
We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family
Higit na mapait at masakit para sa isang biktima na tuluyang sirain ang buhay dahil minsan ng nasira ito dahil sa pang-aabuso. Sa katunayan, mabibilang lamang ang tunay na matatawag na survivor. Sila ang mga biktima na muling binuo ng mga kamay ng Diyos.
Program Notes or Transcript
DISCUSSION with a survivor of Sexual Abuse
Malaking kasiraan ang naidudulot ng pang-aabusong sexual at INCEST sa mga naging biktma nito. Sa dami ng mga social mal-adjustment na maaring kasangkutan nila tulad ng alcoholism, drug-addiction, prostitution at maling sexual na pakikipag-relasyon, bibihira lamang sa kanila ang naitatama ang landas at matatawag na survivor.
Matinding hirap at struggle ang dinaranas ng mga katulad ni Ann dulot ng multo ng nakaraan. Naganap ang pang-hahalay noong anim na taong gulang pa lamang siya. Dahil sa takot na mapahiya ang pamilya at ang sarili mas piniling manahimik tungkol sa nangyari sa kanya. Kasabay ng pananahimik na ito ay ang isang mapait na alaala na patuloy sumisira sa kanya hanggang sa kanyang paglaki. Dumating ang kalayaan na hinahangad nang gumawa ang Diyos ng pagkakataon upang mai-bahagi niya sa iba sa kabila ng takot ang karanasan. Ngunit sa tulong ng Diyos may pag-asang makalaya sila sa mapait na karanasan na ito:
Isang pagpapatutuo ng isang biktima ng pang-aabuso na naka-ahon sa pagka-alipin sa sarili at sa mapait na alaala ng nakaraan dahil sa tulong ng Diyos. Kung nagawa ng Diyos ito sa buhay ni Ann, magagawa din Niya ang pagbabagong ito sa maraming biktima na nag-durusa hanggang ngayon. Who knows? Baka ikaw naman ang gamitin ng Diyos para makita ang Pag-asa hatid ng Diyos na para din sa kanila. Para sa mga biktima, gaya ng iniwang salita ni Ann, may pag-asang mabuong muli ang iyong pagkatao at ito ay sa pamamagitan ng tulong ng Diyos. Tunay na mahirap ngunit sa tulong ng Diyos, makakaya ang pagbabagong ito nang may panibagong pag-asa.
PAMANA with Pastor Cryz Colorado (INCEST (Part 4))
For evil to prosper, it only requires for good men to do nothing. Katagang dapat ma-itanim sa isip ng bawat isa dahil hanggat patuloy na nanatiling tagong kasalanan ang INCEST at child sexual abuse patuloy itong sisira ng buhay ng mga biktima nito. Huwag sana tayong mag-kibit balikat sa halip bilang kabahagi ng lipunan maging bahagi din tayo sa solusyon tungkol dito. Una, linisin natin ang ating mga tahanan mula sa mga pornographic materials tulad ng CD o DVD, babasahing mahalay at mga videoke na nagpapakita ng mga larawan ng mga babaeng naka-hubad. Ang mga ito ang madalas na pinag-uugatan at nag-uudyok sa marami na gumawa ng kasalanang sexual. Tayo rin ay maging mapag-matyag sa ating kapaligiran lalo na sa mga biktma ng INCEST dahil naghahanap lamang sila ng tao na maari nilang mapag-katiwalaan na tulungan silang maka-ahon sa kanilang kalagayan. Hangarin natin na maging isang instrumento ng katuwiran, katarungan at pagbabagong buhay para sa mga biktima.
KAYANG-KAYA with Grace Tia (House Management)
PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito (Appendicitis)
Impeksyon sa bituka at pagbara ng appendix dahil sa hindi natunaw na pagkain during digestion ang madalas na dahilan ng appendicitis. Ilan sa mga symptom ay ang pananakit ng sikmura na para bang hindi natunawan, sakit ng tiyan sa palibot ng pusod at pagsusuka. Magpasuri agad sa Doktor kung inaakalang may appendicitis ang anak para mas maagang maagapan ang karamdaman at mabigyan ito ng kaukulang . Tandaan, ugaliing kumonsulta sa doctor tuwing makakaramdam ng hindi maganda ang sino man sa pamilya.
Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.