
We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family
How can the School and the Parent be effective in promoting a healthy educational foundation in Kids today? Listen as Rated PG shares some insights on School - Parent Communication.
Program Notes or Transcript
INTRO THEME
HOST: Isa na nga siguro sa mahalagang responsibilidad nating mga parents ay ang mapag-aral o mabigyan ng magandang edukasyon ang ating mga anak. At syempre pa, ka-partner natin sa layuning ito ay ang kanilang mga mismong paaralan, dahil sila rin man ay kaisa natin sa adhikaing ito, ang maging instrumento sa pagkakaroon ng magandang edukasyon ang mga bata.
Ibig sabihin, tayong mga magulang at ang eskwelahan ng ating mga anak ay totoo pong magkatuwang sa pagbibigay ng kaalaman at edukasyon sa kanila. Pero sandali lang po mga kapwa ko magulang? Isang tanong po muna, kumusta naman po ang pakikipag-ugnayan natin sa paaralan ng ating mga chikiting? Baka naman tayo ay isa sa mga panay ang kontra sa school ng ating mga anak, kung saan puro negatibong komento ang sinasabi natin tungkol dito? Alam po ba natin na dapat higit sa mga bata, eh mismong tayong mga parents ang may positibong perspektibo tungkol sa kanilang paaralan?
Sige po mga kaibigan, pag-usapan pa natin ito ng masinsinan, kaya muli, inaanyayahan ko po kayo, samahan nyo po ang inyong host, syempre pa, Emily Bolinas, sa isa na namang bagong edisyon nitong ating palatuntunan, ang Rated PG.
SONG 1: Love is the Answer (Gary V.)
DISCUSSION Part 1. Interview with Ms. Marilou Sierra & Ms. Scent Abad
PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito
DISCUSSION Part 2 : Interview with Ms. Marilou Sierra & Ms. Scent Abad
KAYANG- KAYA with Grace Tia
PAMANA with Pastor Cryz
School-Parent Communication
SONG 2: Kaibigan (K. De Asis)
HOST: Totoo pong katuwang natin ang school ng ating mga anak sa pagbibigay ng magandang edukasyon sa kanila. Kaya sana rin po ay totoong magkaroon tayo ng magandang komunikasyon o pakikipag-ugnayan sa mga paaralang ito. Since wala pang isang buwan nakapagsisimula ang klase ng mga bata, ito na rin po siguro ang pagkakataong magawa natin ito. Well, salamat po sa inyong walang sawang pakikinig, ako po si Emily Bolinas, next time po uli, sana magkikita-kita tayo dito pa rin sa Rated PG.
EXTRO
Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.