at sinasabi natin. Isang mahalagang tuntunin na dapat gampanan upang mapalaki natin sila bilang mabuting mamamayan at anak ng Diyos.

SONG 1         TANGLAWAN (Richard Reynoso)

HOST

Ito ang Rated PG, ang programang sadyang ginawa para makatuwang ng mga magulang sa mga usaping pampamilya mula sa gawain ng Church of the Nazarene.

Ang mga magulang ang nagsisilbing modelo sa kanilang mga anak. Mula sa simula ang mga magulang ang nakikita ng mga bata sa tahanan. Walang pinipiling edad ang pagiging huwaran sa ating mga anak. Mahalagang sa bawat salita ng paalala natin sa kanila ay may katumbas na halimbawa mula sa atin sa pamamagitan ng gawa.

PAMANA with Pastor Cryz Colorado (Being a Good Role Model)

Likas sa mga bata ang tumigin sa isang idolo o modelo! “Si papa at si mama yan ang idol ko!” Masayang marinig sa ating mga anak na mas pipiliin nilang maging idolo tayong mga magulang kaysa sa mga artista sa pelikula at telebisyon! Tandaan na tayong mga magulang ang palaging kasama ng ating mga anak kaya hindi natin maaalis sa kanila na palaging ituon ang kanilang mga mata sa atin! Nakikita nila ang ating mga kilos at naririnig nila ang ating bawat salita! At sa bawat ginagawa natin ay magsisilbing halimbawa na huhubog sa kanila. Sinabi ni Hesus na pagsikapan nating mag-ningning ang ating mga ilaw upang makita nila ang ating mga mabubuting gawa at pupurihin nila ang Diyos na nasa langit. Ang dapat maging malinaw at pinakamakapangyarihang sermon na dapat nating ipangaral sa kanila ay hindi pamalo at salita kundi ang ating mga buhay na halimbawa. Tandaan na ang ating halimbawa ay ang pinakamahalagang pamana na ating maibibigay sa ating mga anak!

HOST

Mga aspeto na dapat matututunan ng ating mga anak mula sa atin

  • Pagmamano! Matatandang magulang! Ipakita ito sa ating mga anak
  • Pamamaraan ng pagsasalita (please, thank you, excuse me, sorry, magandang gabi etc)
  • Pananalangin ng buong pamilya (devotion)
  • Pakikipag-uganayan sa ibang tao (white lies etc)

Huwag hayaang hanapin ng ating mga anak ang halimbawa sa iba na tayo ang dapat magbigay sa ating mga tahanan. Seryosong responsabilidad ang pagiging magulang. Mahalagang maging modelo natin ang Diyos upang tayo ay maging modelo din sa ating mga tahanan. Ang tagumpay ng pagiging magandang halimbawa natin sa ating mga anak ang pagkakaroon ng Hesus sa ating buhay at bahay.

SONG 2 IINGATAN KA (C Banawa)

HOST

PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito (Choosing the Right Doctor)

Napakahalaga ang pagpili ng doctor para sa atin at para sa buong pamilya kaya heto ang TIPS sa pagpili ng tamang doctor para sa ating pamilya!

  • Communication
  • Malawak ba ang kanyang kaalaman at alam niya ang kanyang ginagawa (Makakatulong kung malalaman natin kung siya ay certified o board passer)
  • Respetado siya sa kanyang mga kapwa doctor
  • Convenient ba sa atin ang location ng doctor
  • Mga hospital kung saan siya accredited
  • (Practice arraggement, ang nag-cocover sa kanya kung wala siya, convenient ba sa atin ang kanyang mga schedules.

SPOT

KAYANG-KAYA with Grace Tia

Mahalaga ang pera. Mayaman man o mahirap kailangan nito para matustusan ang pangangailangan. Kaya heto ang TIPS kung paano gamitin ng wasto ang ating mga pera.

  • Magkaroon ng plano o budget kung paano gagamitin ang pera at sundin ito
  • Maging masusi at maingat na mamimili (Huwag ugaliing gumamit ng credit card)
  • Turuan po natin ang ating pamilya na magtipid (kuryente, tubig etc)
  • Huwag ugaliing kumain sa labas at ng mga hindi masustansyiang pagkain (junk food)

Tandaang ang lahat ng ito biyaya ng Diyos kaya dapat na iniingatan at pinapangalagaan. Matinding disciplina ang kailangan para makapagtipid.

HOST

Mga magulang, maging seryoso tayo sa ating role bilang mga modelo sa mga anak natin.  Isipin natin kung anong klase ng tao magiging ang ating mga anak kung katulad natin sila.

Makipag-ugnayan kayo sa amin, kung meron kayong mga nais pang malaman, mga tanong o mga suggestions. Ipag-bigay alam nyo lamang po lahat ng ito sa amin.

EXTRO TAG

Comments

Add Your Comments




Would you like to receive email notices when comments are added for this episode?
Yes    No
join the forum
email the host

Meet The Host

Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.

Emily

Program Archive

February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
rss feed badge - get our rss feed now del.icio.us bookmark badge - add this page to del.icio.us digg.com badge - add this page to digg.com
valid xhtml badge - validate nowvalid css badge - validate nowvalid wai-aa badgevalid xml rss feed badge - validate now