
We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family
Sabi nga “Education is the greatest wealth and treasure in life” at nagsisimula ang edukasyong ito sa tamang pagpili ng paaralan. Tandaang malaki ang ginagampanan ng eskwelahan sa paghubog ng kaalaman at pagkatao ng ating mga anak.
Program Notes or Transcript
INTRO SPOT
HOST
Malapit na ang Pasukan at tiyak sumasakit na naman ang ulo ng mga magulang ng tahanan. Nagpapatunay lamang ito na mahalaga pa rin ang edukasyon sa bawat tahanan. Ito lang kasi ang kayamanang pwedeng maipamana ng mga magulang sa kanilang mga anak. Ngunit hindi maipagkakaila na bukod sa magastos ay mahirap ding pumili kung saan paaralang ipapasok ang mga anak nila lalo na sa mga nagsisimula pa lang sa pre-school.
SONG: BATABG-BATA KA PA (Janno Gibbs)
HOST
Ito ang Rated PG, isang programa mula sa Church of the Nazarene.
DISCUSSION (with Mrs. Tess Espiritu)
Mga TIPS sa pagpili ng school ng ating mga anak: PRESCHOOL
Mga magulang, pag-isipan at isaalang-alang ang school na papasukan ng ating mga anak lalo na sa pre-school dahil magsisilbing pundasyon nila ito sa kanilang paglaki. Mahalagang mahubog ng tama ang pundasyon ng ating mga anak sa formative years nito.
PAMANA with Pastor Cryz Colorado (Education)
Hamon para sa mga magulang ang masegurong nasa tamang paaralan ang anak. Heto ang mga pamantayan sa pagpili ng tamang eskwelahan na pag-aaralan ng mga anak:
Suriin ninyo kung ang curriculum ng school ay walang anumang subject na taliwas sa anumang pananampalatayang Kristiyano.
Tandaaang, nagsisimula sa tamang pagpili ng paaralan ang edukasyon ng ating mga anak. Paaralang hindi lamang naghahasa ng kaisipan kundi maging buo nilang pagkatao.
DISCUSSION (with Mrs. Tess Espiritu)
Mga TIPS sa pagpili ng school ng ating mga anak: PRE-SCOOL
START with a PRAYER!
Humanap ng mga church-based school kung nais makatipid at the same time ay maseguro na quality ang edukasyon na nakukuha ng inyong mga anak.
SPOT
KAYANG-KAYA with Grace Tia (Back to School Tips)
TIPS para makatipid ngayong pasukan:
Tingnan kung may pwedeng gamitin ang anak sa mga gamit sa loob ng bahay bago mamili.
PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito (Calcium & Your Kids)
Mahalaga ang calcium sa diet ng ating mga anak mula sa kanilang pagiging sanggol hanggang sa kanilang adolescent stage. Ito kasi ang pundasyon sa pagkakaroon ng matitibay na buto at ngipin ng isang tao. Mahusay din ito para sa muscle contraction at sa mabilis na pag-transmit ng mga messages sa ating mga nerves. Seguruhing may sapat na calcium sa katawan ang ating mga anak. Makukuha ang calcium sa milk, dairy foods at mga calcium fortified foods (ice cream, yugort, cheddar cheese at broccoli). Kung may lactose intolerance o may milk allergy ang anak mo, bigyan siya ng lactose free milk o soya based milk. Tandaan, makakabuti pa rin kung rekomendado ng ating mga doctor ang calcium intake nila para maseguro ang tamang calcium na kailangan katawan nila.
SONG 2: HAWAK MO (Bong Aquino)
HOST
Mga parents, kung tunay na pinahahalagahan natin ang edukasyon ng ating mga anak, dapat lang na kasamang pinag-iisipan ang school na pagpapasukan nila. Malaking porsyento kasi ng kanilang matututunan ay dito nakasalalay. At syempre kasama ng suporta natin sa kanila tiyak na maibibigay natin ang best para sa kanila. Sana ay nakatulong kaming muli sa lahat ng mga magulang dyan. Kung meron po kayong mga questions, comments or suggestions, huwag po kayong mag-atubiling iparating sa amin at sisikapin nating tugunin ang lahat ng iyan.
EXTRO
Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.