Tour WMC-AP

Rated PG

Rated PG logo

We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family

Airing on: Cabanatuan City, Zambales and Cagayan de Oro City

Being Friends With Growing Sons & Daughters

- for Friday, Mar 23, 2007
comments
RSS feed
join the forum
listen to this podcast

Overview

Kailangan ng bawat isa ang isang kaibigan. Isang taong, nakaka-unawa, mapag-kakatiwalaan at masasabihan ng problema. Mga magulang, tayo ba ang naiisip ng ating mga anak kapag kailangan nila ng kaibigan? Huwag nating hintayin na hanapin nila ito sa labas.

subscribe now

 

Program Notes or Transcript

INTRO SPOT

HOST

Isang challenge para sa mga magulang ang maging kaibigan sa kanilang mga anak, lalo na sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata. Bibihira lang seguro maririnig ang mga salitang “Bestfriend ko ang Ermat ko o Erpat ko” sa maraming kabataan ngayon. Pero, napakalaking kabutihan ang magagawa kung magawa nating sila ay kaibiganin. Naiisip ba natin kung bakit mas na-iimpluwensyahan ng mga kaibigan nila ang mga anak natin? Seguro dahil wala silang makuha at makitang kaibigan sa loob ng tahanan.

MUSIC 1:      FRIEND LIKE YOU (Bridges)

DISCUSSION (with Rev. Jun Suyat and Carol Benzonan)

Dahil sa generation gap, mas mahalagang maging kaibigan natin ang ating mga anak. Malaki ang tulong nito para magkaroon ng open communication sa pagitan ng magulang at anak (emotionally, spiritually…etc.) Kung ma-establish ang strong relationship na ito ma-a-attract natin sila sa loob ng tahahan. Heto ang ilan sa mga steps para mag-initate ng friendship sa ating mga anak:

  • Alamin ang gusto o hilig ng mga anak (sports)
  • Alamin ang mga topics at interest ng mga anak natin.
  • Friends in good times at bad times.

PAMANA with Pastor Cryz Colorado

Being Friends with Growing Sons & Daughters

Bawat isa ay nangangailangan ng kaibigan. Isang kaibigan para sa atin ang taong nakakakilala, napagkukwentuhan at taong nakaka-unawa sa atin. Ganun din dapat ang relasyon ng magulang sa kanilang mga anak. Hindi dapat kinatatakutan ng mga anak ang kanilang magulang instead sila ang unang papasok sa isip nila kapag sila ay nangangailangan ng taong uunawa, makikinig at tutulong sa kanila. Mga magulang kaibiganin natin ang ating mga anak. Tulungan natin silang mabuo ang pagtitiwala nila sa atin kagaya ng isang kaibigan o kabarkada. Kapag nagawa natin ito, mas magiging matibay ang relasyon natin sa kanila at mas maihahatid natin sila sa mas maayos at mabuting pamumuhay. Sana kahit saan magpunta ang ating mga anak ay kanilang masasabi na tayo ang best friend nila.

DISCUSSION (with Rev. Jun Suyat and Carol Benzonan)

May tendency na maabuso ang pagkakaibigan na ito, kaya mahalagang maunawaan ng ating mga anak na kailangan ang respeto sa pagkakaibigan na ito. Ipa-unawa sa kanila na nanatiling magulang nila tayo at may boundaries sila. Tandaang rin natin na ang kaibigan ay palaging nan-diyan para sa isa’t isa. Sa pamamagitan nito ay may acceptance at open communication pa rin ang bawat isa.

KAYANG-KAYA with Grace Tia (Earning Extra Cash)

  • Ipunin ang mga lumang bagay at mag garage sale.
  • Maghanap ng Part-time job.
  • Tumigil sa mga bisyo (paninigarilyo, pag-inom ect)
  • Pagkakitaan ang mga hilig (Pananahi, pagluluto)
  • Bring your own “baon”.
  • Maging masusi sa lahat ng ginagastos.

PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito (Diarrhea)

Ilan sa mga symptoms ng diarrhea ay gastro-intestinal infection, pagsakit ng tiyan, pag-hilab at pagdudumi. Malinis na kapaligiran, hygiene at simpleng paghuhugas ng kamay ang paraan para maiwasan ang karamdaman na ito. Huwag ipagbahala ang diarrhea dahil maari itong mag-cause ng dehydration. Ilan sa mga dapat gawin kung may pasyente na may diarrhea sa ating tahanan: (1) I-maintain ang tubig ang katawan ng pasyente at (2) Dalhin at patingnan sa doctor ang pasyente. Tandaan, ingatan ang kalusugan dahil ito ang tunay na kayamanan.

SPOT / JINGLE

MUSIC 2:   KAIBIGAN (K. De Asis)

HOST

Hindi lamang tayong mga magulang kundi pati ang ating mga anak ang makikinabang kung ma-establish ang friendship sa kanila. Tiyak na walang masasayang na sandali sa pagkikipag-kaibigan sa kanila. Isipin mo na lang ang mga friends natin ngayon, bago natin sila naging kaibigan, maraming time ang binigay natin sa kanila, ganun din sa ating mga anak. Isang challenge po sa atin ito na maging kaibigan ang ating mga anak.

EXTRO  

Comments

Add Your Comments




Passcode
Would you like to receive email notices when comments are added for this episode?
Yes    No
join the forum
email the host

Meet The Host

Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.

Emily

Program Archive

August 2010
July 2010
June 2010
May 2010
April 2010
February 2010
May 2008
April 2008
March 2008
February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
rss feed badge - get our rss feed now del.icio.us bookmark badge - add this page to del.icio.us digg.com badge - add this page to digg.com
valid xhtml badge - validate nowvalid css badge - validate nowvalid wai-aa badgevalid xml rss feed badge - validate now