Tour WMC-AP

Rated PG

Rated PG logo

We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family

Airing on: Cabanatuan City, Zambales and Cagayan de Oro City

Intentional Parenting

- for Friday, Apr 6, 2007
comments
RSS feed
join the forum
listen to this podcast

Overview

Magulang ang unang-unang huhubog sa katauhan ng isang bata. Malaki ang impact sa gagawin ng isang bata ang mga natutunan niya sa loob ng ating mga tahanan. Kaya sikapin nating maging intentional sa ating pag-gabay at pagtuturo sa kanila.

subscribe now

 

Program Notes or Transcript

INTRO SPOT

HOST

Maraming kabataan ngayon ang may mga magulang ngunit nagmimistulang ulila dahil sa napakaraming magulang na hindi gumaganap bilang mga magulang sa kanilang mga anak. Mga magulang, tingnan natin ng mabuti kung paano natin ginagampanan ang pagiging parent natin sa ating mga anak.

SONG 1:      MIRACLE (Henry Santos)

HOST

Ito po ang Rated PG, isang gawain ng Church of the Nazarene.

DISCUSSION (with Ptr. Jun Suyat at Ptr. Cryz Colorado)

“Beyond the material provisions, napakaraming parents ang parang hindi mga magulang sa kanilang mga anak. Mga magulang na hindi nakikita ang kanilang pagmamahal at concern sa kanilang mga anak. Mga magulang na nag-iisip na ang tanging responsibility nila sa kanilang mga anak ay ibigay ang mga material things. Mga magulang na nag-iisip na kung pagod sila sa mag-hapong trabaho ay nagiging mabuting mga magulang na sila. Ang resulta: broken family dahil sa hindi pagtuon ng magulang sa kanilang mga anak at mga anak na nag-rerebelde sa kanila at nalululong sa masamang bisyo kasi naging mas abala ang kanilang mga magulang sa main concern nila na magtrabaho at ang main responsibility as parents sa time at pag-gabay sa anak ay nawawala. Mahalagang maunawaan ng mga magulang na katumbas ng salitang “magulang at anak” ay accountability. Ibig sabihin nito na pinagpaplanuhan ang pagiging magulang at nanduon ang pag-sasadya o intentional parenting.

SPOT

KAYANG-KAYA with Grace Tia (Summer Vacations Tips)

  • Swimming
  • Bukid o park at mag-piknik
  • Turuan sila ng sports(basketball), Mga hilig (gardening, pananahi)
  • Magpunta at bisitahin ang mga kamag-anak
  • Kumita ng extra (magtinda, ukay-ukay)

Turuan natin ang ating mga anak na maging responsable at ma-abilidad. Hindi kailangang maging magastos, ang imprortante ay sama-sama ang buong pamilya.

DISCUSSION (with Ptr. Jun Suyat at Ptr. Cryz Colorado)

INTENTIONAL PARENTING ang tawag kung nauunawaan mo ang ginagawa mo, may layunin ka kung bakit ginagawa mo ang isang bagay at may tinitingnan kang bunga o resulta sa isang bagay na ginagawa mo. Ito rin ay ang attitude na mag-aasawa ka pa lamang ay nagpaplano ka ng mag-alaga ng pamilya. Ilang Tips sa pagiging intentional:

  • I-ayon ang mga ginagawa sa responsibility of time: Quality and Quantity of time
  • Dalhin sila sa pagkakilala at tamang pag-katakot sa Diyos.
  • Turuan sila sa pamamagitan ng sariling pag-momodelo.

SPOT

PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito (Healthy Drinks for Kids)

  • Tubig
  • Gatas(300mg) Calcium according to AGE: 1-2 (500 mg), 4-8 (800 mg), 9-18 (1300 mg)
  • Pure juice (limited intake)0-6 mos. (no juice), 7-12 mos. (not exceeding 4 oz.), 4-6 (4 oz./day) 7-18 (12 oz/day).

SONG 2          MAMA ( Ala)

PAMANA with Pastor Cryz Colorado

Hindi madaling maging magulang dahil sa napakaraming papel na ginagampanan nito sa kanyang anak. Hindi lamang ito tungkol sa gastusin. Utos ng Diyos na mahalin natin Siya ng buong kaluluwa, puso at lakas at dapat na maituro din natin ito sa ating mga anak. Ibig sabihin na ang pinaka-importanteng role ng isang magulang ay ang maturuan ang kanilang mga anak na mahalin ang Diyos ng kanilang buong buhay. Hindi natin pwedeng ipagwalang bahala ang responsabilidad na ito. Nangangahulugan lamang ito na kailangan nila ang ating panahon, pera, karanasan, kaalaman, kakayanan at higit sa lahat ang ating pananampalataya habang tayo ay nabubuhay.

HOST

Mga kaibigan, ang pagiging magulang po ay hindi biro, hindi ito madali at maraming kailangan para maging mabuti tayong mga parents. Unang-una, dapat intentional natin itong ginagawa at dapat nauunawaan natin yung lahat ng aspeto ng pagiging magulang para magampanan natin ng mabuti ang ating mga responsibilidad. Tandaang katulong natin ang Dios sa pagsasagawa ng lahat na ito.  

EXTRO

Comments

join the forum
email the host

Meet The Host

Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.

Emily

Program Archive

October 2011
September 2011
August 2011
July 2011
June 2011
May 2011
April 2011
March 2011
February 2011
January 2011
December 2010
November 2010
October 2010
September 2010
August 2010
July 2010
June 2010
May 2010
April 2010
February 2010
May 2008
April 2008
March 2008
February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
rss feed badge - get our rss feed now del.icio.us bookmark badge - add this page to del.icio.us digg.com badge - add this page to digg.com
valid xhtml badge - validate nowvalid css badge - validate nowvalid wai-aa badgevalid xml rss feed badge - validate now