sitemap | you are here: home » podcasts » rated pg » heart of a mom

Tour WMC-AP

Rated PG

Rated PG logo

We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family

Airing on: Cabanatuan City, Zambales and Cagayan de Oro City

Heart Of A Mom

- for Saturday, May 8, 2010
comments
RSS feed
join the forum
listen to this podcast

Overview

A Mother's Day episode...

subscribe now

 

Program Notes or Transcript

INTRO THEME

HOST:  Kung merong isang taong dapat nating pahalagahan tulad ng isang bayani, sabi nga, ito raw po ay walang iba kundi ang ating ina.  Totoo nga naman po, sa maraming pagkakataon, ang mga ina ng tahanan ay maraming mga sakripisyong higit pa sa kabayaninhan.

            Paano nga po ba natin mailalarawan ang puso ng isang ina? Isa na naman pong pagkakataon ito dito sa ating program upang i-celebrate ang araw para sa lahat ng ina ng tahanan. Alam nyo po, taon-taon natin itong ginagawa upang masigurado na kahit isang beses man lang ay totoong maparangalan ang mga importanteng tao sa ating lipunan at higit sa lahat sa mga mahahalagang nilalang na mismong mula sa ating pamilya.

            Kaya, samahan nyo po ako, dito sa espesyal nating episode ngayon, ito pong ang mothers’ day celebration, syempre pa kasama ang inyong lingkod, Emily Bolinas at ang kumpleto nating mga segments na lalo pang magbibigay pugay sa lahat ng mga nanay na nakikinig sa ng programang Rated PG.

            Isang natatanging awit po ang hatid namin, especially dedicated sa mga inang katulad ko, narito po para sa inyo.

SONG 1: Stand by Me

 

DISCUSSION Part 1.

HOST:  Mothers Day Special celebration po ang episode natin ngayon dito pa rin sa Rated PG.  Well, bago po ang lahat, gusto kong batiin ang ilan sa mga dakilang ina na kaibigan natin, syempre pa, Happy Mothers Day kay Mam Joy Dominado, kay Mam Nitz Fajardo, kay Mam Len, kay Mommy Kathleen Briones, hope nakikinig sya ngayon ng Rated PG, Ganon din naman kay Ate Neriz Colorado na mahal na maybahay naman ng Pastor Cryz, syempre pa kay Dra. Lyn at kay Grace ng ating mga segments, ayan, happy happy mothers day po sa inyong lahat. Sana i-grant ng Lord ang mga kahilingan ng inyong mga puso ngayon. 

            Well, since Mothers day nga po, syempre pa, hindi mawawala ang ilan sa ating mga kaibigang nakapanayam sa pamamagitan ng interview, at tinanong natin sila kung paano nila ilalarawan ang puso ng isang ina? Narito po at pakinggan natin sila.

VOICE CLIPS (interviews :  paano mo ilalarawan ang puso ng isang ina)

HOST:  Wow, naku, on behalf of all the moms out there, sa mga kapwa ko ina ng tahanan, thank you po sa mga narinig nating yan. Salamat sa ilang mga kaibigan nating nagpaunlak na ma-interview which I think halos ni-represent ang karamihan upang mabigyan parangal ang mga nanay natin this mothers day.  Ang sarap pakinggan diba, talagang nakakataba ng puso, feeling ko tuloy ngayon mas tumaba ako ng ilang pounds because of those words.  Alam nyo napakaganda talaga na kahit once a year eh merong ganitong celebration diba, malaki kasing encouragement na marinig ito ng lahat na inaabot ng ating program. Kasi tayong mga pinoy, hindi tayo masyadong expressive, so at least through these interviews eh makapagbigay tayo ng kasiyahan sa mga ina ng tahanan na sine-celebrate natin ngayon.

Well mamaya po, sa continuation ng ating program, mga ina ng tahanan naman ang maririnig natin para makapanayam kung ano naman ang nilalaman ng kanilang mga puso or yung wish nila this Mothers day.  Abagan nyo po yan, meanwhile, narito po ang isa pang isyu ng mga magulang higit sa lahat syempre pa, mahalaga ito sa mga nanay, na mapanatili ang kalusugan ng kanilang pamilya, kaya pakinggan po natin ang ilang health tips hatid pa rin sa atin ng Payo ni Doc.

PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito

SONG 2:  She’s Always a Woman To Me (Billy Joel)

 

DISCUSSION Part 2 : 

HOST:  Isang awit pa rin po in celebration of Mothers Day, sa special episode natin ngayon, hatid sa inyo ng Rated PG, ang programang katuwang ng magulang sa pagkakaroon ng masaya at matatag na tahanan. Ito po ay mula naman sa gawain ng Church of the Nazarene. 

            Well, kanina po, sa interview portion natin, narinig natin kung paano inilarawan ang puso ng isang ina.  This time naman po, mismong mga ina ng tahanan ang ating makakapanayam upang malaman naman natin kung ano ang nasa kanilang mga puso, pakinggan po natin kung ano ang mga nais or wishes ng kanilang mga puso especially sa mothers day na ito….

VOICE CLIPS ( Interview of Moms:  Ano ang nasa puso mo ngayon bilang isang ina, wish for this mothers day?)

HOST:  Ayan po, napakinggan natin ang ibat-ibang mga wishes na nasa puso ng maraming ina ng tahanan ngayon, lalo na sa kanilang pamilya.  Dalangin natin na sana i-grant ng ating Dios ang mga kahilingang ito.  Alam nyo po, malapit ang puso ng Dios sa mga inang katulad natin, dahil tayo ang kanyang instrumento sa pagsilang ng kanyang masterpiece, ng mga tao.  At ito ang isang napakalaking tuntuning ginagampanan ng isang ina ng tahanan. Kaya, I’m sure ang panalangin ng mga inang katulad natin ay naririnig ng ating Dios. 

Tuloy-tuloy pa po ang ating palatuntunan, narito naman po at pakinggan naman natin ang isa pang ina ng tahanan, na sya namang palaging nagbibigay sa atin ng mga tips na praktikal para sa ating mga tahanan, dito pa rin sa segment nating Kayang-kaya.

KAYANG- KAYA with Grace Tia

 

PAMANA with Pastor Cryz Colorado

Heart of A Mom 

SONG 3: Iingatan Ka (Carol Banawa)

 

HOST :   Isa na naman pong pagkakataon upang minsan pa ay bigyang pagpapahalaga ang kabutihan ng mga ina ng tahanan. Mabuti po ang Dios sa pagkakaloob ng mga dakilang ina na patuloy Nyang ginagamit sa paghubog ng kanilang mga anak.  Isang blessing po yan, kung merong kayong inang patuloy ng may pusong kahawig ng Dios, matapat, matiyaga, mapagpatawad, may pagsasakripisyo at higit sa lahat mapagmahal. Huwag po sana nating ma-miss na sabihin sa kanila kung gaano natin sila pinahahalagahan at kung gaano tayo nagpapasalamat sa lahat ng kanilang ginawa sa atin at sa kanilang buhay. 

            Salamat po sa inyong lahat na naki-celebrate sa amin ng Mothers Day ngayon.  God bless you po. Ako po si Emily Bolinas, muling bumabati sa inyo ng Happy Mothers Day at sana po ay magkita-kita tayo muli sa susunod, dito pa rin sa programang, Rated PG.

EXTRO

 

Comments

Add Your Comments




Passcode
Would you like to receive email notices when comments are added for this episode?
Yes    No
join the forum
email the host

Meet The Host

Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.

Emily

Program Archive

August 2010
July 2010
June 2010
May 2010
April 2010
February 2010
May 2008
April 2008
March 2008
February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
rss feed badge - get our rss feed now del.icio.us bookmark badge - add this page to del.icio.us digg.com badge - add this page to digg.com
valid xhtml badge - validate nowvalid css badge - validate nowvalid wai-aa badgevalid xml rss feed badge - validate now