Yes! We're Hiring. Check out our current job openings.
sitemap | you are here: home » podcasts » rated pg » media wise parents

Tour WMC-AP

Rated PG

Rated PG logo

We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family

Airing on: Cabanatuan City, Zambales and Cagayan de Oro City

Media Wise Parents

- for Friday, Sep 14, 2007
comments
RSS feed
join the forum
listen to this podcast

Overview

Malaking bahagi ng kahit sino ang media lalo na sa mga anak nating lumaki sa makabagong panahon na ito. Kaya nga dagdag responsabilidad natin bilang magulang ang maging media-wise parents. Tandaang kasabay sa pagbabantay sa kanila ay ang ating pag-gabay.

subscribe now

 

Program Notes or Transcript

Hindi maiiwasan sa makabagong panahon na ma-expose ang ating mga anak sa ibat-ibang impluwensiya na dulot ng media. Kaya mahalagang maging media-wise parents tayo dahil nananatiling malaki ang impluwensiya natin sa pag-hubog sa kanila, lalo na sa mga napapanood, nababasa at naririnig nila mula sa media.

Hindi na rin kaila sa atin ang mga negative influences ng media tulad ng sensuality at pornography, violence lalo na sa mga games at mga hindi magagandang kaisipan at ingay na pumapasok sa isipan ng ating mga anak. Nagmimistulang reality para sa kanila ang kahit anong nakikita sa TV at mga movies na para bang socially accepted ang mga ito na sa huli ay humuhubog sa pagkatao nila. Subalit, natatakpan ng mga negative influences na ito ng media ang posibleng kapakinabangan nito sa paghubog sa pagkatao ng ating mga anak kung magiging media-wise parents lang tayo.

4 TIPS on becoming Media-Wise Parents:

  • I-Evaluate ang mga media na dinadala at napapanood sa tahanan.
  • Magkaroon ng open dialogue sa inyong anak at makinig sa opinion at point of view nila.
  • I-Examine ang viewing at listening habits ng inyong mga anak.
  • Mag-develop ng viewing at listening contract sa loob ng tahanan

Tandaang hindi lahat ng nababasa, napapanood at naririnig ay nagiging masamang impluwensya para sa ating mga anak. Kailangan lang natin maging matalino sa pagpili ng mga panoorin, babasahin, at mabuting pakinggan. At ang matalinong pag-tuklas ng mga bagay na tutulong sa paghubog sa kanila ay tungkulin nating bilang magulang. Malaking bagay ang matalinong paggabay ng magulang sa pagpili ng media-intake at ang magandang pag-uusap sa pagitan ng magulang at anak upang mahubog ang isang media-wise family at para sa ikalalago ng baway miyembro nito.

PAMANA with Pastor Cryz Colorado (Media- Wise Parents)

Bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ng tao ang media. Nagsisilbi itong source of information hindi lang ng matanda kundi pati ng mga bata. Ika nga, media makes things better, easier and faster. Ngunit sa kabila ng maraming pakinabang nito ay ang posibilidad na maaring ito rin sisira lalo na sa mga kabataan ngayon. Katunayan, dumarami ang bilang ng mga estudyante na matatagpuan sa internet café kahit sa oras ng klase. Mga tahanang halos walang oras para sa bawat isa dahil sa computer, internet, cable television at cell phones umiikot ang mundo ng bawat isa. Mga anak na dumarami ang mga kaibigan at kausap sa internet. Idagdag pa dito ang komunikasyon natin sa kanila na isang pindot na lang sa mga keypad ng cell phones natin. Hindi ba bilang magulang tinitingnan natin ang likod ng pakete ng pagkain upang malaman ang nutritional facts nito? At hindi rin ba tinitingnan din natin ang instruction sa kahon ng mga gamot upang maibigay natin ang tamang dosage? Ganun din sana ang gawin natin sa ating mga anak pagdating sa media upang sa paggamit natin sa mga ito ay makatulong sa atin sa paghubog sa kanilang magandang bukas at hindi ang sirain ito.

KAYANG-KAYA with Grace Tia (RECYCLING)

  • Plastic containers (softdrinks): lagyan ng tubig o gawing paso o ipunin at ipagbili.
  • Babasaging Garapon: Ipunin at lagyan ng dekorasyon (lagyan ng regalo at mga abubot)
  • Old Newspaper: Gawing paper machete or gamitin sa paglilinis ng salamin at bintana.
  • Plastic bags ( supermarket): Gawing garbage bags o gupitin ng pino at ilagay sa mga unan. Ang mga tetra pack juices ay maaring gawin bags at ibat-ibang disenyo.

Tandaang hindi lahat ng bagay na patapon ay walang silbi. Creativity lang at magagawa na nating mag-recycle. Nakatipid na, nakatulong pa sa ating kapaligiran.

PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito (Nose Bleeds)

  • Huwag ihihiga at panatiling naka-tayo ang pasyente
  • Gumamit ng tissue o basang tela sa pagpunas ng dugo sa ilong
  • Dapat nakatungo at hindi nakatingala upang hindi umagos ang dugo sa lalamunan
  • Pindutin ang dulo ng ilong at huminga sa pamamagitan ng bibig sa loob ng 10 minutes.
  • Iwasan ang pagkamot o pagsinga upang hindi ito lalong dumugo
  • Kung hindi tumigil after 10 minutes, ulitin ang proceso for another 10 minutes
  • Humingi ng medical assistance kung nakakaramdan na ng hilo at panghihina.

Comments

Add Your Comments




Would you like to receive email notices when comments are added for this episode?
Yes    No
join the forum
email the host

Meet The Host

Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.

Emily

Program Archive

February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
rss feed badge - get our rss feed now del.icio.us bookmark badge - add this page to del.icio.us digg.com badge - add this page to digg.com
valid xhtml badge - validate nowvalid css badge - validate nowvalid wai-aa badgevalid xml rss feed badge - validate now