
We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family
Rated PG tackles the issue of how TV, Video and the Internet influences our Kids and how to develop a healthy way of coping with these technologies that we have now.
Program Notes or Transcript
INTRO SPOT
HOST: Ibang-iba na nga ang pwede nating mapanood lalo na ng ating mga anak sa telebisyon ngayon, ganon din ang ilan pang klase ng visual media nating tinatawag tulad ng video at ng internet. Ayon pa rin sa pag-aaral, ito nga raw mga napapanood nating ito ang nananatiling may pinaka-malaking impluwensya sa tao, bata man o matanda, dahil sakop nito,hindi lamang ang ating pandinig pati na rin ang ating paningin.
Hindi po biro ang maaaring makuhang mga impormasyon at mga ideya ng mga bata mula sa TV, internet at mga video games? Totoong napaka-effective din ng mga paraang ito sa pagbibigay sa kanila ng edukasyon at entertainment pero posible rin namang maging mapanganib sa kanila kung sosobra.
Kaya ngayon po, bibigyang paalala natin muli ang lahat ng mga parents na nakikinig sa atin ngayon, syempre kasama ko dito, para maging gabay ng ating mga anak upang maiwasan ang posibleng negative effects ng sobra at masamang influence ng media na kanilang nakikita at napapanood ng madalas, ang telebisyon, video at internet.
Kaya inaanyayahan ko po kayo, samahan nyo po ang inyong lingkod, Emily Bolinas sa paghahatid ng isa na namang makabuluhang edisyon ngayon ng Rated PG.
SONG 1: GABAY (ID04)
HOST: Okay, ito pa rin po ang Rated PG, ang programang katuwang ng magulang sa pagkakaroon ng masaya at matatag na tahanan, syempre pa handog ng Church of the Nazarene at ng station nating ito. Maraming salamat po.
And today, dahil isa na namang interesting na discussion ang ihahatid namin sa episode nating ito, kaya naman nag-invite po tayo ng isang kaibigan, actually first time po natin sya makasama dito. Sya po ay ang adult ministries coordinator ng Church of the Nazarene Metro Manila district, syempre kasama dyan yung mga gawain para sa mga kananayan at mga katatayan, sa mga mag-asawa, sya rin po ay matagal ring nag-pastor sa Valenzuela Church, may isang asawa at biniyayaan naman ng dalawang anak. So, gusto po nating i-welcome ngayon, first time to be in the show, walang iba kundi si Pastor Onnie Plantilla.
Hello pastor, kumusta po at welcome sa Rated PG.
RESPONSE
Alam nyo po, minsan ko ng inattempt na imbitanhan itong si Pastor Onnie, kaya lang hindi lang umubra sa schedule nya kaya hindi natuloy, kasi napaka-busyng tao po nito. Pero ngayon, Salamat dahil, pinagbigyan nya tayo sa interviewing ito.
RESPONSE
Well, straight to the topic na po tayo pastor ha, kung i-aassess po natin ang mga visual media natin sa ngayon, kasama dito ang tv, video and internet, how would you describe it?
RESPONSE
Do you think, malayong-malayo na ito nung panahon na kayo ay bata pa?
RESPONSE
Totoo po bang malaki ang pwedeng maging influence nito sa mga bata or sa ating mga anak?
RESPONSE
How about yung concern ng parents dito? Nagiging particular ba ang maraming magulang sa issue ng panonood ng mga bata ng tv, video at internet?
RESPONSE
Siguro mamaya, pastor Onnie, i-share mo naman sa ating mga parents na nakikinig kung paano nga ba magkakaroon ng healthy tv viewing habits or pagbi-video and internet ng ating mga anak. Okay, mamaya nyo po maririnig yan, matapos po nating matunghayan ang mga household tips ni Grace, mga practical na paalala, dito pa rin sa bahaging ito ng Rated PG, ang Kayang-kaya.
KAYANG- KAYA with Grace Tia
Four Easy Steps to Clear Clutter at Home
HOST: Alright mga kaibigan, nagbabalik po ang discussion natin dito pa rin sa Rated PG, syempre, kasama pa rin ang guest natin for today, si Pastor Onnie pa rin.
Pastor kanina po, bago natin putulin yung pag-uusap natin kanina, sabi natin, tips naman para sa mga parents ang ishe-share nyo para naman magkaroon ng healthy viewing habits ang kanilang mga anak at masiguradong ma-guide nila sila sa paggamit ng video at internet.
RESPONSE
(Enumerating some practical tips on these)
Eh papano naman daw po pastor kung minsan, hindi natin nakikita, especially yung mga school age kids natin, na minsan, sa mga internet café at gaming shops muna ang routa bago sa bahay?
RESPONSE
Well, over all pastor, after sharing all these tips no, ano po ang gusto nyo pang ibigay na reminder or paalala sa mga kaibigan nating parents ngayon, bago natin tapusin ang discussion natin?
RESPONSE
Wow, very well said, naku salamat po pastor sa maraming baga na yan, na naibahagi nyo sa amin. I’m sure maraming natutunan ang mga kapwa nating magulang sa mga narinig nila ngayon.
Again, salamat po, I hope una pa lamang ito sa mga pagkakataong makasama namin kayo dito sa Rated PG.
RESPONSE
Mga kaibigan, hindi pa po dito natatapos ang ating program, may ilan pa po tayong mga segments na nais dalhin sa inyo. Kaya dyan lamang po kayo at susunod na ang health tips natin from PAyo ni Doc.
PAYO NI DOC with Dra. Lyn
GENERIC SPOT
HOST: Syempre pa, hindi kumpleto ang rekado ika
nga, kung di natin mapapakinggan ang mga paalala hango naman sa biblikal na
perspektibo, na naririnig natin linggo-linggo, laging fresh at bago syempre ang
PAMANAng bahagi naman ng Rated PG, kasama po si Pastor
PAMANA with Ptr
Healthy TV, Video and Internet for Kids
SONG 2: NASAAN KAYA AKO (Papuri)
HOST: Mga magulang, totoo pong napakahirap bantayan ng ating mga anak sa mga bagay na nakikita nila at kinalilibangan nila mula sa telebisyon, mga video games at internet. Mas mahirap din naman po kung atin lang silang pababayaan. Dahil baka hindi magtagal, pumasok na ang masasamang impluwensya nito sa sistema ng ating mga anak.
Isang magandang paalala rin siguro sa atin, minsan pa, na ang lahat ng sobra o labis ay hindi rin makabubuti lalo na sa exposure nila sa ibat-ibang klase ng mediang ito.
So, bilang mga parents pa rin, dapat tayo pa rin ang may control nito. Subukan po natin silang i-guide, bigyan ng mga restrictions, limitahan sa paggamit ng mga entertainment gadgets na ito, ipamulat pa rin sa kanila ang ilang mga options maliban sat v, video at internet.
Maging selective din po tayo mga magulang sa kung ano lamang ang kailangan at pwede nilang panoorin.
Yung mga guidelines pong nai-share ng ating program ngayon ay mga bagay na pwede nating gawin bilang pasimula sa pagbabantay sa ating mga anak para ma-ensure natin na healthy ang kanilang mga nakikita at napapanood sa telebisyon man, video at internet.
Well, maraming salamat po, hanggang dito na lamang, next time uli, I hope magkita-kita tayong muli, ako po ang nakasama nyo, Emily Bolinas dito pa rin sa Rated PG.
EXTRO
Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.