
We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family
Rated PG gives tips on helping your child to be independent and responsible in the clothes that they choose and wear.
Program Notes or Transcript
INTRO THEME
HOST: Sa murang edad nga po ng ating mga anak, natutunan nila ang ibat-ibang mga bagay, at syempre pa, nagsisimula ito sa loob ng ating tahanan. Bilang mga magulang, malaki ang papel na ating ginagampanan sa pagtuturo sa kanila. At sa pagtuturong ito, marami rin naman tayong mga bagay na dapat matutunan at dapat isaalang-alang.
Gaya na lamang ng kanilang pagbibihis, hindi po ito nangyayari overnight, kumbaga, lahat po ay dapat matutunan nilang i-handle ng paunti-unti, at ang isang bagay siguro na dapat nilang matutunan ay ang maging responsable sa kahit anong kanilang ginagawa, kahit sa murang edad pa lamang nila.
Well, kumusta po kayo mga kaibigan, welcome po sa isa na namang edisyon ng ating program. Simpleng mga paalala po ang hatid namin sa lahat ng kapwa ko parents na nakikinig ngayon, gayon din naman sa mga future parents dyan. Samahan nyo po ako, ang inyong lingkod, Emily Bolinas, sa kalahating oras ng kaalaman, mga awitin at ilang mga paalala sa kumpletong episode natin ngayon, dito lamang sa Rated PG.
SONG 1: BATANG-BATA KA PA (Janno & Alissa Gibbs)
DISCUSSION Part 1. INTERVIEW with Grace Tia
HOST: Ayan po, talagang totoo ang sinsabi dyan sa napakinggan nating song, marami pang kailangang malaman ang mga bata, ang ating mga anak. Kung kaya nga dito pos a ating program, tinutulungan nating ma-equip ang mga parents, para sa pagtuturong ito sa ating mga anak. Syempre pa, dito nyo lang yan maririnig sa Rated PG, ang palatuntunang katuwang ng magulang sa pagkakaroon ng masaya at matatag na tahanan. Ito po ay hatid pa rin sa inyo ng Church of the Nazarene at ng himpilang ito.
Well, gusto ko naman po kayong i-welcome sa bahaging ito kung saan nagkakaroon tayo ng talakayan sa ibat-ibang isyu ng pagiging magulang at mga pagtuturo sa ating mga anak. Very practical ang topic na pag-uusapan natin ngayon, kaya muli nating minabuting maka-usap dito ngayon ang kaibigan natin dito sa Rated PG na laging may handog sa ating mga practical tips, sya po ang boses na naririnig nyo lingo-linggo sa segment nating Kayang-kaya, please welcome minsan pa, Ms. Grace Tia. Hello Grace, magandang araw sa yo? Bumati ka muna sa ating mga listeners.
RESPONSE
Sabi nga nila, education begins at home? Dahil sa tahanan nga natin dapat matuto ng napakaraming bagay ang ating mga anak, anong masasabi mo rito?
RESPONSE (Totoo yan, hindi lang ito yung 12345 or ABC or academics na natutunan ng mga bata, kundi halos lahat ng bagay, simula sa paglalakad, pagkain, mga habits, mga gawaing bahay, yung araw-araw nilang ginagawa, lahat-lahat madalas natutunan nila sa loob ng ating mga tahanan.)
At kasama na siguro dyan yung pagiging responsable ng ating mga anak sa lahat ng kanilang ginagawa ano, gaya ng nabanggit ko sa opening or introduction ng program natin kanina?
RESPONSE ( Tama Emz, yon siguro ang dapat lagi nating aalalahanin sa bago pa natin ituro sa kanila ang ibat-ibang mga bagay, yung pagiging responsible nila, sa kahit na anong bagay na kanilang ginagawa. Ito yong mas dapat mabigyan natin ng diin dito.)
At kasama na dito sa pagtuturo sa kanila na maging responsible ay yung pagtuturo sa kanila na ayusin ang kanilang sarili diba, gaya na lang ng pagbibihis nilang mag-isa.
REACTS ( Totoo yan Emz, nagsisimula kasi itong pagiging responsible nila sa paghahandle nila ng kanilang mga sarili, so kasama na talaga dyan yung pagbibihis, at sabihin na nating pagdadala ng kanilang mga sarili.
Grace, sa anong edad nga ba natin dapat turuan ang mga batang magbihis ng kanilang sarili.
RESPONSE (Minsan pwedeng maging hint rin nating mga parents diba kapag nakikita natin silang nagta-try na gawin ang isang bagay, siguro that’s the opportunity talaga na maturuan sila ng tama diba. Kasi I’m sure hindi pare-pareho ang development ng mga bata, merong mabilis ang development ng motor skills nila, meron naman mas mabilis ang speech. So kung sa edad, pwede talaga itong mag-vary. Pero normally, pag mga two or three years old na sila, we can start teaching them to dress up ng sa kanilang sarili. Actually Emz meron tayong pwedeng gawing tips ika nga kung paano ito gagawain.)
Aba, okay, mga tips po ang gusto naming i-share sa inyo ngayon kung paano nga po ba natin tuturuang magbihis ang ating mga anak. Yes, Grace…..
RESPONSE
n If you are teaching your kid how to dress herself, then you must allow for that extra time in the morning, before you leave the home. This way, you will not feel pressured to finish dressing her up, even while she is still trying. Give her at least ten minutes to wear her clothes properly, and to tie her shoelaces, even if it means that you will have to wake up ten minutes earlier than usual. Remember, you are teaching your kid to be responsible for what she is doing, and this can be an extremely valuable lesson for her, a lesson that will last all her life.
n Don’t get all hassled about the order in which she puts on her clothes; even if she wants to wear her shoes first and only then her pants, let her do so. She will learn by herself that it is easier to wear her pants and only then her shoes, all by herself, and she will feel a great sense of achievement when she actually gets everything right finally, and you smile at her.
Ayon nga naman, well Grace, siguro mamaya, iko-continue natin yang mga tips na binibigay mo sa amin about helping our kids to dress up, kaya i-reserve mo muna yung iba pang tis mo mamaya. Meanwhile, pakinggan po muna natin ang ilan sa ating mga segments na inihihanda pa rin namin sa inyo.
PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito
DISCUSSION Part 2 : Interview with Grace Tia
HOST: Well, back here mga kaibigan, sa continuation ng ating discussion ng ating pinag-uusapang topic about helping your kids to dress up at the same time helping them to be responsible person sa kung anong kanilang ginagawa. At kasama pa rin natin syempre ang Kayang-kaya segment host natin na si Grace. Kanina Grace, dalawang tips na yung nai-share mo sa amin, now, ano pa kaya yung mga dapat nating tandaan na mga parents sa
pagtuturo natin sa ating mga anak na magbihis mag-isa.
RESPONSE
n Remember, practice makes perfect. The more number of times your child dresses herself, the better she will be at it; imagine the look on your Aunt’s face when she sees little Amy dressing herself from head to toe, with absolutely no help from you!
n Whatever may be her achievement, remember to encourage and praise her immediately, and she will be motivated enough to continue doing whatever she did to garner such a reaction from you.
n You can actually purchase simpler clothing when your child is learning to dress herself. You could buy pants with elastic waistbands, so that all she has to do is pull it up. You could buy loose slip on dresses or t-shirts for her, with large openings through which she could put her head easily, with no help from you. Also buy shoes that can be fastened with Velcro, because mastering shoelaces at this age may not be easy.
n If possible, allow your child to pick out her own clothes. This may be funny at first, but you just have to put up with her outrageous combination if you want her to learn. Soon she will demonstrate an uncanny ability to mix and match, and you would have successfully taught her how to dress by herself.
Naisip ko lang Grace, dahil sa nakikita ko minsan na hindi na mga desenteng manamit ang mga kabataan natin ngayon, siguro mabuti rin kahit ang mga anak natin ay mga teenager na, maganda rin natin silang mapaalalahanan tungkol pa rin sa pananamit nila, diba. Perhaps we can remind them yung pagiging responsible sa kanilang pananamit, na hindi basta nakapagsuot kahit hindi na masyadong kagalang-galang at disenteng tingnan.
REACTS
Okay. So I think magandang reminder sa atin ito mga parents ang maturuan ang ating mga anak kung paano sila magiging responsible sa kanilang mga sarili at sa kanilang mga ginagawa syempre pa kasama na dyan ang pagbibihis nila.
Well, again thanks Grace sa pagsama mo sa discussion natin ngayon.
RESPONSE
Dyan lamang po kayo mga kaibigan, narito naman po at pakinggan natin ang isa pang awitin na nais naming ihandog sa inyo.
SONG 2: I Will Be Here
KAYANG- KAYA with Grace Tia
PAMANA with Pastor Cryz
HOST : Alright. Salamat muli sa mga kasama natin dito na narinig natin sa ibat-iba nating mga segments na kumumpleto naman ng ating program ngayon.
Syempre pa, salamat din po sa inyo mga minamahal kong parents at lahat ng aming tagapakinig sa pagsama at pagtutok nyo sa amin sa loob ng kalahating oras.
Next time po uli, next week, muli nyo po akong samahan, sa ganitong oras pa rin at himpilan, ako po ang inyong kaibigang nakasama ngayon, Emily Bolinas, hanggang sa susunod, dito pa rin sa Rated PG.
EXTRO
Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.