
We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family
Mas mainam magpatuloy sa nasimulang pagbabago o gawain para sa Bagong Taon na kasama ang mga pangako ng Diyos. Mga pangakong mapanghahawakan at magsisilbing gabay sa pamilya sa buong taon dahil tiyak na ang mga pangakong ito ay hindi mapapako.
Program Notes or Transcript
Gasgas na nga ba ang salitang pangako sa marami sa atin? Sa dami naman kasing mga pangakong napako hindi maiiwasang negatibo ang pagtingin natin sa salitang ito. Well, kung totoo man ito, hindi sa ating Diyos dahil kapag sinabi Niya tiyak na gagawin Niya. Tanging sa Diyos lamang natin mapapatunayan ang katotohanan ng mga pangako. Kaya nga sa pagsasagawa natin ng mga bagong simula at mga pagbabagong nais marating, tuklasin ang mga pangakong ibinigay ng Dios para sa pamilya at kasama ang Kanyang paggabay ay panghawakan natin ang mga pangakong ito.
Mga pangako ng Dios sa ating mga pamilya hango sa Biblia:
Sana po maging gabay natin at panghawakan ang mga Salita ng Dios sa buong taong ito dahil kung ang pangako ng tao ay madalas napapako, ibahin po natin ang pangako ng Dios. At kung babasahin ang buong aklat ng Biblia makikita dito ang napaka-gandang design ng Diyos para sa pamilya at kung mananalig tayo sa Kanya tiyak na maganda ang kahihinatnan nito tulad ng mga tauhang nabanggit sa Herews 11:1-13 na dahil sa pananalig natupad sa kanila ang mga pangako ng Diyos. Tunghayan ang banal na kasulatan, basahin ito at panghawakan ang mga pangakong nakasaad dito ng may pananalig at pagsunod dahil matapos man ang lahat, mananatili pa rin ang Kanyang Salita.
PAMANA with Pastor Cryz Colorado
Nakapaloob sa Proverbs 3:5-6 ang pangako ng Diyos na kanyang aalisin ang anumang balakid sa ating landasin tungo sa hinahangad nating marating. At nakapa-loob din dito kung paano natin makakamtam ang pangako na ito ng Diyos. (1) Buong pusong pagtitiwala sa Kanya (2) Huwag kang manangan sa sarili mong karunungan at kakayahan (3) sangguniin ang Diyos sa lahat ng iyong balak. Dahil sino nga ba ang nakakaalam sa kung ano ang mangyayari bukas kundi ang Diyos lamang na may alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Magtiwala at maging tapat sa kanya at makatitiyak tayong sasaatin sa taong ito ang pangako ng pagpapala. Dahil ang totoo, wala tayong magagawa kung hindi tayo tutulungan ng Diyos. Kaya sikapin natin na hanapin ang kanyang kalooban upang ating tamuhin ang pangako Niyang ito. At mas mainam kung sama-sama ang buong pamilya sa pagbuo ng mga plano para sa Bagong Taon. Dahil kung sama-sama sa pagpaplano, pananalangin at paggawa tiyak na magiging maayos ang takbo ng ating tahanan.
KAYANG-KAYA with Grace Tia (Saving for
the Future)
PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito (STRESS)
Ang stress o sobrang tension ng katawan ay dulot ng sobrang pagtatrabaho at pagod. Hindi mabuting maranasan ito araw-araw dahil pinahihina nito ang ating resistensiya tuloy mas madali tayong kakapitan ng sakit. Para maiwasan ang sobrang STRESS:
Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.