Tour WMC-AP

Rated PG

Rated PG logo

We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family

Airing on: Cabanatuan City, Zambales and Cagayan de Oro City

School Success Begins At Home

- for Saturday, May 24, 2008
comments
RSS feed
join the forum
listen to this podcast

Overview

The Home is still the best place where your kids learn and we as parents play an important role in their success in school and later on in life.

subscribe now

 

Program Notes or Transcript

INTRO THEME

HOST:  Gaano man daw kahusay ang isang school at ang mga teachers ng ating mga anak, hindi pa rin daw matutumbasan ang impact ng kanilang natututunan mula sa ating mga tahanan. So parents, tayo pa rin ang susi dito, sabi nga sa wikang Inlges, we still make the difference. Yung mga ginagawa natin araw-araw sa bahay, kung paano natin pinahahalagahan ang kanilang edukasyon at pag-aaral, yung pagkakaroon natin ng positive attitude para sila ay matuto, lahat daw ng ito ang posibleng maghanda sa kanilang pagtatagumpay pagdating ng panahon. At siguro naman, lahat tayong mga parents ay sang-ayon na malaki ang pakinabang ng ating mga anak sa edukasyon.

            Buwan na naman po ng Hunyo, alam kong halos lahat ng magulang ngayon ay abala sa paghahanda sa kani-kanilang mga anak sa pagpasok nila sa eskwela. Nariyan ang dagdag na intindihin sa pang-tuition, at ibang gastusin sa paaralan. Pero sandali lang po mga parents, maliban sa mga iniisip nating ito, pwede po bang pagtuunan din natin ng pansin kung ano naman ang role na ginagampanan natin sa pagtatagumpay ng ating mga anak sa kanilang edukasyon.

            Napapanahon po at very interesting ang tema natin sa araw na ito, kaya inaanyayahan ko po kayong samahan ako, Emily Bolinas sa kalahating oras na ito ng ating program, ang Rated PG.

SONG 1:        ESTUDYANTE BLUES (Kulabs)

HOST:  Okay, ito pa rin po ang Rated PG, ang programang katuwang ng mga magulang sa pagkakaroon ng masaya at matatag na tahanan, syempre mula pa rin sa Church of the Nazarene sa pakikipagtulungan ng himpilan nating ito.  

            Well sa pagkakataong ito, kasama ko na naman po ang bagong suki ng dito sa program natin, since sya po ang researcher writer natin, sya na rin ang magiging madalas nating makakapanayam sa mga temang pag-uusapan natin.

            Naging part din po ng kanyang career ang pagtuturo sa mga bata, I think ngayong pasukan, sasabak na naman sya sa ganitong trabaho, tama ba? (SHY just agrees). Lately, nakakasama na natin sya dito, pero still, let’s welcome her back, walang iba kundi si Ate Shy Celestial.  Hi Ate Shy, kumusta naman especially ngayong ilang araw na lang at pasukan na?

RESPONSE

Ready na ba ang mga bata sa pagpasok this school year?

RESPONSE

Ate Shy, gaano katotoo na malaki ang influence ng mga parents sa pagiging successful ng mga bata sa kanilang pag-aaral?

RESPONSE

Or, ito bang katotohanang ito ay limited lang sa mga sabihin na nating may kaya or can afford na mga parents, kumbaga yung may mga aral rin?

RESPONSE

Alam nyo, meron ditong isang parang assessment tool or quiz para sa mga parents na kanina ay pinasagutan sa akin nitong si ate Shy. Very simple, na pwede nating ma-rate yung sarili natin kung paano tayo nagiging involved sa pag-aaral ng ating mga anak.

Siguro ate Shy, maganda ring mai-share natin ito sa ating mga listeners.

RESPONSE (explaining how to score yourself and enumerating the questions with explanation, then, evaluating their scores)

Ayan, napa-quiz pa tuloy tayo mga kaibigan. Pero diba magandang assessment ito kung nasan na tayo at paano tayo nagiging involved sa edukasyon ng ating mga anak. Well, mamaya po, marami pa tayong mga paalalang maririnig dito mula pa rin kay ate Shy, pansamantala po, maririnig naman natin ang ilang mga practical tips, ihahatid sa atin ni Grace, dito sa kayang-kaya.

KAYANG-KAYA with Grace Tia

SPOT

HOST:   Ayan, salamat Grace sa mga bagong kaalaman nay an, very practical na alam nating kayang-kaya ng ating mga kaibigang nakikinig ngayon.

            At nagbabalik naman po kami ni ate Shy pa rin sa ating discussion ngayon, sa kung paano pa rin tayong mga parents magiging contributing factor sa pagtatagumpay ng ating mga anak sa kanilang pag-aaral.

            So ate Shy meron ka bang ilang mga tips na gustong ibahagi sa mga magulang na nakikinig sa atin, at pwede nilang simulan para maging involved sa pag-aaral ng mga bata?

RESPONSE (Enumerating each point for parents)

n     Shop together for school supplies

HOST:   Alam mo last week, naglakad-lakad ako  sa palengke sa may amin, nakita ko ang maraming parents na ganito, namimili sila ng mga kailangan sa eskwela ng mga bata kasama mismo yung kanilang mga anak, and I think nag-eenjoy yung mga bata pag ganito.

n     Establish “school” bedtimes and morning routines

HOST: Naku, yan yata ang isa sa mga dapat kong gawin, kasi hindi pa ko nakakapag-establish ng healthy sleeping habit sa mga anak ko, madalas kasi kung matulog sila, quarter to 12 na.

Ilang oras ba ang tamang tulog sa mga bata?

RESPONSE

n     Make Breakfast Matter.

n     Attend parent/teacher meetings.

n     Make encouraging statements to your child.

n     Plan constructive use of after-school time.

HOST:  So, pati pala yung after school time nila, dapat napagpa-planuhan din nating mga parents, para nga naman hindi puro TV na lang ang aatupagin nila pagdating nila sa bahay galing school. At mahalaga ring magkaroon tayo ng limitations talaga when it comes to tv watching. Okay……

n     Pray with and for your child.

HOST:  Ayon, ito na siguro yung pinaka-dapat na ginagawa natin para ma-ensure yung pagiging successful nila sa school, syempre PRAYER pa rin.

Well, thank you so much ate Shy sa mga binahagi mong yan.

RESPONSE

Siguro may ilan dito ay ginagawa na natin parents, pero kung meron pa tayong hindi nagagawa sa mga nabanggit na tips na ito, ito pong school year na ito, pwede natin itong subukan, and let’s see kung anong difference ang pwedeng mangyari sa pag-aaral ng ating mga anak. Wala namang masama kung susubukan natin diba?

Well, magpapatuloy pa po ang Rated PG. susunod na po ang ilan pa nating mga segments. Dyan lamang po kayo.

PAYO NI DOC with Dra. Lyn

Backpacks Safety

RATED PG JINGLE           

PAMANA with Pastor Cryz Colorado

SONG 2:       

HOST:    Alam nyo po mga parents, hindi natatapos ang obligasyon natin sa edukasyon ng ating mga anak sa pagbabayad ng kanilang tuition, sa pagbili ng kailangan nila sa eskwela or sa pagtustos ng pangangailangan nila sa paaralan.

            Higit po dito ay ang pagiging involved natin sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng mga nabanggit nating mga praktikal na bagay, yung pag-explain sa kanila ng kahalagahan ng edukasyon, yung pagpapakita sa kanila na concern tayo sa kanilang pag-aaral, yung simpleng pag-attend natin ng mga meeting sa kanilang school, at marami pa.

            Ang totoo po kasi, malaki ang influence natin bilang parents na nasa kanilang mga tahanan para maging successful ang mga bata sa kanilang pag-aaral.

            Sabi nga, school success begins at home, at hindi po natin ito dapat ipagkatiwala lamang sa mga teachers ng ating mga anak at sa school.

            Napakagandang kataga po ang sinabi minsa ni Victor Hugo, isang manunulat, sabi nya, “he who opens a school door, closes a prison”. Isa lang po ang ibig sabihin nito, kung magagabayan natin ang ating mga anak sa kanilang pag-aaral, lalaki po silang kapaki-pakinabang at mabuting mamayan.

            Okay, salamat po sa minsan pang pagsama sa amin ngayon, sana po ay nakatulong sa inyo ang episode naming ito. Hanggang sa susunod, ako pong muli si Emily Bolinas, pagpalain po kayo ng ating Dios.

EXTRO TAG

 

Comments

join the forum
email the host

Meet The Host

Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.

Emily

Program Archive

October 2011
September 2011
August 2011
July 2011
June 2011
May 2011
April 2011
March 2011
February 2011
January 2011
December 2010
November 2010
October 2010
September 2010
August 2010
July 2010
June 2010
May 2010
April 2010
February 2010
May 2008
April 2008
March 2008
February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
rss feed badge - get our rss feed now del.icio.us bookmark badge - add this page to del.icio.us digg.com badge - add this page to digg.com
valid xhtml badge - validate nowvalid css badge - validate nowvalid wai-aa badgevalid xml rss feed badge - validate now