
We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family
Rated PG brings you reminders and tips in choosing the right nanny for your child.
Program Notes or Transcript
HOST: Noong mga nakaraang linggo, napag-usapan natin ang isang realidad na nagaganap sa maraming tahanan ngayon, kung saan ang parehong magulang ay kinakailangang umalis ng bahay at maghanapbuhay. Resulta nito, tanging sa yaya o kasambahay na lamang naiiwan ang mga bata.
Sa totoo lang, ang ipagkatiwala sa iba ang mga anak ay hindi madaling gawin. Ganon din naman ang paghanap o pagkuha ng tagapag-alaga sa kanila ay nangangailangan ng panahon at lakas, lalo na kung gusto nating makasigurado na ligtas at nasa mabuting kamay ang ating mga supling.
Alam ko ‘to mga kaibigan, dahil ako man din po ay isang working mom, katuwang ng aking asawa sa paghahanapbuhay. At marami na rin po akong narasang mga problema sa mga taga-pag-alaga ng aking mga anak. Talagang isang blessing nating maiko-consider kung makakuha tayo ng yaya o kasama sa bahay na maaasahan, mapagkakatiwalaan at totoong mag-aalaga sa ating mga anak ng may pagmamahal.
Well, sa episode po nating ito isang magandang paalala ang gusto naming ibigay sa pagtatalakay natin kung paano nga ba tayo pipili at paano natin bibigyan ng instructions ang mga naiiwang tagapag-alaga sa ating mga anak.
Kaya inaanyayahan ko po kayong lahat, especially lahat ng mga parents dyan, tutok na po sa program na siguradong makakatulong sa inyo, kasama pa rin ang faithful nyong host, Emily Bolinas po ang inyong lingkod, dito pa rin sa Rated PG.
SONG 1: TSUPER NG BUHAY (Ding Dionisio)
HOST: Alright mga kaibigan, kayo po ay patuloy na nakikinig dito sa Rated PG. Kung meron po kayong mga questions tungkol sa mga topics na every week dini-discuss natin, please feel free na makipag-ugnayan sa amin dito sa program. Ang Rated PG po ay isang gawain ng Church of the Nazarene, in cooperation ng nag-iisang station nating ito at layunin po naming na makatuwang ninyo sa pagkakaroon ng masaya, matatag at healthing tahanan.
At ngayon naman po, sa isa pang pagkakataon, muli nating kasama ang researcher writer pa rin ng Rated PG, on her third time na actually na makapanayam natin, mukang nagiging suki na natin sya dito sa program. Pero i-welcome pa rin natin, kumusta ka ngayon, Ate Shy Celestial.
RESPONSE (greets)
Ate Shy, don sa mga nakaraan nating dinis-cuss, nakita natin na isang reality na talaga ang pagwo-work both ng parents sa panahon ngayon diba, at kalimitan hindi na ito maiwasan.
RESPONSE ( Tama Emz, well sa maraming mga reasons, unang-una na ang pinansyal, talagang nangyayari ito, na ang tatay at ang nanay ay pareho ng naghahanapbuhay, so no choice kundi iwanan ang anak sa bahay, hindi man mag-isa eh, madalas, kasama ang yaya or kasambahay.)
Ikaw ba ate Shy, personally, naranasan mo na rin either iwan ang bata or iwanan sya sa Yaya?
RESPONSE
Pero ang paghanap ng isang mabuting yaya ay napakahirap gawin diba?
RESPONSE
Ako nga talagang trial and error ika nga sa bagay na yan. Ang hirap maka-tiempo ng yayang pwede mo talagang pagkatiwalaan ng anak natin.
Are there certain guidelines or mga dapat isinasa-alang-alang nating mga parents sa pagkuha o pagpili ng mag-aalaga sa ating mga anak. I’m sure marami no, pero minsan dahil sa sobrang need na ito, minsan nakakalimutan na ito ng maraming magulang, kaya tuloy nagkaka-problema sila in the end.
RESPONSE (qualities we should look before hiring a babysitter)
Naku, ang isa pang issue dyan ay yung training sa kanila diba?
RESPONSE
Ayan, so talagang hindi po madali yung paghahanap ng yaya ng syang maiiwan sa ating mga anak kung tayo ay wala sa bahay.
Later mga kaibigan, itutuloy po natin ang discussion nating ito with ate shy pa rin. Meanwhile, narito po ang mga paalalang pangkalusugang na ibabahagi pa rin ng kasama nating doctor dito sa Payo ni Doc. Pakinggan po natin si Dra. Lyn.
PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito
Emergency Needs ( replay of #10)
HOST: Okay mga kaibigan, nagbabalik po tayo sa pinag-uusapan pa rin natin na mga tips kung paano tayo pipili ng mga tagapag-alaga sa ating mga anak, kanina yan ang mga binahagi sa atin ni ate Shy dito. Ngayon naman siguro, bigyan naman natin ng mga guidelines yung mga parents nating nakikinig ngayon, kung paano natin sila bibigyan ng instructions. Syempre, napaka-halaga na meron silang mga instructions na kailangang sundin kung wala tayo sa bahay, para sa ating mga anak.
RESPONSE (Enumerating and explaining how to instruct a yaya)
At syempre para makaiwas tayo sa mga aksidente sa bahay while we are away from home, dapat maging sure tayo sa nabigyan natin ng orientation si Yaya sa ilang mga safety measures, diba.
RESPONSE
Siguro ang isa pang importante dyan mga parents no, ay yung makapalagayan natin ng loob kung sino man ang mag-aalaga sa mga anak natin. Dapat bigyan din natin sila ng tamang respeto. Hindi porke sinusuwelduhan natin sila, eh ganon-ganon nalang din ang treatment natin sa kanila?
RESPONSE
Well, any parting words ate Shy, para sa mga parents na nakikinig ngayon, lalo na yung mga nasa process ngayon ng paghahanap at paghahanda sa pagkuha ng yaya o yung mag-aalaga sa kanilang mga anak?
RESPONSE
Alright, maraming salamat sa mga nai-share mong yan sa min, ate Shy.
RESPONSE
Mga kaibigan, sana po ay nagsilbing reminder itong napag-usapan namin sa araw na ito. Thanks to Ms. Shy Celestial na naging guest uli natin. Huwag po kayong aalis, dahil susunod na po ang segment nating Kayang-kaya, para sa ilang mga praktikal na kaalaman na kayang-kaya nating gawin at pwedeng-pwede nating subukan. Narito na po ang kumare nating si Grace.
KAYANG-KAYA with Grace Tia
GENERIC SPOT
PAMANA with Ptr Cryz Colorado
Choosing & Instructing a Babysitter
HOST: Okay, salamat, napakinggan po natin ang Pamana segment mula pa rin sa butihin nating pastor, si Pastor Cryz Colorado. Gusto ko yung binanggit nya sa banding huli, na ipaalam natin sa mga tagapag-alaga ng ating mga anak na napakahalaga ng role na ginagampanan nila sa ating mga tahanan kung wala tayo dito, dahil sila po mismo ang tumatayong mga mommy at daddy sa ating mga anak. At sa ganong paraan, makikita at mauunawaan ng yaya natin yung kahalagahan ng kanyang ginagawa diba.
SONG 2: SA YONG MGA KAMAY (Dina Tamayo)
HOST: Isa pong pagkakataon na masasabi nating hindi na maiiwasan ngayon ang pagta-trabaho ng parehong magulang sa tahanan, dulot na rin sa ibat-ibang kadahilanan. Kung kaya nga, napakalaking role ang ginagampanan ng mga dakila nating tagapag-alaga, dahil unang-una, mas mahabang oras na kasama nila ang ating mga anak, pangalawa, sila po ang nagmimistulang mga magulang sa mga panahong wala tayo sa bahay. Ibig sabihin po nito, malaki ang magagawa nilang impluwensya sa ating mga supling.
Kaya kinakailangan pong maging mapili tayo, maingat at totoong isaalang-alang ang pagpili at pagbibigay gabay sa mga tagapag-alagang ito ng ating mga anak. At higit sa lahat, atin pong hilingin sa Dios na ipagkaloob Nya ang tamang tao, na syang mapagkakatiwalaan natin ng ating mga anak.
Ako pong muli si Emily Bolinas, salamat sa inyong pakikinig. Sa susunod po, sana magkita-kita tayong muli. God bless you and your family.
EXTRO
Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.