
We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family
Ang Pasko ay pagdiriwang dahil kay Kristo na unang nagpakita ng Pag-ibig sa pamamagitan ng pagpapatawad sa atin. Batid Niyang ito lamang ang tanging daan upang manumbalik ang nawalang pag-ibig sa pagitan ng tao at Diyos. Gaano ito katotoo sa buhay mo?
Program Notes or Transcript
Isang Kulturang Pinoy ang magsama-sama ang buong pamilya sa panahon ng kapaskuhan. Re-union kung baga. Ngunit minsan sa likod ng masayang pagdiriwang na ito ay ang katotohanang sa loob nito ay isang wasak na relasyon. Kung kaya ang Pasko ay hindi lamang panahon ng pagsasama-sama kundi panahon rin ng pagpapatawad lalo na sa ilang mga pamilyang mayroong hidwaan bago pa man dumating ang kapaskuhan. Tandaan sana ang mga ito ngayong Pasko:
Hindi natin maihihiwalay ang salitang pagpapatawad sa tuwing ginugunita natin ang araw ng Pasko. Patunay ang Unang Pasko sa Pag-ibig ng Diyos para sa atin dahil gumawa Siya ng unang hakbang para tayo ay magkaroon ng kapatawaran. Ang pag-ibig na ito ang naglapit muli sa atin sa Kanya. Kung wala ang tagapag-ligtas na si Hesus na naging kabayaran para sa lahat ng ating kasalan, wala rin tayong ipagdiriwang na Pasko. Sana ang mensaheng ito ng Pasko ang magtulak sa atin para lumapit at humingi ng kapatawaran sa mga taong ating nasaktan at ibigay sa mga nakasakit sa atin ang pagpapatawad na ito tulad ng pagpapatawad Niya sa atin ngunit kung walang Kristo sa puso natin mas mahirap magpatawad. Tandaang, mas makahulugan ang Pasko kung ipagdiriwang natin ito ng may kasiyahan at kapayapaan. Sana tunay na maging isang pagdiriwang ang Paskong darating hindi lamang dahil sa kasiyahang dulot nito matapos ang mahabang hidwaan muling magsasama-sama ang mga pusong nasaktan. Ito ang mensahe ng Pasko.
PAMANA with Pastor Cryz Colorado
Bakit nga ba pag panahon ng kapaskuhan ay tila madali ang magpatawad. Maging ang mga mortal na magka-away ay nagkakasundo dahil lamang sa diwa ng Pasko. Kaya tuloy patuloy nating nasasambit “sana araw-araw Pasko”. Ang kapanganakan ni Hesus ang nagbigay daan upang ang tao ay muling manumbalik sa Diyos. Siya ay isinilang at namatay sa krus para sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan. Ang napaka-gandang katotohan ay ang tao ang siyang nagkasala subalit ang Diyos ang gumawa ng paraan upang matubos tayo sa pagkakasala. Mga kaibigan noong isinilang si Hesus, dala niya ang kapatawaran sa lahat ng nagkasala sa kanya. Tunay nga na ang Pasko ay panahon ng pagpapatawad. Humingi tayo ng tawad sa ating Panginoon at tayo rin ay magpatawaran sa bawat isa.
KAYANG-KAYA with Grace Tia (Special
Bibingka Recipe)
PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito (Sleepwalking)
Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.