
We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family
Magulang lang ang tunay na nakakakilala sa anak, kaya ang pagkakaroon ng positive parent-teacher relationship ay makakatulong para maseguro ang pagkatuto at tagumpay ng ating mga anak sa kanilang edukasyon. Mga magulang, tulungan natin ang ating mga anak!
Program Notes or Transcript
INTRO SPOT
HOST
Hindi maipagkakaila na pumapangalawa ang mga teacher sa mga importanting tao sa buhay ng ating mga anak. Ayon sa mga research, malaki ang nagagawang kabutihan sa pagkakaroon ng positibong pakikipag-partner nating mga magulang sa mga guro ng ating mga anak, lalo na sa ikakatagumpay ng kanilang pag-aaral.
SONG 1: AWIT PARA SA’YO ( Henry Santos)
HOST
Ito po ang Rated PG, isang gawain po mula sa Church of the Nazarene.
DISCUSSION (with Mrs. Ellen Ong, Kids International Learning Academy Owner)
Napakahalaga ng involvement ng magulang sa edukasyon ng kanilang anak. Sa katunayan mahalagang both parents ay involved dito. Ilan sa mga advantages sa pagkakaroon ng positive parent-teacher partnership ay: (1) Nare-reinforced ang learning sa school ng bata dahil alam ng guro kung paano nila iti-treat ang bata. At (2) Nagkakaroon ng security ang bata dahil nakikita nilang maganda ang relasyon ng magulang at mga guro niya kaya motivated siya na mas-madevelop ang talento niya.
KAYANG-KAYA with Grace Tia (SAVING TIPS for Single Breadwinners)
Tamang sakripisyo at priorities ang kailangan para maitaguyod ang pamilya lalo kung isa lamang ang kumikita sa pamilya.
Maging masusi sa paggastos (Gumawa ng budget at sundin ito)
PAMANA with Pastor Cryz Colorado (Education Series 3)
Dalawa sa pinaka-importanteng tao sa buhay ng bata ang magulang at guro. Sila ang tumutulong, nagtuturo at nag-iipluwensiya sa kaisipan nila, kaya mahalagang magtulungan ang dalawang pwersang ito. Mga magulang, kailan ang pinaka-huling pagkakataon na umatend kayo ng PTA meeting sa school o kilala niyo ba kung sino ang mga guro nila? Isipin niyo na lang kung ano ang mangyayari sa ating mga anak kung alam ng guro nila kung gaano mo pinahahalagahan ang edukasyon ng iyong anak. At ano kaya ang gagawin ng ating mga anak kapag nalaman nilang nagkakaisa at nagtutulungan ang mga guro at magulang nila mabigyan lamang sila ng mabuting edukasyon? Tandaang, ang teacher at mga parents ay parehong guro ng mga bata, magkaiba lang sila sa classroom na ginagamit.
DISCUSSION (with Mrs. Ellen Ong, Kids Intrenational Learning Academy Owner)
TIPS sa pagkakaroon ng positive parent-teacher partnership:
RESPECT
SPOT
PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito (Iron and Your Kids)
Mahalagang component ang iron sa kalusugan natin at ng ating mga anak. Ang kakulangan ng nito ay maaring magdulot ng iron deficiency anemia. May kinalaman kasi ang iron sa paggawa ng red blood cells (RBC) sa hemoglobin ng katawan natin. Ang RBC ang nagdadala ng oxygen sa ibat-ibang bahagi ng ating katawan para mag-function ng mabuti ang mga ito. Depende sa edad ng bata ang iron requirement nito. Mayaman sa iron ang red meat, poultry, tuna, salmon, itlog, tokwa, dried beans, dried fruits at green leafy vegetables. Huwag kaligtaang maghain sa ating pamilya ng mga pagkaing may sapat na iron.
SONG 2: IINGATAN KA (Carol Banawa)
HOST
Malaking ginagampanan nating mga magulang sa edukasyon ng ating mga anak. At kung sisikapin nating makipag-partner sa mga guro nila mas makakaseguro tayong magiging maganda ang school year na ito both para sa atin at sa ating mga anak.
EXTRO
Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.