Tour WMC-AP

Rated PG

Rated PG logo

We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family

Airing on: Cabanatuan City, Zambales and Cagayan de Oro City

Mother's Day Episode 2007

- for Saturday, Apr 26, 2008
comments
RSS feed
join the forum
listen to this podcast

Overview

Rated PG celebrates Mother's Day.

subscribe now

 

Program Notes or Transcript


HOST:   Ang mga ina ng tahanan, si mommy, si nanay o si mama, sya ang lahat-lahat sa atin nong tayo ay maliliit pa, diba!  Halos sa kanya umuiikot ang mundo natin nang mga bata pa tayo? Sa lahat ng mga kailangan natin, pangalan nya ang sya nating tinatawag. Gusto natin lagi syang nasa tabi natin, para feeling safe tayo lalo na pag tayo ay kalong-kalong nya. Sya na nga yata ang pinakadakilang nilalang sa buong mundo, hulog ng langit at tunay na biyaya mula sa atin ng Dios.

    Alam nyo po, kulang ang pasasalamatan natin sa ating mga ina sa lahat ng kanilang mga ginawa. Sino nga ba ang nanatiling gising kapag may sakit ang anak, na syang nananalangin para sa kagalingan nito? Sino ang higit na nangangamba kung hindi na tayo kumakain ng tama? Sino ang matiyagang magtuturo sa atin lalo na sa panahon ng exams sa school? Kakainin na lamang nila, pero isusubo pa sa atin na kanilang mga anak? Sila po ang dakilang mga ina sa ating tahanan.

    Ngayon po ay isang espesyal na araw para bigyan sila muli ng pagpapahalaga, isang Mothers’ day celebration po ang gusto naming ibahagi sa inyo sa susunod na kalahating oras ng ating program.  Ako po si Emily Bolinas, sana ay samahan nyo kami ngayon sa patuloy nyong pakikinig ng Rated PG. Narito po ang isang special song na gusto rin naming idedicate sa lahat ng mga nanay na nakikinig sa atin ngayon.

SONG 1:  INA (Lani Misalucha)

HOST:  Again, happy mothers day po sa kapwa ko mga mommy na nakikinig ngayon ng Rated PG. Masaya po tayong i-celebrate ang special day na ito para sa mga ina ng tahanan, ano man ang inyong edad, san man po kayo naroroon na abot ng aming programa.
    Ngayon po, kakaibang tribute ang gusto nating gawin dito para sa mga mothers dyan. Hindi lamang po isang tinig ang maririnig nya na makakapanayam natin kundi minabuti po naming mag-interview ng ilang mga kaibigan para mas gawing memorable ang episode nating ito.
    Tingnan po natin at pakinggan ang ilang mga ina ng tahanan kung ano para sa kanila ang isang bagay na masasabi nilang pinakamasaya or experience na hinding-hindi malilimutan sa kanilang pagiging ina.

VOICE CLIPS…..

Ayan mga kaibigan, now, mula pa rin sa mga nanay na ito, tanungin natin sila, kung anong isang pagbabago sa kanilang buhay mula ng sila ay maging ina?

VOICE CLIPS……..

Naku, alam ko mga nanay na nakikinig dyan, nakaka-relate kayo sa mga napakinggan nyong mga sagot mula sa ilang mga mommy na na-interview natin.  Well, hindi pa po dito natatapos ang tribute natin para sa lahat ng mga nanay sa buong mundo, mamaya po, ipagpapatuloy natin ito, matapos lang po nating marinig ang ilang mga kayang-kayang tips mula pa rin sa isang ina, si Grace Tia.

KAYANG-KAYA with Grace Tia

HOST:  Thanks Grace, at happy mothers day sa ‘yo. Mga kaibigan, tuloy-tuloy po ang pagbibigay natin ng tribute sa mga dakilang ina ng tahanan ngayon dito sa Rated PG, kay this time naman, mapapakinggan natin ang ilang mga anak na magsasabi ng mga bagay na hindi nila malilimutan about their moms. Hindi na po natin patatagalin pa, pakinggan po natin ito….

VOICE CLIPS………….

Wow, diba talagang hindi matutumbasan yung presence ng mga mommies para sa kanilang mga anak, idagdag pa natin yung pag-aalaga, sabi nga laging nandyan every time na kailangan natin sila, at yung influence nila na naipamamana pa hanggang sa paglaki ng kanilang mga anak.
Talagang ibang legacy ang naibibigay ng mga ina sa kanilang mga anak. Well syempre pa, hindi natin palalampasin ang pagkakataong ito para ipahatid ng ilang mga anak na ito ang pagbati sa kanilang mga ina at maging sa lahat na rin ng mga nanay na kasama natin at nakikinig ng Rated PG.

VOICE CLIPS………….

Wow, nakakataba naman ng puso. Salamat  ng marami. Ngayon naman po, kalakip ng lahat ng pagbating yan, narito po ang isa pang song na gusto pa ri nating ihandog para sa inyo na mga mothers.

SONG 2:    Nanay o Nanay (Grupong Pendong)

HOST:  Well, salamat sa song na narinig nating yan.  Syempre pa mga kaibigan, isang kabahagi pa rin ng Rated PG ang mapapakinggan nyo ngayon, mula sa isa ring butihing ina na suki naman nating doctor para patuloy tayong bigyan ng ilang mga health tips, Dra Lyn po ang sasainyo sa ilang sandali para sa Payo ni Doc.

PAYO NI DOC with Dra.Lyn Hipolito
Migraine (replay of episode 59 / shorter version)

SPOT :   INA

PAMANA with Pastor Cryz Colorado
Mothers Day Tribute

SONG 3:   O Aking Inay  (TeenHearts)

HOST:   Well, ayan po, kumpletong-kumpleto naming inihandog sa inyo ang very special episode natin ngayon para sa lahat ng mga ina ng tahanan in celebration of Mothers’ Day.

    Para sa mga anak, make this day naman po sana na maging memorable para sa inyong mga nanay.  Hindi ko po ito sinasabi dahil pabor din sa akin ito, being a mom also. Kundi dahil sa karapat-dapat naman po sigurong bigyan natin ng treat man lang ang ating mga ina, diba. Just imagine yung hirap na naranasan nila bago tayo maging tayo, kumbaga. Deserving naman sila na bigyan nating ng pag-alala, diba. 
Actually, dapat nga hindi lamang tuwing Mothers’ Day natin sila binibigyan ng pagpapahalaga eh, dapat araw-araw, madama nilang mahal sila sa atin. 

Well, para sa lahat ng mga nanay, saludo po kami sa inyo, sa inyong paghihirap, pag-aaruga, pagtitiyaga, pag gabay, pagmamalasakit at sa lahat ng inyong mga sakripisyo para sa ikabubuti ng inyong mga anak. 

Ako pong muli si Emily Bolinas, bumabati sa inyo ng Happy Mothers Day. Hanggang sa susunod po naming episode, dito lang sa nag-iisang Rated PG.  God bless you!

EXTRO

Comments

join the forum
email the host

Meet The Host

Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.

Emily

Program Archive

October 2011
September 2011
August 2011
July 2011
June 2011
May 2011
April 2011
March 2011
February 2011
January 2011
December 2010
November 2010
October 2010
September 2010
August 2010
July 2010
June 2010
May 2010
April 2010
February 2010
May 2008
April 2008
March 2008
February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
rss feed badge - get our rss feed now del.icio.us bookmark badge - add this page to del.icio.us digg.com badge - add this page to digg.com
valid xhtml badge - validate nowvalid css badge - validate nowvalid wai-aa badgevalid xml rss feed badge - validate now