
We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family
Christmas is Love kasi God is Love at patunay si Hesus sa dakilang pag-ibig na ito ng Diyos. Kaya nga mas makahulugan ang Pasko kung may Pag-ibig na maka-Diyos sa puso natin. Hayaang ang pag-ibig na ito ang bumalot sa ating mga tahanan ngayong Pasko.
Program Notes or Transcript
Napakagandang pakahulugan para sa pagdiriwang natin ng Pasko ang isang pambatang awitin na paulit-ulit binabanggit ang mga katagang, “Christmas is a time for Love”. Isang patunay na “pag-ibig” ang isa sa mga salitang lumalabas kapag binibigyang kahulugan ang espesyal na araw na ito. Ito nga rin marahil ang dahilan kung bakit sa tuwing sasapit ang Pasko, mas nagiging mapagmahal at mapagbigay ang maraming tao. Tuklasin at unawain ang hiwagang dulot ng Pag-ibig sa araw ng Pasko.
WHAT CHRISTMAS IS ABOUT:
CELEBRATION of LIGHT: Kinikilala ng buong mundo ang pagdiriwang ng mga Kristiyano ng Pasko at kasabay pagdiriwang na ito ay ang pagpapakita sa ilaw ni Kristo ng mga Kristiyano sa pamamagitan ng mabubuting gawa.
LOVE: Mahirap mag-celebrate ng Christmas nang hindi nauunawaan kung bakit nagdiriwang nito. Alalahaning ang Pasko ay higit sa lahat isang pagpapatunay sa dakilang Pag-ibig ng Diyos sa tao. Tungkol ito sa Kanyang bugtong anak na si Hesus na naging tao, nagdusa at namatay upang maging kabayaran sa ating mga kasalanan. Siya ang mesiyas at tagapagligtas, ang pag-ibig ng Diyos sa atin.
GIVING: Nag-iwan ng pag-asa, pagbibigayan at kagalakan ang unang araw ng Pasko. Kaya nga parang normal at natural na lamang na paraan ito ng pagpapahayag ng pag-ibig ng tao.
Marahil dahil sa nakasanayan na nating magbigay o mag-exchange gift tuwing Pasko kung kaya nawawala na ang tunay na pagkakaloob. Ito ang pagbibigay ng may pag-ibig sa puso tulad ng buong pusong pagkakaloob ng Diyos kay Hesus, ang kalinga at pagpapatawad Niya bilang patunay ng pag-ibig Niya para sa atin. Kilalanin natin si Hesus, ang regalo at Pag-ibig ng Diyos sa atin ngayong Pasko. Dahil ayon sa Biblia, “Ang hindi nakakakilala sa Diyos ay hindi marunong umibig sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.” Kaya nga kung may Pag-ibig ng Diyos sa puso natin, hindi tayo maaring hindi magmahal. Napaka-palad ng mga Kristiyano sa panahon ng Pasko dahil nararanasan nila ang tunay na kahulugan sa pag-ibig na ito ng Diyos na bumaba noong unang Pasko, ang tunay na diwa ng kapaskuhan.
PAMANA with Pastor Cryz Colorado
Pinaka-buod ng Pasko ang Pag-ibig ng Diyos. Pag-ibig ang dahilan kung bakit ibinigay Niya ang kanyang bugtong na anak na si Hesus. Subalit hindi natin maihihiwalay ang Kanyang kapanganakan sa kanyang kamatayan. Isinilang si Hesus upang tubusin tayo sa ating pagkakasala sa pamamagitan ng kanyang kamatayan doon sa Krus. Sana, higit pa sa pagdiriwang, sa mga regalo, mga palamuti, masasarap na pagkain at kasiyahan ang ating pagdiriwang sa Pasko. Tanggapin natin si Hesus na Siyang pag-ibig na handog ng Diyos sa ating mga puso at gawin Siyang sentro ng ating pagdiriwang. Hayaang maghari ang pag-ibig ng Diyos sa ating mga puso at tahanan dahil ito ang tunay na diwa ng Pasko.
KAYANG-KAYA with Grace Tia (CHRISTMAS ACTIVITIES TIPS)
PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito (CONSTIPATION)
Salungat sa akala ng marami, ang constipation ay hindi kahirapan sa pagdumi kundi ang hindi pagdumi sa naka-gawian mo. Karaniwang dulot ito ng hindi pag-inom ng sapat na tubig o fluid, Stress at ang hindi pagpunta sa banyo kahit kailangan na. Ang pagkain ng mga pagkaing masyadong matataba, matatamis at maharina lalo na kung kulang ang intake ng mga pagkaing mayaman sa fiber at ang kakulangan ng exercise o ng galaw at pagpag ng katawan ay nagpapabagal din ng ating pagdumi. Ilan mga TIPS para maiwasan ito:
Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.