sitemap | you are here: home » podcasts » rated pg » incest part 1

Tour WMC-AP

Rated PG

Rated PG logo

We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family

Airing on: Cabanatuan City, Zambales and Cagayan de Oro City

Incest Part 1

- for Friday, Aug 10, 2007
comments
RSS feed
join the forum
listen to this podcast

Overview

Pangalagaan ang security ng ating mga anak sa loob ng ating tahanan. Maging pro-active sa isyu ng INCEST at child sexual abuse hindi lamang dahil sa labag sa batas ito kundi dahil hindi ito ang kalooban ng Diyos para sa ating pamilya.

subscribe now

 

Program Notes or Transcript

Isang nakakalungkot na katotohanan na ayon sa research, isa sa limang batang lalake at isa sa tatlong batang babae ang naabusong sexual sa loob ng tahanan bago pa man itong tumuntong sa edad na 18 years old. At ang higit pang nakakalungkot dito dahil ang mismong mga magulang at kapamilya ang umaabuso sa kanila. Ang tawag dito ay INCEST. Ito ay ang sexual relations sa pagitan ng closely related relatives (tatay, pinsan, uncle...etc). Isang taboo na ipinagbabawal ng lipunan pero nananatiling isang bukas na lihim para sa maraming biktima nito. Pilitin man itong itago sa loob ng tahanan, hindi pa rin ito maikakaila dahil sa napaka-raming emosyon na lumalabas mula dito tulad ng kawalan ng pag-asa, hiya, galit at maging death.

FACTORS sa mga pangyayaring sexual abuse sa mga bata:

  • Emotionally disturbed parents (kakulangan sa sexual relationship)
  • Alcoholsim at pagkawala ng tamang pag-iisip.
  • Drug Addiction
  • Influence ng Media (pornography-dyaryo, magazine, novel)
  • Absence of partner sa tahanan (OFW)

Hindi man natin ma-imagine pero totoong nangyayari kaya dapat lang na maging pro-active lalo na ang mga magulang sa isyung ito imbes na pagsimulan. Nakakalungkot isiping madalas sa pagitan ng magulang at anak nangyayari ang kasong ito. Magulang na dapat sana ay kukupkop at magpapa-ramdam sa anak na ligtas at secure sila sa loob ng ating tahanan ay siya mismong kadalasang dahilan ng pagkasira ng buhay at kinabukasan nila. Tandaang, biyaya mula sa Diyos ang ating mga anak kaya dapat lang na igalang at pangalagaan. Mga magulang, sikaping mapanatiling healthy at intimate ang relasyon ninyong mag-asawa upang maba-on sana nila sa paglaki ang isang magandang alaala sa halip na madilim at mapait na karanasan.

PAMANA with Pastor Cryz Colorado (INCEST (Part 1))

Hindi lamang lipunan ang nagbabawal sa incest, tinutuligsa din ito ng Diyos. Ang incest o ang sexual na pakikipag-ugnayan sa pagitan ng malapit na mag-kamaganak pwersahan man o sariling kagustuhan ay nagpapakita sa kasalanan na bumabago sa isipan ng bawat tao. Kailan man ay hindi binigyan ng karapatan ng Diyos na sipingan ang kahit sino man maliban sa asawa. Dinesenyo ng Diyos ang sex para sa mag-asawa lamang na may biyaya ng kasal. Mga magulang, huwag nating bigyan ng kahit maliit na puwang sa loob ating tahanan ang ganitong kasalanan. Ngunit tandaang, hindi titigil ang kaaway hanggat hindi mangyayari ang ganitong kasalanan sa loob na ating tahanan. Kaya nga, hindi sapat na sabihing,”hindi yan mangyayari sa loob ng tahanan” sa halip huwag katakotang pag-usapan kasama ng inyong mga anak ang mga isyung katulad nito upang bilang isang pamilya ay mapanatili ninyo ang kabanalan at  kadalisayan ng inyong pakikipag-ugnayan sa bawat isa.

KAYANG-KAYA with Grace Tia (Clutter Control)

  • Alamin ang mga lugar na madalas kinikilosan ng pamilya (kusina, sala, kwarto) at mag-lagay ng dawalang kahon na may label na itabi at itapon sa bawat lugar na ito.
  • Ilagay sa kahon ang bawat kalat na nakikita at kung puno na ito ay hingin ang tulong ng mga anak na unti-unti na itabi ang dapat itabi.
  • Tiyaking walang magagamit o maaring maibigay sa kahon na may label na itapon.

PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito (Avoiding Colds & Flu)

Prevention is better than cure kaya heto ang mga healthy habits na kailangan malaman ng anak para maka-iwas sa maraming karamdaman dahil hindi sa lahat ng oras ay nasa tabi natin sila.

  • Turuan silang takpan ang bibig at ilong kung may umu-ubo o bamabahing
  • Sanayin silang maghugas ng kamay o gumamit ng hand sanitizer bago at pagkatapos kumain at pagkatapos gumamit ng CR.
  • Bigyan sila ng masustansiyang pagkain para tulungang mapalakas ang resistensiya.
  • Bigyan sila ng sapat na tulog at ehersisyo.

Comments

Add Your Comments




Passcode
Would you like to receive email notices when comments are added for this episode?
Yes    No
join the forum
email the host

Meet The Host

Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.

Emily

Program Archive

August 2010
July 2010
June 2010
May 2010
April 2010
February 2010
May 2008
April 2008
March 2008
February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
rss feed badge - get our rss feed now del.icio.us bookmark badge - add this page to del.icio.us digg.com badge - add this page to digg.com
valid xhtml badge - validate nowvalid css badge - validate nowvalid wai-aa badgevalid xml rss feed badge - validate now