Yes! We're Hiring. Check out our current job openings.
sitemap | you are here: home » podcasts » rated pg » realities of death

Tour WMC-AP

Rated PG

Rated PG logo

We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family

Airing on: Cabanatuan City, Zambales and Cagayan de Oro City

Realities Of Death

- for Friday, Nov 9, 2007
comments
RSS feed
join the forum
listen to this podcast

Overview

Katotohanang mahirap tanggapin ang kamatayan. Katunayan marami ang takot na pag-usapan ito ngunit sa kabila ng takot nananatili itong realidad para sa lahat kaya sa halip na katakutan, alamin ang katotohan tungkol dito at kung paano ito mapaghahandaan.

subscribe now

 

Program Notes or Transcript

Sa tuwing sasapit ang Undas naka-ugalian na ng mga Pinoy na bisitahin ang kanilang mahal sa buhay na namayapa sa sementeryo bilang pagbibigay parangal at pag-alala sa kanila. Kamatayan,na sa kabila ng katotohanang lahat tayo ay darating at itinakdang dumaan dito, nanatili pa rin itong isa sa mga bagay na kinatatakutan ng maraming tao. Katunayan, ayon sa pag-aaral, sinasabing 2 tao sa bawat segundo ang bilang ng mga namamatay sa mundo. Patunay lamang ito na death is inevitable. At 2 na tinuturing na dahilan nito ay ang sumusunod:

  • Sickness: cardio vascular disease, high blood, infections and parasitic disease, cancer, respiratory sickness (smoking, alcoholism, environmental)
  • Natural disaster: tsunami, volcanic eruption, earthquake, landslide.

Nanatiling isang realidad ang kamatayan at lahat tayo ay mamatay ngunit ang tanong, what comes next? Tuloy, takot na mahiwalay sa mga mahal sa buhay, pagkaramdam ng sakit physically and emotionally at ang walang kasiguruhan sa patutunguhan matapos mamatay ang ilan sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon patuloy itong kinatatakutan ng marami. Sa Bibliya malinaw na sinabi na tinalo ng pagkamatay ni Kristo ang “kamatayan” na nagbigay sa atin ng katiyakan ng buhay na walang hanggan. Kaibigan, nagsisi ka na ba sa iyong mga kasalanan at tinangap si Kristo sa buhay mo? Alalahaning ang kamatayan ay hindi dapat katakutan dahil balot man ito ng mysterio nananatili pa rin ang katotohang isa itong natural na pagkakataong dumarating sa buhay na bawat isa hindi nga lang natin tiyak at alam kung kailan. Sa halip ng katakutan dapat itong pinaghahandaan at ang Salita ng Diyos, sa pamamagitan ni Hesus ang ating tanging pwedeng panghawakan upang palakasin tayo habang patuloy na nabubuhay dito sa mundo, ang magbibigay sa atin ng tapang at pag-asa sa panahong darating tayo sa punto ng kamatayan at magbibigay katiyakan pagdating sa kabilang buhay. Mas masaya ang buhay kung handa tayo.

PAMANA with Pastor Cryz Colorado (Reality of Death)

Ayon sa Bibliya, “nakatakda sa tao ang minsang mamatay pagkatapos ay paghuhukom”. Kung i-isipin, hindi ang kamatayan ang tunay na nakakatakot kundi ang paghuhukom na kasunod nito. Hindi man nais pag-usapan, ito ay hindi pwedeng iwasan kundi dapat paghandaan. At ang sumusunod ay ilan sa mga paghahanda:

  • Kilalanin si Hesu Kristo na namatay sa Krus para sa ating mga kasalanan
  • Tanggapin Siya bilang Panginoon at tagapag-ligtas
  • Tanggapin ang katiyakan sa pangako Niyang buhay na walang hanggan sa langit.

Sana na sa patuloy nating pag-alala sa kanila sa tuwing sasapit ang Undas, tanungin din natin ang ating mga sarili na “kung darating ang araw na tayo naman ang pumanaw saan tayo pupunta?” Tandaang, gaano pa man kaganda ng kabaong natin at ilagay tayo sa pinaka-mahal na museleyo kung hindi natin kinilala si Hesus ay simula lamang ng walang hanggang pag-durusa.

KAYANG- KAYA with Grace Tia (Garage Sales)

Nais mo bang magkapera? Garage sale ang sagot diyan. Ito ay ang pagbebenta ng mga bagay na mapakikinabangan ngunit hindi mo na kailangan. Masaya na, kumita ka pa at nabawasan pa ang kalat sa bahay. Tandaang, ang basura mo ay maaring maging kayaman sa iba. Kaya simulan ng mag-organize ng isang garage sale.

PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito (Avoiding Flu & colds)

Hindi sa lahat ng oras ay nasa tabi natin ang ating mga anak para seguruhin ang kanilang kaligtasan kaya mahalagang turuan sila ng mga healthy habits:

  • Turuan silang takpan ang bibig at ilong kung may umuubo o bamabahing.
  • Sanayin silang maghugas ng kamay o gumamit ng sanitizer bago at matapos kumain at sa tuwing matapos silang gumamit ng CR.
  • Sanayin silang kumain ng mga masusustansiyang pagkain (for strong resistance)
  • Sanayin silang magkaroon ng sapat na tulog at ehersisyo.

Comments

Add Your Comments




Would you like to receive email notices when comments are added for this episode?
Yes    No
join the forum
email the host

Meet The Host

Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.

Emily

Program Archive

February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
rss feed badge - get our rss feed now del.icio.us bookmark badge - add this page to del.icio.us digg.com badge - add this page to digg.com
valid xhtml badge - validate nowvalid css badge - validate nowvalid wai-aa badgevalid xml rss feed badge - validate now