Tour WMC-AP

Rated PG

Rated PG logo

We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family

Airing on: Cabanatuan City, Zambales and Cagayan de Oro City

Being Left Behind (Death Of A Spouse)

- for Friday, Jul 6, 2007
comments
RSS feed
join the forum
listen to this podcast

Overview

Kahanga-hanga ang tatag at lakas ng loob ng mga single parents na nanatiling matibay sa kabila ng nakapalaking pagsubok sa buhay-ang pagkamatay ng kabiyak. Sana kasama ang Diyos ay makita din nila sa atin ang isang tunay na karamay.

subscribe now

 

Program Notes or Transcript

INTRO SPOT

HOST

Pagkamatay ng kabiyak ang isa sa masakit na dahilan kung bakit mayroon mga single parents. Maririnig natin sa kanila ang mga katagang, “sila ay parang nalumpo o naputulan ng isang paa”. Tila buong mundo ang nakapasan sa kanilang balikat dahil sa naiwang responsabilidad”ang pagtaguyod sa nasimulan ng pamilya ng mag-isa.

SONG 1: YOU NEVER LET ME GO (Bridges)

HOST

Ito ang Rated PG, isang gawain mula sa Church of the Nazarene.

DISCUSSION (with Ms. Hazel Luarez)

Ilan sa mga nararanasan ng mga SINGLE-PARENTS na naiwang magtaguyod ng pamilya dahil sa pagkamatay ng asawa ay: TAKOT kung paano bubuhayin ang anak, LUNGKOT dahil sa pagkawala ng katuwang sa buhay at KAHIRAPAN sa pag-bubudget ng time lalo na ang Quality Time at paggawa ng major decisions (school etc).

KAYANG-KAYA with Grace Tia (De-stress Your Morning Tips)

  • Ayusin sa gabi ang mga gagamitin sa umaga (damit, sapatos, medya etc.)
  • Ihanda ang mga baon sa eskwela
  • Gumising ng mas maaga kaysa sa mga anak para makapagdasal at magmuni-muni.
  • Maglaan ng lugar na malapit sa pinto para sa mga gamit sa eskwela.
  • Tiyaking kumpleto ang gamit nila sa loob ng bag bago matulog.
  • Seguruhing natapos sa gabi ang mga assignments nila
  • Magtabi ng mga pagkaing madaling ihanda

DISCUSSION (with Ms. Hazel Luarez)

Kasama sa hirap ng pagiging SINGLE-PARENT ay ang pagdidisiplina ng anak ay ang sumagot sa mga tanong ng anak tungkol sa sitwasyon na kinalalagyan. Tiwala sa Diyos at dasal ang higit na kailangan upang mapagtagumpayan ito. Tandaang, wala man ang partner natin dito sa lupa, nandiyan ang Diyos na siyang ating greater partner. Alam niya ang lahat at hindi siya natutulog. Kumapit lang tayo sa kanya at huwag bumitaw.

SPOT

PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito (SPRAINS)

Karaniwan na ang sprain sa atin pero madalas mali ang ating naibibigay na lunas dito.

  • Ihinto ang anumang gawain kung nagka-sprain
  • Huwag na huwag itong ipapahilot.
  • Sa loob ng 48 hours (2 days) tandaan ang RICE: Rest, Ice cold compress, Compression (bandange) at Elevation.
  • Bigyan ng Ibuprofen lalo na sa mga bata
  • After 48 hours (3 days) lagyan ng Hot compress
  • Ipatingin sa doktor kung higit na sa tatlo hanggang pitong araw ang sprain

PAMANA with Pastor Cryz Colorado (Single Parents 3)

Mahirap tanggapin at matutunang ipamuhay ang pagkabalo dahil sa pagkamatay ng asawa. Nangangahulugan itong mag-isa nilang itataguyod ang mga anak. Ngunit mas mahirap tanggapin ang kalungkutan sa pagkawala ng isang taong nakasanayang ng makatuwang sa buhay. Ito ang dahilan kung bakit nagtuturo ang Bibliya na kalingain sila at tulungan sila. Madaling sabihin sa isang balo ang mga salitang magpapalakas ng kanilang loob pero higit pa dito ang kailangan nila. Sana kung paano ang Diyos ay kumakalinga sa mga balo ay ganun din sana ang tayong kanyang Iglesia.

SONG 2: GALAK AY DUMARATING (Frontline Band)

HOST

Tunay na tapat ang Dios sa buhay ng ating mga single parents at yan lamang ang nais nilang sabihin sa atin ngayon. Single parent man sila kung tawagin, alam nating hindi sila nag-iisa. Nandiyan ang Dios na tutulong sa kanila itaguyod ang kanilang mga anak.

EXTRO

Comments

Add Your Comments




Passcode
Would you like to receive email notices when comments are added for this episode?
Yes    No
join the forum
email the host

Meet The Host

Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.

Emily

Program Archive

July 2010
June 2010
May 2010
April 2010
February 2010
May 2008
April 2008
March 2008
February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
rss feed badge - get our rss feed now del.icio.us bookmark badge - add this page to del.icio.us digg.com badge - add this page to digg.com
valid xhtml badge - validate nowvalid css badge - validate nowvalid wai-aa badgevalid xml rss feed badge - validate now