Yes! We're Hiring. Check out our current job openings.

Tour WMC-AP

Rated PG

Rated PG logo

We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family

Airing on: Cabanatuan City, Zambales and Cagayan de Oro City

How To Make Lasting Changes

- for Friday, Jan 11, 2008
comments
RSS feed
join the forum
listen to this podcast

Overview

Ayon sa Biblia, “magagawa ko ang lahat sa pamamagitan ni Hesus na Siyang kalakasan ko”. Patunay lamang ito na hindi sapat ang sariling kakayahan at kailangan natin ang Diyos upang tuluyang magawa ang mga pagbabagong kailangang gawin sa ating buhay.

subscribe now

 

Program Notes or Transcript

Kumusta na ang mga pagbabagong sinimulan natin ngayong taon? Dahil sa konseptong “beginning at end” ay sinasamantala na rin natin na tuwing Bagong Taon ay gumawa ng mga resolutions. Pero, faithful pa rin ba tayong isagawa ang mga positive changes na pinagpasyahan nating gawin? Seguro lahat sa atin ay naglalayong magawa ang mga pagbabagong nais na mangyari para sa taong ito. Subalit sa katagalan ng panahon tila nawawala ang pagnanais na ito. Kakulangan ng direksyon at tamang proseso ang dahilan kung bakit nanatiling talunan ang ilan sa atin matapos maharap sa mga challenges at pressures na dulot ng pagbabago. Tandaang, maituturing lamang tunay ang naranasang pagbabago kung ito ay dumaan sa isang proseso na matiyagang sinunod at tinapos. Kung kaya pagpaplano ang susi sa ikatatagumpay natin sa mga pagbabagong nais gawin.

  • Set a grand goal: Magkaroon ng goal na sisikaping mong i-attain matiyagang gagawin.
  • Set yourself to Succeed: Despite na mag-fail ka magsikap na magtagumpay para sa goal
  • Break it into small goal: Focus sa mga small goals para magkarooon ng sense of fulfillment
  • Set up: Magkaroon ng tamang environment na conducive for growth at change
  • Reward system:
  • Team up with someone: Magkaroon ng accountability partner at para din sa encouragement

Mahirap gawin ang mga pagbabago sa buhay natin lalo na kung may kinalaman ito sa ating mga bad habits na dapat ng talikuran. Kaya nga higit pa sa pagkakaroon ng disiplina at determinasyon ang kailangan natin. Kailangan natin ang Diyos. Tandaang, walang tunay na pagbabago kung walang Hesus sa buhay natin kaya i-commit sa Kanya ang mga bagay na nais at dapat na baguhin sa atin dahil Siya ang tamang pundasyon sa pagkakaroon ng lasting changes sa buhay natin.

PAMANA with Pastor Cryz Colorado

Minsan sinabi ni Pablo na nahihirapan siya dahil kung ano ang ayaw niyang gawin siya ang kanyang ginagawa at ang mga bagay na gusto niyang gawin ay hindi niya nagagawa. Nagpapahayag lamang ito na mahirap at hindi pwedeng gawin sa sarili nating kalakasan ang pagbabago. Kailangan natin ang kalakasan na nagmumula sa Diyos at determinasyon ng sarili na isagawa ang mga bagay na alam nating dapat gawin at talikdan ang mga bagay na hindi na natin dapat pang gawin. Dalawang mahahalagang elemento tungo sa tunay na pagbabago. Kung wala ang isa dito mauuwi lang sa wala ang lahat ng pagbabagong hinahangad. Kung may kinalaman ang pagbabago sa pamilya, mahalagang naiintindihan ang mga ito ng lahat at mag-set ng goal upang ang lahat ng miembro ay sama-samang isakatuparan ito sa pamamgitan ng pagtutulungan, pagpa-alalahanan at sama-samang pagtitiwala sa Diyos. Totoong mahirap ang landas tungo sa pagbabago subalit kung meron tayong determinasyon, pagtutulungan at pagtitiwala sa Dyos pwedeng gawin ang pagbabago ito ng may tagumpay.

KAYANG- KAYA with Grace Tia (Maintaining Cleanliness)

Para sa maayos, malinis at mabangong bahay, sistema na madaling sundin at maisasagawa ng maayos ang kailangan. Gawing simple at mabilis na paraan ang mga routine chores sa pamamagitan ng APAT na sistema o paraan ng paglilinis ng bahay:

  • Sistema ng paglalaan ng oras sa paglilinis (tumigil sa paglilinis matapos ang itinakdang oras.
  • Sistema ng paglilinis ayon sa silid (kusina, banyo, sala)
  • Sistema ng paglilinis ayon sa trabaho (dingding, sahig)
  • Sistema ng general cleaning (hikayatin ang buong pamilya sa pagsagawa nito)

Mahalagang magkaroon ng balanseng pamumuhay dahil may iba pang mas mahahalagang bagay na dapat na bigyan natin ng pansin tulad ng ating mga anak, asawa at sarili.

PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito (GERMS)

Iwasan ang pag-atake ng germs sa katawan sa pamamagitan ng:

  • Handwashing: Turuan ang mga anak sa pinaka-importante at pinaka-simleng paraan.
  • Cleaning: Panatilihing malinis ang regular na hinahawakan sa bahay (door knob, faucet etc)
  • Vaccination: Magkaroon ng vaccination o tamang immunization ang bata

Maiiwasan n gating mga anak ang maraming sakit sa simpleng mga paraan na ito. Tandaang prevention pa rin is better than cure.

Comments

Add Your Comments




Would you like to receive email notices when comments are added for this episode?
Yes    No
join the forum
email the host

Meet The Host

Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.

Emily

Program Archive

February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
rss feed badge - get our rss feed now del.icio.us bookmark badge - add this page to del.icio.us digg.com badge - add this page to digg.com
valid xhtml badge - validate nowvalid css badge - validate nowvalid wai-aa badgevalid xml rss feed badge - validate now