Yes! We're Hiring. Check out our current job openings.

Tour WMC-AP

Rated PG

Rated PG logo

We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family

Airing on: Cabanatuan City, Zambales and Cagayan de Oro City

Health Risks Of Teenage Pregnancy

- for Friday, Jul 20, 2007
comments
RSS feed
join the forum
listen to this podcast

Overview

Sa dami ng kaso ng teenage pregnancy sa lipunan, hindi lamang tahanan kundi pati ang buong bansa ang apektado dito. Dahil sa mga serious healthrisks na dulot nito both sa ina at sanggol, pagpapatwad at pag-gabay sa halip na panghuhusga ang solusyon dito.

subscribe now

 

Program Notes or Transcript

Nakakagulantang para sa isang magulang na malamang nagdadalang tao ang teenager na anak. Problemang guguho sa mga pangarap nila maging ng kanilang anak. Subalit dapat maunawaan na sa ganitong kalagayan ang buhay ng ina at ng sanggol ay higit pa sa kahit anong pangarap na naguho. Ayon sa pag-aaral, ang mga sanggol na isinilang ng isang teenager na karaniwang nasa 16-19 taong gulang ay maaring makaranas ng mga serious health risks at ganun din siyempre para sa ina dahil pre-mature pa ito para mag-buntis. Tuloy, hindi lang ito isang problema ng tahanan kundi isang problemang pangkalusugan ng bansa. At ilan sa mga maaaring maranasang health risks ng ina ay ang:

  • Pagkakaroon ng Cervical cancer after ten or late ten years nila. Mentally unprepared dahil sa maagang pag-ako ng responsabilidad bilang magulang.
  • Nasirang kinabukasan dahil kailangang tumigil sa pag-aaral para mag-alaga ng anak.
  • DEATH dahil kalimitang unwanted kaya abortion ang madalas na solusyon na maaring magdulot sa ina ng heavy bleeding at hemorrhage.

At dahil kadalasan unwanted ang mga sanggol na ito maraming ginagawa ang ina habang nagbubuntis na naglalagay sa kanila sa maraming mga health risks din. At ilang mga healthrisks para sa BABY ay ang:

  • Premature na pagsilang dahil sa hindi pagkain ng maayos ng ina habang nagbubuntis. At dahil sa premature ito, maaring hindi normal ang pag-function ng mga organs ng sanggol.
  • Abnormalities tulad na hindi maayos na mental health o mental retardation dahil sa kagustuhan ng ina na i-abort ang bata sa pamamagitang ng pag-bugbog, medisina, pag-inom at hindi pagkain ng maayos.

PAMANA with Pastor Cryz Colorado

Walang magulang ang matutuwa na sa kabila ng pagsisikap para mabigyan ang anak ng mabuting buhay ay isang araw uuwi at sasabihing buntis siya. At kadalasang nangyayari ay ang pagtakwil sa kanila sa loob ng ating tahahan. Mga magulang, maging matimbang sana ang ating hangarin na matuwid ang pagkakamali kaysa pabayaan sila dahil sa nabigyan nila ng dungis ang ating pangalan at karangalan. Tandaang, ang higit nilang kailangan ay ang pag-unawa at pagpapatawad niyo bilang magulang at kapamilya. Hindi man ito madaling tanggapin ng buong pamilya ngunit mas magiging magaan ito kung ang magulang mismo ang gagawa ng paraan upang manumbalik ang nagkasala sa tamang landasin. Katumbas sana ng hangarin nating disiplinahin ang ating anak ay ang hangaring iligtas sila panahong sila ay nagkasala.

KAYANG-KAYA with Grace Tia Allowance

  • Ibigay ang allowance sa denominasyon na mahihikayat silang mag-ipon
  • Pagbuksan sila ng savings account at turuan sila kung paano mag-deposito.
  • Turuan sila kung paano mag-withdraw at huwag silang pagbawalan
  • Turuan silang magkaroon ng maayos na record kung paano ginagamit ang pera nila Pamamalengke (pagpili ng produkto, at pagbubudget
  • Hayaan silang gumawa ng desisyon pagdating sa paggamit ng pera

PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito (Caring for Pregnant Women)

  • Magpatingin sa isang obigyne
  • Alamin ang mga pagbabago sa katawan (tiyan, breast, skin
  • Iwasan ang alak, sigarilyo at drugs habang nagbubunti
  • Huwag mag-diet sa halip kumain ng sapat at masusustansiyang pagkain.

Comments

Add Your Comments




Would you like to receive email notices when comments are added for this episode?
Yes    No
join the forum
email the host

Meet The Host

Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.

Emily

Program Archive

February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
rss feed badge - get our rss feed now del.icio.us bookmark badge - add this page to del.icio.us digg.com badge - add this page to digg.com
valid xhtml badge - validate nowvalid css badge - validate nowvalid wai-aa badgevalid xml rss feed badge - validate now