
We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family
Kasama ang media sa mga challenges na kailangang harapin ng magulang sa pagpapalaki ng anak. Kailangan ang lakas ng loob upang maituro ang tama at higit sa lahat ang Diyos na gagabay at tutulong sa atin upang magampanan ang tungkuling ito.
Program Notes or Transcript
INTRO SPOT
HOST
Maraming palabas sa media ngayon ang walang mabuting naidudulot sa ating mga anak. Mga magulang, ano nga ba ang posibleng maging epekto sa mga bata ng mga napapanood at naririnig nila? Hinahayaan ba natin na ang media ang tuluyang humubog sa pag-iisip ng mga anak natin? Bigyan pansin ang mga bagay na ito sa ating mga tahanan.
MUSIC 1: SA PILING MO’Y GALAK (K De Asis)
HOST
Ito po ang Rated PG, ang programang sadyang ginawa para makatuwang ng mga magulang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak hatid sa inyo ng Church of the Nazarene.
DISCUSSION (with Mr. Raffy Santos)
Parang nasa giyera ang pagiging magulang- may defensive at offensive moods. Hindi lahat ng bagay na binibigay ng media ay tama. Katunayan hindi conducive ang media sa ating mga anak. Nandiyan ang maling pananamit, sex, crime at violence, witchcraft, exorcism at occultism. Huwag nating hayaan na hubugin sila ng TV at computer games kung saan hinahanda natin sila sa kadiliman at kasamaan. Instead ipakita sa ating mga anak ang liwanag. Bilang mga magulang, dapat ay pinipigilan natin kung ano ang binibigay ng media at ipinapakita sa kanila ang tamang pamumuhay sa pamamagitan ng ating halimbawa.
PAMANA with Pastor
Naipapamulat ng media sa mga anak natin ang maraming maling kaisipan (sorcery, magic, witchcraft). Naitatanim sa kaisipan ng bata na ang gawa ng kadiliman ay nagiging tama kapag naisasapelikula. Tandaan, kung ano ang palaging nilang nakikita at naririnig, ito ang humuhubog sa kanilang mga isipan, kaya ang mali ay pwedeng maging tama. Ang Bibliya ay nagtuturo na hindi mabuti ang mga gawaing ito. Responsabilidad natin bilang mga magulang na bantayan at salain ang mga bagay na pumapasok sa isipan ng ating mga anak.
SPOT
HOST
Mahalagang ma-protektahan natin ang ating mga anak laban sa hindi mabuting impluwensya na maari nilang makuha sa media.
DISCUSSION (with Mr. Raffy Santos)
Responsabilidad nating mga magulang na bantayan ang lahat ng aspeto na buhay ng ating mga anak, kasama na dito ang kanilang mga pinapanood. Kung masisira ang kanilang buhay dahil sa naririnig, nababasa at nakikita nila hindi parin tayo naging matagumpay bilang mga magulang nila.
TIPS for Responsible Parenthood
Tandaan na ang pamilya ay kayamanan natin. Kailangan po natin ang Dios sa pagpapalaki sa ating anak at pagpapatakbo ng ating pamilya
HOST
Malinaw na inihatid sa inyo ng Rated PG ang responsabilidad nating mga magulang sa pagpili at pag-check sa mga pinapanood ng ating mga anak. Maging mausisa tayo sa mga posibleng danger na dulot ng media.
PAYO NI DOC with Dra Lyn Hipolito (Getting Enough Sleep)
Mahalaga ang pagkakaroon natin ng sapat na pahinga sa bawat araw. Kung may malusog na kawatan mas magagampanan natin ng mabuti ang ating mga gawain. Kaya heto ang mga TIPS para magkaroon ng sapat na tulog:
MUSIC 2:
HOST
Ito ang Rated PG hatid sa inyo ng Church of the Nazarene. God cares for families, ganon din po ang aming church. We care about you.
KAYANG-KAYA with Grace Tia (Using Credit Cards Wisely)
Baon sa utang dahil sa monthly bills? Hinay-hinay po tayo at maghigpit muna ng sinturon. Heto ang mga TIPS para maiwasang malubog sa utang dahil sa credit cards:
SPOT
HOST
Panahon, lakas, patience, open communication at higit sa lahat lubos na pananalangin ang kailangan natin para maituwid ang kaisipan ng ating mga anak upang hindi sila maapektuhan ng mga hindi magagandang influence mula sa media. Tandaan na mas epektibo ang anumang disiplina na gagawin natin kung tayo mismo ang halimbawa nito.
EXTRO TAG
Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.