Tour WMC-AP

Rated PG

Rated PG logo

We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family

Airing on: Cabanatuan City, Zambales and Cagayan de Oro City

Making Summer Fun For Kids

- for Saturday, Apr 5, 2008
comments
RSS feed
join the forum
listen to this podcast

Overview

Dumarating a bakasyon sa ating mga anak tuwing summer. Magandang opportunidad ang mabigyan natin sila ng isang masaya at makabuluhang summer vacation.

subscribe now

 

Program Notes or Transcript

HOST: Kumusta mga parents, bakasyon na naman! Siguro marami sa atin ang happy dahil natapos na naman pansamantala ang pahirap sa school expenses. Idagdag mo pa dyan ang hirap sa araw-araw na pagtutok sa kanilang mga assignments, diba?

                                 May plano ka na ba para sa inyong mga anak this summer vacation? Alam nyo hanga ako sa mga parents na nauna ng magplano bago pa man dumating ang summer, at syempre excited namang inaasam-asam ito ng kanilang mga ank. Pero, mas madalas maraming magulang ang mas gusto nalang ay magpahinga during summer at bahala na ang mga anak nilang magkanya-kanyang plano ng kanilang gimicks sa panahon ng bakasyon.

                                  Isang family counselor ang nag-advice na hwag daw ibalewala ang kahalagahan ng summer vacation, dahil dito sa panahong ito, nabibigyan ang maraming Pilipino ng napakaraming masasaya at nakakalibang na activities, para mas pagtibayin ang samahan ng buong pamilya, magkaroon ng healthy communication at magkaroon ng unity sa family.

                                  Kaya nga sa oras pong ito, inaanyayahan ko po ang bawat isa sa inyo, sana samahan nyo kami for the next 30 minutes ng kapakipakinabang na kaalaman, tips at para maging kasiya-siya naman ang summer vacation ng ating mga anak. Ako po si Emily Bolinas ang makakasama nyo dito pa rin sa Rated PG.

Song 1:   Ang Bawat Bata (The Dawn)

HOST: Welcome back mga kaibigan sa Rated PG, ang programang hatid sa inyo ng

Church of the Nazarene in cooperation syempre ng station nating ito. Layunin po n gaming

program na matulungan ang bawat magulang na magkaroon ng masaya, maayos, matatag

at kalugod-lugod sa Dios na tahanan.

             Siyempre pa, very timely ang pag-uusapan natin ngayon, akmang-akma sa

panahon ika nga. So, hindi na po natin patatagalin pa, proceed na tayo sa ating discussion,

syempre makakasama ko ang isang guest na hindi na rin iba sa inyo, welcome sa kumare

nating si Grace Tia. Hi Grace,  kumusta?

RESPONSE

Alam nyo itong si Grace po kasi ang maraming alam na practical tips na madalas

magbahagi sa atin kaya, siya na rin po ang minabuti nating makausap sa ating topic

ngayon.

Well Grace, as a parent, ano nga bang karapat-dapat na pananaw natin tungkol sa

summer vacation? Time ba ito para pahinga rin sana ang mga parents? Para kasi sa

marami, perfect time to relax from all school worries.

RESPONSE

Kapag sinabi bang summer vacation activities, limited lang ito sa mga outdoor activities o di

kaya far-from-home gimmicks?

RESPONSE

Meron ka bang mga suggestions dyan na mga summer activities na posibleng maging

effective sa mga bata na ma-e-enjoy talaga nila?

RESPONSE

Ayon mga kaibigan, see, napakarami naman palang activities na pwede nating i-try diba.

At kung both parents tayong mga mommy at si daddy ang susubok nito, aba eh siguradong

Magandang bonding activities ito with our kids. Tama ba Grace?

RESPONSE

Very well said Grace. I’m sure, marami pang gustong i-share sa atin si Grace, pero bago

yon, magbe-break muna tayo. Bigyang daan lang muna natin ang ating Pamana Segment

tungkol pa rin sa ating napag-uusapan, kaya dyan lamang po kayo at magbabalik kami sa

continuation ng aming discussion.

PAMANA with Pastor Cryz Colorado

Making Summer Worthwhile with Kids

HOST:  Okay, thanks so much Pastor Cryz, ayan malinaw na malinaw po na importanteng

ma-maximize natin parents itong summer vacation ng ating mga anak.  Malaki po ang

magagawa nito sa patuloy nating pagbi-build ng relationship sa kanila, bonding ika nga.

Now, back with Grace here, Grace bukod don sa mga nabanggit mo kanina sa atin, meron

ka pa bang gustong idagdag na mga kakaiba or unique activities para sa mga bata kapag

ganitong summer vacation?

RESPONSE

Ayon, naku parents, pwede nating i-try ang ilan sa mga ito, anyway, we still have a month

or two para ma-enjoy ang mga anak natin this summer, at bago man lang sila mag-balik-

eskwela.

Grace, how about don sa mga parents naman na kapos sa budget, meron pa rin ba silang

option na mag-enjoy ng summer vacation kasama ng kanilang mga anak.

RESPONSE

           

Okay, well, any last words para sa ating mga parents na nakikinig ngayon, bago natin

tuluyang tapusin itong discussion ngayon

RESPONSE

Naku,para tuloy gusto ko ng magbakasyon with my family. Anyway, mga kaibigan, paalala

lang, sa lahat ng inyong mga summer activities, huwag nating kalilimutan yung mga

necessary precautions. Safety first at all times, ika nga. Kung kinakailangan, dapat laging

handa yung first aid kit natin, okay.

And speaking of safety tips, narito naman po muna ang ilang mga health tips mula pa rin sa

butihin nating manggagamot, si Dra. Lyn po para sa Payo ni Doc.

PAYO NI DOC w/ Dra. Lyn Hipolito

Breastfeeding

KAYANG- KAYANG with Grace Tia

Summer Vacation with Family (replay #35)

SONG 2:   Sama-Sama YOF

HOST: Well mga kaibigan, ang totoo, meron po tayong kalayaang magdecide, para patuloy

na paunlarin, pagyamanin at pagtibayin yung pagsasama at pagkakaisa ng ating pamilya,

hindi lamang po ngayong bakasyon ng mga bata, kundi sa lahat ng panahon.

           

At bilang mga katiwala ng Dios sa ating mga anak, responsibilidad po nating tugunan ang

kanilang pangangailangan, ito man ay emotional security, kasiyahan o pagtitiwala, sana po

ay maibigay natin ito sa kanila sa pamamagitan ng dekalidad at mahabang panahon na

kasama sila. `Ika nga “Its not so much what we do for our children  as what we do with

them.”

           

Ito pong muli ang inyong kaibigan nakasama n’yo sa loob ng kalahating oras, Emily

Bolinas, thank you po sa lahat ng mga nakinig ngayon. At sa susunod po uli, sana 

samahan nyo ako sa isa pang edisyon ng Rated PG. Enjoy this summer with your kids,

okay.

EXTRO

           

Comments

join the forum
email the host

Meet The Host

Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.

Emily

Program Archive

October 2011
September 2011
August 2011
July 2011
June 2011
May 2011
April 2011
March 2011
February 2011
January 2011
December 2010
November 2010
October 2010
September 2010
August 2010
July 2010
June 2010
May 2010
April 2010
February 2010
May 2008
April 2008
March 2008
February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
rss feed badge - get our rss feed now del.icio.us bookmark badge - add this page to del.icio.us digg.com badge - add this page to digg.com
valid xhtml badge - validate nowvalid css badge - validate nowvalid wai-aa badgevalid xml rss feed badge - validate now