
We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family
Kumpleto ngang matatawag ang pamilya, nananatili pa rin itong sira dahil sa pang-aabusong nangyayari sa loob mismo ng tahahan. Huwag nating hayaan na magsilbing lugar na kamumuhian ang tahanan sa halip gawin natin itong tanggulan para sa ating mga anak.
Program Notes or Transcript
DISCUSSION with Rev. Dan Balayo-Nazarene
Compassionate Ministries Asia-Pacific Child Development Coordinator.
Hindi na maikakaila ang katotohanang may mga pang-aabusong sexual at INCEST na nangyayari sa loob mismo ng tahanan. At ang mas nakakalungkot, mismong mga taong may otoridad sa pamilya tulad ng magulang na lalaki ang kalimitang nasasangkot sa ganitong immoralidad. Dahil dito, kailangang may mamagitan at maglakas loob na makialam! Kabilang ka man o hindi ng pamilya may magagawa ka para maging bahagi ng solusyon sa problemang ito at mapalaya ang mga biktima ng ganitong pang-aabuso.
MGA sangay ng Gobyerno at NGO’s na maaring lapitan:
PAANO maging kabahagi sa solusyon sa kasong INCEST at child sexual abuse:
Bilang indibidual, maging bahagi tayo sa solusyon sa halip na dahilan ng problema. Linisin natin ang ating tahanan mula sa anumang bagay na maaring maka-impluwensiya sa ganitong mga kaso (pornograpiya, alak, drugs). Tandaang, hindi lamang ito family issue kundi isang social issue kaya bilang kasama ng lipunan may responsabilidad tayong makibahagi sa solusyon dahil hindi lang ito para sa mga batang biktima kundi para na rin sa ating mga anak.
PAMANA with Pastor Cryz Colorado (INCEST (Part 3))
Para sa isang biktima na INCEST, aminin nating mas madaling sabihin kaysa sa gawin. Pero kahit ano pa man ang nangyari, hindi mai-aalis ang katotohanan na kailangang magkaroon ng bagong panimula para sa kanila. Totoong mahirap ang pumili sa kung dapat bang isakdal ang salarin o panatilihing lihim ang pangyayari. Mas lalong mahirap kung kasama sa bahay ang nangbikitma at bukas sa posibilidad na maulit muli dahil sa nakikitang kawalan ng kakayanan ng biktima na ipagtanggol ang sarili. Huwag mo sanang piliin na manatiling isang biktima. Kailangan mong gumawa ng hakbang kung nais mong magsimulang muli. Kung hindi mo nais na i-sakdal ang salarin at mas piliing patawarin ito, hingin mo ang tulong ng Diyos para magkaroon ka ng ganap at bukal sa loob na pagpapatawad sa iyong puso at tulungan kang mapagtuunan ang mga bagay na maari pang dumating sa buhay mo. Nakasalalay lang sa kanya ang pag-asang maka-bangon ng tunay sa mapait na pangyayaring ito. Mas madali ang pagbangon sa pamamagitan ng tulong ng Diyos na nagbibigay ng kalakasan, paggabay at pag-asa.
KAYANG-KAYA with Grace Tia (Organizing Your
Kitchen)
PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito (Impetigo)
Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.