Tour WMC-AP

Rated PG

Rated PG logo

We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family

Airing on: Cabanatuan City, Zambales and Cagayan de Oro City

Parents’ Sacrifice For Their Kids (Lenten Special)

- for Friday, Apr 13, 2007
comments
RSS feed
join the forum
listen to this podcast

Overview

Parte ang sakripisyo sa pagkatawag ng Diyos sa atin bilang parents sa ating mga anak kaya mahalagang mapaghandaan natin ang tungkuling ito. Tandaang, kasama ang pamilya sa sakripisyong ginawa ni Hesus. Siya ang tunay na kahulugan ng salitang “sakripisyo

subscribe now

 

Program Notes or Transcript

INTRO SPOT

HOST

Maaring itugma ang salitang “sacrifice” sa ginagampanang papel ng mga magulang. Mga ina at ama ng tahanan na kumakayod para sa pamilya ang mas makapagbibigay kahulugan sa salitang ito. Ngunit kasabay sa pagdiriwang ng Mahal na Araw, ay ang pagkilala kay Hesus na tunay na nagbigay at nagsakripisyo para sa atin. At siya lamang ang pwedeng magbigay kahulugan sa salitang ito. Huwag sana nating makalimutan instead lalo pa nating makita at maunawaan ang alay na bigay ni Hesus para tubusin tayo sa mga kasalanan. Yan ang dahilan kung bakit mayroong Mahal na Araw.

SONG 1:      PAG-IBIG MO

DISCUSSION (with Ptr. Jun Suyat and Carol Benzonan)

Madalas negatibo ang connotation sa salitang “sakripisyo”. Ito ay ang pagkuha ng isang bagay (oras, bagay o kahit anong ninanais mo) mula sayo para sa iba upang ang ibang tao ang magkaroon ng kagalakan. Tunay ngang part ng parenting ang sacrifice. Tulad ng ating ina na sa pagbubuntis pa lang, sakripisyo na at handa pang ibigay ang.

SPOT

PAMANA with Pastor Cryz Colorado (Sacrifice)

Tuwing Mahal na Araw ginugunita natin ang sakripisyong ginawa ni Hesus para sa atin. Tunay na walang makahihigit sa sakripisyong ginawa niya para sa lahat ng tao. At kung sakripisyo ang pag-uusapan marahil ay mahirap ding pantayan ang sakripisyo ng ating mga magulang. Mula sa sinpupunan nagsakripisyo na ang ating ina sa loob ng siyam na buwan. Isama mo pa ang hirap at sakit sa panganganak at ang pagtitiyaga sa pag-aalaga habang nagsisimula tayong gumapang at lumakad. Sila ang mga taong gagawin araw ang gabi matiyak lamang na may sapat na pagkain sa mesa at kalimutan ang mga sarili maibigay lamang ang kailangan natin sa eskwela. Mga taong nagmamahal sa atin ng walang kondisyon at handang ilaan ang buhay para sa atin dahil tayo ay anak nila.

DISCUSSION (with Ptr. Jun Suyat and Carol Benzonan)

Marami bagay ang involved sa sacrifice na ito kaya dapat mapag-handaan. Mahalaga na ayusin muna ang sarili spiritually, physically at emotionally para sa panahon na tayo ay magsasakripisyo para sa ating mga anak, hindi tayo matatalo ng pressure. Wala tayong maibibigay ng magandan sa kanila kung hindi nasa ayos ang ating buhay. Ang sarifce ng Panginoon sa krus ay isang sacrifice na may paghahanda at passion. Magsilbi sanang modelo natin ang Diyos sa ating pagsasakripisyo para sa ating mga anak dahil para din sa pamilya ang sakripisyong kanyang ginawa.

SPOT

KAYANG-KAYA with Grace Tia (Extra Income or Cash)

  • Pagkakitaan ang skill (manicure, pedicure, pananhi, carpenter)
  • Pagkakitaan ang hobby (garden, halaman, painting)
  • Magtanim ng gulay at prutas kung may malawak na bakuran.
  • Direct selling

Ipa-ubaya sa Diyos ang anumang plano natin dahil siya lamang ang tutulong at magpapala sa anumang bagay na ating gagawin.

PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito (Vitamins)

SONG 2          SA PILING MO HESUS (Teenhearts)

HOST

Bahagi ang sakripisyo sa pagkatawag ng Dios sa atin bilang parents sa ating mga anak.  At sa mga anak, bigyan sana natin ng halaga ang mga sakripisyong ginagawa para sa atin ng ating mga magulang at suklian sana natin sila ng pagmamahal. At lalo sanang mabigyang halaga hindi lang sa araw na ito ang sakripisyong ginawa ni Hesus para sa atin. 

EXTRO

Comments

Add Your Comments




Passcode
Would you like to receive email notices when comments are added for this episode?
Yes    No
join the forum
email the host

Meet The Host

Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.

Emily

Program Archive

April 2008
March 2008
February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
rss feed badge - get our rss feed now del.icio.us bookmark badge - add this page to del.icio.us digg.com badge - add this page to digg.com
valid xhtml badge - validate nowvalid css badge - validate nowvalid wai-aa badgevalid xml rss feed badge - validate now