Tour WMC-AP

Rated PG

Rated PG logo

We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family

Airing on: Cabanatuan City, Zambales and Cagayan de Oro City

Influence Of Good Marriage To Kids

- for Friday, Mar 2, 2007
comments
RSS feed
join the forum
listen to this podcast

Overview

Ang magandang pagsasama ng mag-asawa ay may malaking kinalaman sa paglaki ng ating anak. Masarap isipin na sa panahong magbalik tanaw ang ating anak ay masabi nyang ang tagumpay nya sa buhay ay nag-ugat sa pagkakaroon nya ng nagmamahalang magulang.

subscribe now

 

Program Notes or Transcript

INTRO SPOT

HOST

Naisip na ba natin kung ano ang magandang pwedeng maidulot ng magandang pagsasama nating mga magulang bilang mag-asawa sa ating mga anak? Ayon sa pag-aaral, marami sa mga problema ng bansa maging sa buong mundo ngayon, na kinasasangkutan ng mga bata o kabataan ay may kinalaman na rin sa sira o hindi magandang relasyon ng kanilang mga magulang.  Mga magulang maliban sa pagbibigay sa ating mga anak ng mga material na bagay, sana ay ang mabigyan din natin sila ng buo at masayang pamilya.

MUSIC 1:      TELL THE WORLD OF HIS LOVE (Jaimee Rivera)

DISCUSSION (with Mr. Raffy Santos)

Sa lahat ng pangangailangan ng ating mga anak, hindi madalas mabangit na ang pasasama ng mag-asawa ay mahalaga din. Isa sa mga pinakamabuting regalo na maari nating ibigay sa ating mga anak ay ang mabuting pagsasama nating mag-asawa. Mabuti ito hindi lamang sa mag-asawa kundi sa buong pamilya. Ano man ang nakikita sa loob ng tahanan ay nagsisilbing pundasyon ng ating mga anak, kung paano nila haharapin ang buhay. Nakakatulong ang mabuting samahan ng mag-asawa sa pagkakaroon ng security of emotion upang hindi sila maging super sensitive at nagkakaroon din sila ng balanseng pananaw sa buhay at mundo

PAMANA with Pastor Cryz Colorado

Ayon sa pag-aaral nakakatulong sa pag-develop ng sense of self worth, magandang emotional health at academic performance ang batang napalaki ng mga magulang na may mabuting samahan. Ibig sabihin, napalaki ang bata sa isang happy, loving at safe na tahanan. Malayong malulong sa masamang bisyo, mag-asawa ng wala sa oras at maging bahagi ng grupong problema ng lipunan ang batang lumaki sa ganitong tahanan. Patunay lamang ito na ang buhay mag-asawa ay hindi mahihiwalay sa buhay ng kanilang mga anak. Lalaking positibo at produktibo ang ating mga anak kung tayo ay tapat sa Diyos at sa ating pagsasama dahil ito ay huhubog sa kanilang mga puso at isipan. Mas madali nilang mauunawaan ang kahulugan ng buhay at kahulugan ng pamilya kapag nakikita nila ang magandang halimbawa natin. Masarap isipin na sa panahong magbalik tanaw ang ating mga anak ay masabi nilang ang tagumpay nila sa buhay ay nag-ugat sa pagkakaroon nila ng mabuting magulang.

DISCUSSION (with Mr. Raffy Santos)

IMMEDIATE Results sa mga anak natin kung maganda ang buhay mag-asawa:

  • Kampante ang bata at makikita ito sa performance niya sa school
  • Maganda ang tulog (no nightmares)
  • Magana sa pagkain
  • Healthy physical growth
  • Nakakapag-laro
  • Magandang Relasyon sa Dios at simbahan

In terms of long term effects, mas well-adjusted ang ating mga anak emotionally at nagkakaroon sila ng healthy at positibong pananaw sa buhay (pera, friendship at work). Mga magulang habang maliliit pa ang mga anak natin sikaping magawa ang tama para mas pagandahin ang ating relationships dahil yan lamang ang pinaka-importante sa buhay—relasyon sa Dios at ng family natin, kaya alagaan natin ang ating family at asawa sa pamamitan ng pagbigay ng ating mga sarili kasi its worth it.

KAYANG-KAYA with Grace Tia (RECYCLE)

Mga tips sa simpleng pagre-recycle ng mga bagay-bagay sa ating paligid:

  • Plastic containers (softdrinks, etc): Ipunin at ipagbili sa junk shop at recycling station, maaring paglagyan ng tubig, o gamiting paso
  • Babasaging Garapon: Ipunin at lagyan ng dekorasyon
  • Lumang Diyaryo: Gamiting panlinis sa salamin at bintana o gawing paper machie
  • Plastic Bags: Gawing lalagyan ng basurahan o gupitin ng pino at ipanglagay sa unan

Nakatipid na nakatulong pa tayo sa ating kapaligiran kaya simulan na mag-recycle sa loob ng ating tahanan.

MUSIC 2:      SA ‘YO LAMANG (T Arnaldo)

SPOT

PAYO NI DOC with Dentist Leah Cruz (Keeping Your Kid’s Teeth Healthy 4)

Eruption ang tawag sa pagpalit ng permanent teeth sa milk teeth ng bata. Lumalabas ang permanent teeth sa edad 5-6 ng bata at first molar ang unang ngipin na lamalabas. Permanent teeth ang tawag dito dahil wala na itong kapalit. Pinupudpod ng permanent teeth ang milk teeth hanggang umuga ito. Hanggat maaari, hindi dapat bunutin ang permanent teeth.

SPOT / JINGLE

HOST

Mahalaga ang samahan nating mag-asawa sa development ng ating mga anak. Higit pa sa materyal na bagay ang maaari nating maibigay sa kanila, kung maganda ang pagsasama nating mag-asawa. Mahalin natin ang ating mga asawa, dahil bukod sa utos ito ng Dios, magandang impluwensya ito sa ating mga anak.

EXTRO  

Comments

join the forum
email the host

Meet The Host

Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.

Emily

Program Archive

October 2011
September 2011
August 2011
July 2011
June 2011
May 2011
April 2011
March 2011
February 2011
January 2011
December 2010
November 2010
October 2010
September 2010
August 2010
July 2010
June 2010
May 2010
April 2010
February 2010
May 2008
April 2008
March 2008
February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
rss feed badge - get our rss feed now del.icio.us bookmark badge - add this page to del.icio.us digg.com badge - add this page to digg.com
valid xhtml badge - validate nowvalid css badge - validate nowvalid wai-aa badgevalid xml rss feed badge - validate now