sitemap | you are here: home » podcasts » rated pg » raising eco kids

Tour WMC-AP

Rated PG

Rated PG logo

We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family

Airing on: Cabanatuan City, Zambales and Cagayan de Oro City

Raising Eco Kids

- for Saturday, Aug 14, 2010
comments
RSS feed
join the forum
listen to this podcast

Overview

Let us encourage our Kids to be good stewards of God's creation.

subscribe now

 

Program Notes or Transcript

INTRO THEME

HOST:  Isa pong malaking hamon na kinahaharap ng ating mundo ngayon ay ang usaping pangkalikasan at pangkapaligiran.  Sa laki ng ginagalawan nating daigdig ngayon, para bang napakahirap ng masolusyunan ang suliranin natin dito.  Pero, hindi naman po tayo nawawalan ng pag-asa lalo na’t mayroon namang mga handang kumilos para kahit paano ay masolusyunan ito.

            Sa bawat problema, ng lipunan man o bilang isang bansa at maging ng mundo, malaki po ang bahaging pwedeng gampanan ng bawat pamilya, lalo na ng mga batang syang magiging mga mamamayan, di po ba.  Kung kaya nga dito po sa ating program, isang makakalikasang episode na naman po ang gusto naming ihandog sa inyo at gusto naming tutukan ang bawat magulang sa malaking role nila dito na syang magtuturo sa kanilang mga anak ng malasakit sa ating kalikasan at kapaligiran.

            Kaya inaanyayahan ko po ang bawat isa ngayon, samahan nyo po kami sa makabuluhang edisyon ng aming program, sa ating mga tatalakayin at mga kaalamang ihahatid naming sa inyo, kasama po ang inyong host, Emily Bolinas, upang kumpletong ibigay sa inyo ang palatuntunang katuwang na magulang sa pagkakaroon ng masaya at matatag na tahanan, ang Rated PG.

SONG 1: Nature of Love (4Him)

DISCUSSION Part 1. Interview with Ptr. Cryz Colorado

HOST:  Ayan, salamat po sa awit na narinig nating yan, patuloy pa rin po kayong nakikinig ng Rated PG. Sa pagkakataon pong ito, gusto naman nating i-welcome ang butihin nating Pastor ng PAMANA na sya ko pong makakapanayam sa ating topic na pag-uusapan. Hello po at magandang araw po sa inyo, pastor Cryz Colorado

RESPONSE

Pastor, pag-uusapan po natin kung paano tayong mga magulang makakapag-raise o makapagpapalaki ng mga batang may malasakit sa ating kalikasan, o yung tinatawag nating mga eco-kids!  Kung mapapansin nyo po, halos every after 2 months siguro ay nagbo-broadcast kami ng episode tungkol sa pag-aalaga sa ating kalikasan, kaya siguro masasabi ng mga tagapakinig natin, eh para tayong paulit-ulit dito sa Rated PG. Pero sa totoo lang po, hindi naman po kami paulit-ulit, kundi binibigyan lamang po naming ng diin ang napakahalagang usaping ito. Tama po ba pastor?

RESPONSE

Minsan meron na tayong episode about Green Parenting, merong kung paano natin maisasagawa ang pag-aalaga sa ating kalikasan as a family, so ito po kasi ay isa sa mga thrust ng programa natin, maging kaisa sa solusyon ng hindi lamang pambansang suliranin kundi pang-buong mundo ito, at naniniwala po tayo di po ba pastor na malaki ang bahagi ng bawat pamilya sa maaaring solusyon dito?

RESPONSE

So, nandito po kasama natin si Pastor Cryz ngayon para dagdagan pa yung mga kaalamang nauna na naming ibahagi sa inyo sa pamamagitan ng programang ito, tungkol pa rin sa kung paano tayong mga magulang makapagpapalaki ng mga tawagin na nating Eco-kids.

RESPONSE ( enumerate the first 2)

n     Make sure they get plenty of time to play in nature

n     Make environmental action a normal fact of life

Pastor, meron pa po ba tayong idadag dito, dahil, ishe-share po natin yan, mamaya sa continuation ng ating discussion.  Pakinggan po muna natin ang ilang mga pangkalusugang kaalaman mula naman sa ating butihing doctor, narito po ang PAyo ni Doc..  

 

PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito

DISCUSSION Part 2 : Interview with Ptr. Cryz Colorado

 

HOST:  Okay, back here mga kaibigan, still with pastor Cryz po ang kasama nating nakakapanayam sa very relevant nating tema about raising Eco-kids,  ibig sabihin lang po ay para sa mga magulang kung paano natin maituturo sa ating mga anak habang sila ay lumalaki nang may malasakit sa unti-unti ng nasisira na ating kalikasan.

            At kanina po, may dalawa ng naishare sa atin si Pastor Cryz dito, sa mga paraan kung paano natin ito pwedeng gawin, at meron pa syang gustong idagdag dito. 
Yes pastor.

RESPONSE

n     Get children used to thinking about conscious energy usage.

n     Create a family garden

n     Teach them where things come from.

n     Teach them the names for things in your environment.

n     Teach them about the big picture

Ayan po mga kaibigan, mga praktikal na suggestions kung paano natin maituturo sa ating mga anak lalo na sa mga bata pa, ang maging eco-kids. 

Alam nyo po, kailangan natin ito para kahit paano po ay maging bahagi tayo ng solusyon sa global problem nating kinahaharap.

Pastor, salamat po sa mga insights na nai-share mo sa amin, I’m sure very helpful po ang mga ito sa mga nakapakinig nating parents ngayon.

RESPONSE

Well, mga kaibigan, magpapatuloy pa po tayo dito sa Rated PG, narito naman po ang ilan pa sa ating mga segment na ihahatid sa inyo. 

 

KAYANG- KAYA with Grace Tia

PAMANA with Pastor Cryz Colorado

Raising Eco-Kids

SONG 2: Kanlungan (Noel Cabangon)

HOST:  Isyu po ng bawat pamilya kung paano tutugon sa malawakang problema ng ating mundo ngayon ang palala ng palalang kalagayan na ating kalikasan. Kaya, meron po tayong kailangang gawin bilang mga nilalang, at merong magagawa ang bawat isa sa atin para dito.  Mga parents, malaki po ang magagawa ng simple nating pagtuturo sa ating mga anak na magmalasakit sa ating kapaligiran, kung magiging intentional lamang po tayo dito at syempre kung tayo po mismo ay kakikitaan ng malasakit sa ating kalikasan. 

            Well, salamat pong muli, sa inyong lahat.  I hope naging pagpapala po sa inyo ang inihatid naming edisyong ito ng aming palatuntunan. Minsan pa, ako po si Emily Bolinas, muling nag-aanyaya sa inyo sa susunod na muling makinig dito pa rin sa Rated PG. Pagpalain po kayo ng ating Dios na Syang dakilang lumikha ng ating kapaligirang dapat ingatan.

EXTRO

 

Comments

join the forum
email the host

Meet The Host

Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.

Emily

Program Archive

October 2011
September 2011
August 2011
July 2011
June 2011
May 2011
April 2011
March 2011
February 2011
January 2011
December 2010
November 2010
October 2010
September 2010
August 2010
July 2010
June 2010
May 2010
April 2010
February 2010
May 2008
April 2008
March 2008
February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
rss feed badge - get our rss feed now del.icio.us bookmark badge - add this page to del.icio.us digg.com badge - add this page to digg.com
valid xhtml badge - validate nowvalid css badge - validate nowvalid wai-aa badgevalid xml rss feed badge - validate now