
We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family
Kung kinikilala natin na Diyos pa rin ang pinaka-mahalagang bahagi sa buhay ng isang tao, yun din dapat ang una nating ituturo. Ang pananampalataya at pag-ibig sa Diyos ang dapat na unang ma-build sa kanila. Ituro natin ang mga ito sa ating mga anak.
Program Notes or Transcript
INTRO SPOT
HOST
Taliwas sa maraming kaisipan ngayon ng maraming magulang, hindi ang school, teacher o learning environment ang may napakalaking implwensya sa edukasyon ng isang bata kundi tayong mga magulang. Karamihan kasi sa mga parents ngayon ay ipinasa na ang resposabilidad na ito ng pagtuturo sa mga mas inaakala nilang may kaalaman at kakayanan. Pero, ano nga ba ang pinakamahalagang bagay na dapat sana ay naituturo natin bilang mga magulang sa ating mga anak?
SONG 1:
HOST
Ito po ang Rated PG, buhat sa Church of the Nazarene, isang programa na sadyang ginawa para makatuwang ng mga magulang sa pagtataguyod ng kanilang tahanan.
DISCUSSION
(with Ptr. Cryz
Para sa maraming mga magulang ang edukasyon ay ang ABCD at 123 o simpleng classroom education lamang. Ang totoo, ang “education” ay yung mga bagay na natutunan at naitatanim sa puso at isipan ng isang tao. Sa likod ng kasabihang “Education begins at home” ay ang katotohanan na bago ma-experience ng isang bata ang lahat sa labas ay nagsisimula na sa loob ng bahay ang edukasyon na ito at nangyayari ito sa kanyang formative years. Lahat ng naririnig, nababasa at nakikita ng bata ay nagsisilbing pundasyon ng pagkatao niya. Tunay na, wala ng mas hihigit at pwedeng pumalit sa ating mga magulang sa edukasyon ng ating mga anak. Tandaang, ang bahay ang pinaka-magandang classroom at tayo ang pinaka-magaling na teacher.
SPOT
KAYANG-KAYA with Grace Tia (Mothers Day Gift Suggestions)
Dapat hindi lang tuwing “mothers day” ipinapakita natin ang pagpapahalaga at pagmamahal natin sa ating mga ina. Mahalagang sa araw-araw ay maipakita natin ang ating pag-ibig at pagpapasalamat sa kanila dahil sila ang pinaka-magandang regalo na bigay ng Diyos sa atin.
DISCUSSION
(with Ptr. Cryz
Lahat ng ginagawa ng mga magulang ay may influence sa kanilang mga anak, kaya ipa-unawa sa kanya habang maliit pa ang tungkol sa Diyos sa pamamagitang ng:
Nanatiling magulang ang pinaka-maimpluwensiya at pinaka-epektibong guro dahil lahat ng sasabihin, ipapakita at ituturo natin sa kanila ay magsisilbing bahagi ng buhay nila. Wala ng hihigit pang dapat matutunan ang mga anak natin kundi ang maunawaan ang relasyon nila sa Diyos at mahalin nila ang Diyos ng buong isip, puso, lakas at kaluluwa.
SPOT
PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito (Fiber and your Kids)
Fiber ang nagdi-discourage ng over eating para maiwasan ang obesity at ma-digest ang pagkain na nakain ng ating mga anak. Tumutulong din ito na maiwasan ang constipation at cancer sa bituka. Pinapababa din nito ang bad cholesterol ng ating katawan para maiwasan ang diabetes at ilan pang sakit sa puso. Ilan sa mga magandang source ng fiber ay ang: orange, mansanas, saging, prawns, pears, whole grained breads at cereals tulad ng oatmeal. Idagdag lamang ang edad ng ating anak sa 5 grams (until 15 yrs old only) ng fiber para malaman kung ilang fiber content ang kailangan nila at 15-20 grams para sa mga lampas 15 years old. Remember health is wealth kaya pangalagaan natin ang ating mga kalusugan.
SONG 2
PAMANA with Pastor Cryz
Education’s First Priority: Learning to Love GOD
HOST
Sana ay bigyang kahalagahan ang maituro sa mga anak natin ang mga bagay tungkol sa ating Dios. Sa totoo lang, ito lamang ang tanging bagay na hindi maglalaho matapos man ang buhay natin dito sa mundo. Simulan natin sa ating mga sarili at sariling halimbawa at ituro sa kanila ang ating pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos.
EXTRO
Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.