Tour WMC-AP

Rated PG

Rated PG logo

We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family

Airing on: Cabanatuan City, Zambales and Cagayan de Oro City

How Fathers Matter In Healthy Child Development

- for Saturday, May 31, 2008
comments
RSS feed
join the forum
listen to this podcast

Overview

Listen as Rated PG tackle's How Fathers play a vital role in the development of a child.

subscribe now

 

Program Notes or Transcript

INTRO SPOT

HOST:   Ang buwan ng Hunyo ay markado na sa ating mga kalendaryo hindi lamang hudyat ng pagbabalik eskwela ng ating mga anak dahil pasukan na naman.  Dito rin po natin sine-celebrate ang natatanging araw para sa mga ama ng tahanan.

            Syempre pa, hindi pahuhuli ang Rated PG, sa pagkakaroon ng Fathers’ Day episode na sadyang ginagawa para bigyang pansin, at pagpapahalaga minsan pa ang mga tatay na nagsisilbing haligi ng bawat tahanan. Sino nga ba ang madalas at nanatiling pangunahing bread winner ng maraming pamilya, hindi ba ang mga tatay pa rin, kahit na sabihin pa nating marami na ring mga mommy ngayon ang katuwang nilang nagta-trabaho.  

            Alam nyo, minsan dahil laging si tatay ang wala sa bahay syempre dahil na rin sa kanyang paghahanap-buhay, madalas hindi na natin siya nabibigyang pansin, hindi natin madalas naipapakita yung kahalagahan ng isang ama sa tahanan, sa pagbuo ng pamilya, higit sa lahat yung role na ginagampanan nya sa pagkakaroon ng ating mga anak ng healthy child development.

            Kaya ngayon po, samahan nyo ako, Emily Bolinas sa pagtatalakay ng natatanging topic na ito, bilang pagpapahalaga na rin sa lahat ng mga tatay dyan, papa, daddy at mga ama ng tahanan, dahil ito po ay special episode para sa inyo. Okay, kalahating oras lamang po ito, pero sigurado ang kaalaman at inspirasyon na ihahatid namin sa inyo, dito lamang sa Rated PG.

SONG 1:        SA PILING MO HESUS (Teenhearts)

HOST:  Alright, gusto po nating samantalahin ang pagkakataong ito para i-greet ang mga ama ng tahanan ngayon, happy-happy fathers’ day po sa inyong lahat. Sana, mga anak, mabigyan naman natin ng gift, treat or tribute ang mga butihin nating mga tatay or daddies ngayong Fathers Day.

            Ito po, itong episode natin ngayon ang pinaka-tribute natin sa mga fathers na nakikinig ngayon. At para makasama ko ngayon sa discussion, narito po at gusto nating i-welcome ang isang ama rin ng tahanan, may isang maybahay at dalawang supling. Second time nya po sa ating program, please welcome, Pastor Onnie Plantilla again dito sa Rated PG. Hi Pastor, kumusta po?

RESPONSE

Kumusta naman ang pagiging ama ng tahanan?

RESPONSE

Siguro bago natin tuluyang pumunta sa discussion natin no, tanungin muna natin si Pastor Onnie dito, personally po pastor, ano ang pinakamahirap na bagay na naranasan nyo bilang padre de pamilya?

RESPONSE

Eh ano naman po yung pinakamagandang karanasan nyo na hindi nyo malilimutan sa pagiging tatay?

RESPONSE

Now, pastor sabi sa child psychology, malaki nga raw po ba ang role na ginagampanan ng mga lalaking magulang o ng mga ama sa pagkakaroon ng anak ng healthy child development?

RESPONSE  (shares the overview of the topic)

Ito rin po ba ang reason kung bakit kung kapag ka minsan, walang father figure sa loob ng tahanan, eh nagkakaroon ng porblema sa mga anak?

RESPONSE

Well, siguro po, mamaya, hilingin natin si Pastor Onnie dito na mas i-elaborate pa yung mga roles na ito ng tatay sa bahay sa pagkakaroon ng malusog ng development ang mga bata. 

Okay, for the meantime po, bibigyang daan muna natin ang ilang mga health tips mula pa rin sa butihin nating doctor dito, si Dra. Lyn para sa Payo ni Doc.

PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito

HOST:  Okay, salamat po Doctora sa isa na namang payong pangkalusugan na narinig nating yan from Payo ni Doc.

            Now, back with our guest here, si Pastor Onnie pa rin para sa ating natatanging topic tungkol sa kahalagahan ng ama sa tahanan higit sa lahat sa development ng ating mga anak.

            Okay, pastor, nabanggit nyo kanina na, iba at walang pwedeng pumalit sa pagiging magulang ng ama sa tahanan, di po ba? At ano nga po ba yung mga roles na ginagampanan nya sa family especially sa pagpapalaki ng tama sa bata.

RESPONSE   (Enumerating how a father is different in terms of his contribution to healthy child development)

n     fathers parent differently

n     fathers play differently

n     fathers build confidence

n     fathers communicate differently

n     fathers discipline differently

n     fathers prepare children for the real world

n     fathers provide a look at the World of Men

n     fathers connect children with Job Markets

Ayon, well, I’m sure naging malinaw po sa ating lahat yung mga nai-share sa atin ni Pastor Onnie dito sa kahalagahan ng role ng tatay sa development ng mga bata or ng ating mga anak.

Well, salamat po Pastor Onnie sa pagpapaunlak mo ui sa amin na makapanayam dito sa ating program. Happy Father’s Day po sa inyo.

RESPONSE

Magbabalik pa po mga kaibigan ang Rated PG, narito po naman at pakinggan natin ang ilang kayang-kayang tips mula pa rink ay Grace, at susunod naman po ang PAMANAng hatid sa atin ni isa pa ring tatay, na gusto ko rin batiin, Pastor Cryz, happy fathers’ day po. So dyan lamang po kayo, magpapatuloy pa ang Rated PG.

KAYANG-KAYA with Grace Tia

PAMANA with Pastor Cryz Colorado

Fathers’ Day Tribute

SONG 2:        AKING AMA (Pillars)

HOST:   Alam nyo po, sabi ng isang sociologist, ang mga ama ay more than just “second adults” sa loob ng tahanan, dahil totoo pong malaki ang kinalaman nila, malaki ang impluwensya nila upang maayos na lumaki ang ating mga anak.

            Marami na po tayong mababalitaang naging problema sa anak dahil na rin sa kawalan ng ama sa tahanan. Ibig sabihin lang nito, wala po talagang pwedeng pumalit sa papel na ginagampanan ng ama sa tahanan, kumbaga, wala silang katulad, lalo na ang mga responsible, matiyaga, handang magtiis at mapagmahal na mga ama.

At ang mga tulad nila ay dapat nga nating parangalan, hindi lamang tuwing Fathers’ Day kundi sana maipadama natin ang pagpapahalagang ito habang sila ay nabubuhay.

Okay, sa lahat ng mga tatay dyan, salamat mo sa pagiging bahagi nyo ng aming mga buhay. at minsan pa, gusto naming ipaabot sa inyo ang taos-puso naming pagbati, happy fathers day.

Salamat po sa ating Ama sa langit sa pagbibigay sa atin ng mga mabubuting ama. Hanggang sa susunod po, ako pa rin ang nakasama nyo, Emily Bolinas, pagpalain po kayo ng ating Dios. Kita-kita po tayong muli dito sa Rated PG.

EXTRO

 

Comments

join the forum
email the host

Meet The Host

Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.

Emily

Program Archive

October 2011
September 2011
August 2011
July 2011
June 2011
May 2011
April 2011
March 2011
February 2011
January 2011
December 2010
November 2010
October 2010
September 2010
August 2010
July 2010
June 2010
May 2010
April 2010
February 2010
May 2008
April 2008
March 2008
February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
rss feed badge - get our rss feed now del.icio.us bookmark badge - add this page to del.icio.us digg.com badge - add this page to digg.com
valid xhtml badge - validate nowvalid css badge - validate nowvalid wai-aa badgevalid xml rss feed badge - validate now