Tour WMC-AP

Rated PG

Rated PG logo

We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family

Airing on: Cabanatuan City, Zambales and Cagayan de Oro City

Creative Family Time

- for Friday, Feb 2, 2007
comments
RSS feed
join the forum
listen to this podcast

Overview

LOVE spells time at hindi lang time kundi CREATIVE QUALITY TIME. Mahalagang maging creative tayo bilang mga magulang para ma-attract natin sila sa loob ng ating tahanan at doon sila mag-stay, tumulong at makipag-siyahan. So, let's be creative!

subscribe now

 

Program Notes or Transcript

INTRO SPOT

Marami sa ating mga anak lalo na sa mga kabataan ngayon ang mas gusto pang nasa mga malls, sa mga kaibigan, or may kani-kaniyang paraan ng paglilibang kaysa minsan na manatili sa ating mga tahanan para makasama ang iba pang miembro ng pamilya.  Bakit nga ba? At anong mga dahilan? Meron pa bang pwedeng gawin ang mga magulang sa problema nating ito?

SONG 1         LANGIT NA (C. Orosa)

Ito po ang Rated PG, isang gawain mula sa Church of the Nazarene.

DISCUSSION (with Rev. Jun Suyat and Carol Benzonan)

Nawawala ba ang ating mga anak sa ating bahay? Baka naman kasi walang creative family time na nagyayari sa loob ng ating tahanan. Kaya heto ang ilang mga TIPS na posibleng gawin para magkaroon ng Creative Quality time ang pamilya:

  • §  Convert Household chores na maging kasiya-siya (paghuhugas, pagluluto etc)
  • §   Sabay-sabay na pakikinig ng radyo o panonood ng telebisyon
  • §   Karaoke time o simpleng jamming
  • §   Indoor games or board games (uno, scrabble etc)
  • §   Outdoor games (badminton)
  • §   Strolling o pamamasyal sa park
  • §   Pag-exercise ng sabay-sabay (jogging etc)

Mahalagang maging creative tayo bilang mga magulang para ma-attract natin sila sa loob ng ating tahanan at doon sila mag-stay, tumulong at makipag-siyahan.

PAMANA with Pastor Cryz Colorado (Creative Family Time)

Ang bawat pamilya ay nagangailangan ng family time. Isang kawikaan ang nagsasabing: “hindi sapat na bilhan natin ang ating mga anak ng laruan kailangan din nating makipaglaro sa kanila. Heto ang ilang mga PAMANA na maari nating ibigay sa kanila.

  • §   Sikapin na ang lahat ay nasa bahay para sa hapunan at hayaan na ang bawat isa ay magkwento sa nangyari sa kanya sa maghapon.
  • §   Maglaro ng mga games kung saan nag-eenjoy ang bawat isa
  • §   Magkaroon ng devotion o sama-samang pagbabasa at pag-aaral ng bibliya at manalangin nang magkakahawak ang mga kamay.
  • §   Huwag matakot na i-share sa inyong mga anak ang mga plano, tagumpay o suliranin.
  • §   Magpunta sa isang lugar upang ipagdiwang ang isang mahalagang okasyon

Ang pagkakaroon ng panahon na magkasama ang bumubuo ng pamilya. Kaya magkaroon ng maganda at mapagpalang family time upang maging masaya at kalugdan ng Dios.

DISCUSSION (with Rev. Jun Suyat and Carol Benzonan)

Ilan sa mga practical examples na pwedeng gawin sa ating mga tahanan:

  • §  Family day every Saturday or any special day
  • §  Sabay-sabay na mag-Gardening
  • §  Kumain sa labas ng bahay….
  • §  Bed time storytelling
  • §  Card making (Christmas, birthday)
  • §  Pagtuturo ng assignment
  • §  Pagkukumpuni ng mga sirang bagay o pag-dedecorate ng bahay (christmas)
  • §  Household chores

Mararamdaman ng mga anak mo na mahal mo sila sa pamamagitan ng TIME na binibigay mo. Tandaan na sa paglaan ng oras dapat hindi lamang creative kundi quality din ito.

KAYANG-KAYA with Grace Tia (Cleaning Tips)

Cleaning tips na hindi nakakabutas ng bulsa at makikita sa kusina:

Suka: mabisang panlinis sa mantsa ng grasa, panlinis sa salamin, air freshener, pangtanggal ng mantsa ng damit

Baking Soda: Maaring gamiting toothpaste, pang-isis sa kawali at panlinis ng lababo, deodorizer ng refrigerator maging katawan, gamot sa hyper-acidity at facial scrub.

SONG 2:    SAAN MAN AKO PUMAROON (L Ilagan)

PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito (UTI—Urinary Tract Infection)

Heto ang ilan sa mga TIPS para maiwasan ang UTI:

  • §   Madalas ng pagpalit ng diaper para sa mga sanggol.
  • §   Turuan ang mga bata ng tamang hygiene lalo na sa paggamit ng CR.
  • §   Gumamit ng hindi masyadong matapang na sabon at bubble bath kung minsan.
  • §   Gumamit ng cotton underwear para sa ating mga anak especially sa mga babae
  • §   Hikayatin ang ating mga anak na uminom ng maraming fluid tulad ng tubig, at juices
  • §   Bawasan ang pag-inom ng caffeine dahil nai-irritate nito ang ating bladder
  • §   I-konsulta sa doctor ang mga anak nating may UTI upang mabigyan sila ng tamang resita na kalimitan ay antibiotics.

SPOT / JINGLE

Sana maging creative tayo sa kung paano magiging quality at masaya ang mga oras natin sa ating pamilya. Tiyak na hindi makakalimutan ng ating mga anak, yung masasayang mga panahon nating magkakasama bilang isang pamilya.

Kung meron po kayong mga comments o di kaya mga suggestions kung paano pa namin kayo mas matutulungan bilang isang magulang, nais po naming marinig lahat ng yan, Huwag po kayong mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin. 

EXTRO TAG

Comments

join the forum
email the host

Meet The Host

Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.

Emily

Program Archive

October 2011
September 2011
August 2011
July 2011
June 2011
May 2011
April 2011
March 2011
February 2011
January 2011
December 2010
November 2010
October 2010
September 2010
August 2010
July 2010
June 2010
May 2010
April 2010
February 2010
May 2008
April 2008
March 2008
February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
rss feed badge - get our rss feed now del.icio.us bookmark badge - add this page to del.icio.us digg.com badge - add this page to digg.com
valid xhtml badge - validate nowvalid css badge - validate nowvalid wai-aa badgevalid xml rss feed badge - validate now