
We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family
Naisin man ng isang biktima ng incest na isiping isang bangungot lang ang nangyaring pang-aabuso, hindi nito mababago ang katotohanang dadalhin niya habang buhay ang mapait na karanasan. Huwag sana nating hayaang manatiling biktima sila pati ng nakaraan.
Program Notes or Transcript
Sampung taong gulang siya nung simulang halayin ng sariling
ama sa loob mismo ng tahanan. Paulit-ulit na ginawa hanggang siya ay
magdalaga at tumuntong sa mataas na paaralan. Dahil sa pananakot ng ama
nanatiling lihim at ang bawat sandaling ito ay isang mapait na
karanasan para sa kanya na ngayon ay kinse anyos na. Napakahirap para
sa isang anim na taong gulang na bata ang maranasan ito at habang-buhay
na dalhin ang bangungot ng pangyayari.
Mga Epekto ng Incest sa biktima nito:
Responsabilidad ng isang magulang ang mabigyan ang anak ng magandang kinabukasan at hindi ang mismong pagmulan ng ikasisira ng buhay nito. Masumpungan sana tayo ng Diyos na tapat at nagsisikap na gawin ang lahat, mapalaki lamang ng tama ang biyayang binigay mismo ng Dios sa atin ang ating mga anak.
PAMANA with Pastor Cryz Colorado (INCEST (Part 2)
Takot at hiya ang kadalasang dahilan kung bakit ang biktima ng incest ay nananatiling biktima. Paano na lamang kung ang gumagawa nito sa biktima ay sariling kapamilya na patuloy na nakakasama sa loob ng tahanan. Pakiramdam ng takot, kawalang saysay sa buhay, kawalan ng pag-asa, pagkamuhi, kawalan ng tiwala sa sinuman na nagpapaalala sa nang-abuso sa kanila at pagkamuhi sa sarili kung kayat natutunan na lamang na tanggapin ng biktima at isiping bangungot ang pangyayaring ito sa kanya. Sana nga ganito lamang kadali ito. Ngunit maraming mga biktima ang nanatiling nakalugmok sa kanilang kinalalagyan. Kung kaya nga, lalo na sa mga magulang, proteksyunan natin ang ating pamilya laban sa krimen na ito. Panatilihin natin ang katuwiran at kabanalan sa loob ng ating tahanan upang hindi mabigyang puwang ang ganitong kasamaan.
KAYANG-KAYA with Grace Tia (Money Management)
PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito (Stress)
Tandaang, kailangan natin ng pahinga dahil maging ang Diyos ay nagpahinga matapos niyang gawin ang mundo.
NOTE: Ang mga pangalang binanggit sa discussion ay hindi totoong mga pangalan kundi minabuting itago ang kanilang identity, bilang proteksyon sa mga taong involved.
Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.