
We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family
Isang patunay ng pagmamahal natin sa ating mga anak ay ang maiparamdam at ma-ipakita natin sa kanila na bine-bless natin sila. Sa ganitong paraan mararamdaman at mauunawaan ng ating mga anak na itinuturing nga natin silang blessings mula sa Dios.
Program Notes or Transcript
Gaano ba natin kamahal ang ating mga anak? At nararamdaman nga ba nila ito mula sa atin? Kung regalo mula sa Diyos ang turing natin sa ating mga anak mahalagang matutunan nating i-“bless”sila sa halip na puna ang matanggap nila mula sa atin. Sa pamamagitan nito, tunay nilang mararamdaman pagmamahal natin sa kanila.
Ang pag-bi-bless sa anak ay isang kagawian mula pa noong Old Testament sa Biblia kaya nga hindi na ito bago. Sa katanuyan, nakaugalian na rin ng mga Pinoy na mag-bless sa mga nakatatanda, na itinuturing nating bilang sign ng paggalang. Ito ay ang pagpatong ng kamay sa noo o ulo ng anak. Mahalagang malaman ng bawat parent na ang pag-bless sa kanilang mga anak ay hindi lamang simbolo ng paggalang kundi isang patunay na mahal natin sila at kinikilala natin silang regalo ng Diyos sa atin. Sa pamamagitan ng pag-bless mo, matutulungan mo ang iyong anak na magkaroon ng eagerness at confidence sa buhay ng sa ganun ay ma-motivate silang magsikap para sa kanilang kinabukasan. Kaya, sikapin nating simulan ngayon upang sa paglaki nila ay gawin din nila ito sa kanilang magiging anak.
TIPS in Blessing our Children:
Tunay na malaki ang impluwensya ng magulang sa anak dahil kung meron man dapat na humubog sa pagkatao ng ating mga anak, yun ay ang mga magulang. Sana sa pag-be-bless natin sa kanila ay tunay nilang maramdaman ang pagmamahal natin para sa kanila. Mahalagang maunawaan din natin ang katotohanan na ibat-ibang nilalang ang mga anak natin at meron silang ibat-ibang personalities at kanya-kanyang mga differences. Kaya mahalagang matutunan din natin ang mga personalities na ito nga ating mga anak para alam natin kung paano natin sila tunay na mabe-bless.
PAMANA with Pastor Cryz Colorado (Blessing Your Children)
Unti-unti ng nawawala ang isang mabuting kaugalian ng Pinoy, ang pagmamano. Maraming mga bata ngayon ang ginagawa na lamang ito kung sasabihin ng mga magulang. Marahil, hindi natin lubos nauunawaaan ang kahalagahan ng salitang “bless” kung kaya’t unti-unting nawawala ang pagpapahalaga dito ng mga bata maging ng mga nakatatanda. Alam niyo bang ang pagpatong ng kamay sa ulo ay paraan ng pagre-release ng blessing sa isang tao lalo na kung itinalaga ito sa isang special na gawain sa panahon ng Bibliya? Ito ay simbolo ng pagdaloy ng biyaya ng Diyos sa buhay ng isang tao sa pamamagitan ng taong nagpatong ng kamay sa kanya. At nagsisilbi din itong simbolo ng pag-iingat at pagbibigay kaalaman ng Diyos sa lahat ng kanyang gagawin. Mga magulang tandaang, kahit isipin na sina-unang gawain ang pagpapatong ng kamay sa ulo, hindi kailan man mawawala sa uso ang pagbi-bless sa ating mga anak.
KAYANG-KAYA with Grace Tia (HOME
MANAGEMENT)
Motivation at sistema lamang ang kailangan upang maayos ang ating tahanan at makakabuti kung maituturo din natin ang mga ito sa miyembro ng ating pamilya.
PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito (Migraine)
Ilan sa mga dahilan ng pagkakaroon ng migraine ay ang stress, menstration, sobrang pagkain, pagpapalipas ng gutom, mga food na may MSG, kakulangan sa tulog at pagpapalit-palit ng panahon. Kaya ilan sa mga ways na maibsan at maiwasan ang pagkakaroon ng migraine ay ang sumusunod:
Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.