Tour WMC-AP

Rated PG

Rated PG logo

We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family

Airing on: Cabanatuan City, Zambales and Cagayan de Oro City

Making Ends Meet (Laki Pamilya, Liit Kita)

- for Friday, Jan 5, 2007
comments
RSS feed
join the forum
listen to this podcast

Overview

Malaking pamilya ngunit maliit ang kita? Sakripisyo at higit sa lahat pagtitiwala sa Diyos ang solusyon. Tiyaking ang Diyos ang siyang naghahari sa ating buhay at bahay at seguradong pupunan Niya ang lahat ng ating pangangailangan.

subscribe now

 

Program Notes or Transcript

Mas nakalalamang ang bilang ng mga mahihirap dito sa ating bansa kaya mas maraming pamilya ang naaapektuhan ang budget para sa mga gastusin sa bahay dahil dito. Tuloy hindi malaman ng mga magulang na nagtatrabaho paano kikitain ang gagamiting pangtustus para sa pamilya. Kumpara noon seguro, masasabing mas mahirap ang buhay ngayon. Sa sobrang mahal ng bilihin mas mahirap ang pugbu-budget lalo na kung maliit ang kinikita. Ayon kay Bruce Howard, hindi nasusukat sa dami ng pera ang financial success. Financially successful daw ang isang tao kung hindi nadodominahan ng mga problemang may kinalaman sa pera ang kanyang buhay. So, kahit mahirap tayo, pwede tayong maging successful financially.

Siyempre, katulad noon at ngayon, gagawin pa rin ng magulang ang lahat para lang matustusan ang pangangailangan ng pamilya, malaki man o maliit ang kita. At hindi maikakailang isang proseso ang pag-unlad ng isang tao o maging ng isang pamilya at kasabay sa prosesong ito ang maraming paghihirap. Sa pamamagitan ng ating pagka-matiisin at sakripisyo, teamwork ng boung pamilya, pagkakaroon ng sense of contentment at higit sa lahat sa tulong ng Diyos, malalampasan natin ang mga paghihirap na ito at makakamit ang ating mga pangarap. Huwag mawalan ng pag-asa, magtiwala sa Diyos dahil nandiyan Siya na handang tumulong sa atin.

PAMANA (with Pastor Cryz Colorado)

Malaki ba ang pamilya at maliit ang kita? Pangako ng Diyos sa Mathew 6:33 na kung ang siya ang magiging Diyos sa ating buhay at bahay tutugunan niya ang lahat ng ating pangangailangan. Ayon kay Hesus mas mahalaga tayo sa kahit anuman dito sa mundo. Tiyakin natin na ang Diyos ang siyang naghahari sa ating tahanan at seguradong pupunan Niya ang lahat ng ating pangangailangan.

KAYANG-KAYA (with Grace Tia)

Hindi imposibleng mag-ipon malaki man o maliit ang kinikita. Maliit man ay nagiging malaki kung naiipon ito. Kaya heto ang mga TIPS para makapag-ipon para sa pamilya:

  • Alisin ang mga pangit na habit o gawi tulad ng paninigarilyo.
  • Huwag maging padalos-dalos sa pagbili. Planuhin ang pagbili
  • Matutong gumamit ng ATM.

PAYO NI DOC (Getting Enough Exercise)

Templo ng Banal na Espiritu ang ating katawan kaya dapat lang na ito ay palagiang nasa tamang kondisyon subalit marami sa atin ang naisasawalang bahala ang pagi-exercise lalo na sa mga magulang na pareho nagtatrabo. Kaya heto ang ilang mga exercise na maaring gawin ni nanay at ni tatay dahil wala sa edad ang pag-eehersisyo.

Mothers: makakabuti ang  paglilinis ng bahay na may kasamang pag-unat ng kamay, baywang, balikat at mga kasukasu-an, katulad ng pag-aagiw. Makakabuti rin maglakad-lakad para sa ating katawan.

Fathers: makakabuti ang pagsali sa ibat-ibang sport tulad na Badminton kasama ang ating pamilya.

Kasama sa lahat ng ito makakatulong din ang swimming para sa buong pamilya dhil pinapalakas nito ang ating mga baga. At ang PROPER Posture dahil nakakatulong ito upang magkaroon ng sapat na oxygen ang ating katawan.

Comments

Add Your Comments




Passcode
Would you like to receive email notices when comments are added for this episode?
Yes    No
join the forum
email the host

Meet The Host

Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.

Emily

Program Archive

April 2008
March 2008
February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
rss feed badge - get our rss feed now del.icio.us bookmark badge - add this page to del.icio.us digg.com badge - add this page to digg.com
valid xhtml badge - validate nowvalid css badge - validate nowvalid wai-aa badgevalid xml rss feed badge - validate now