
We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family
Sa dami ng mga kinakaharap ng mga pagsubok ng mga mag-asawa ngayon possible bang mapanatiling masaya at matatag ang buhay-may asawa? POSSIBLE ang kasabihang sweeter as the years go by kapag Diyos ang sentro nito at ang gumagabay.
Program Notes or Transcript
Tinaguriang love month ng bawat taon ang Buwan ng Pebrero. Especial na panahon para i-celebrate ang pagmamahalan ng kahit sinong couple lalo na ang mga mag-asawa. Dahil sa maituturing na ang pag-aasawa ay ang pagsasama ng dalawang magkaibang nilalang dahil ang totoo, bawat isa sa atin ay magkaiba, mas nagiging exciting ang pagsasama dahil sa napaka-raming bagay na tanging sa panahon ng pagiging mag-asawa lamang maaring malaman at lubusang makikilala ang bawat isa. Subalit, ang pagkakaiba ring ito ang madalas na nagiging dahilan sa mga conflicts sa pagitan nila kaya mahalagang maunawaan kung paano mapapanatiling masaya sa ang pagsasama sa kabila ng pagkakaiba. Hindi rin naman masamang magkaroon ng conflicts, sa katunayan mas pinasasarap nito ang pagsasama dahil nagbibigay ito ng pagkakataong matutunan at makita ng bawat isa ang kanilang pagkakaiba. Kaya nga kasabay ng excitement ay ang pagkakaroon din ng katuwang sa buhay para resolbahin ang mga problema, maging ang mga conflicts na ito. In the end, ang higit na makapagsasabing mas marami silang nagawa kumpara noong single ay ang mga mag-asawang mas piniling unawain ang pagkaka-iba ng bawat isa.
TIPS kung paano mapapanatiling masaya at matatag ang pagsasama ng mag-asawa:
Challenging ang buhay may-asawa at hindi isang bed of roses dahil may kasama itong mga pagsubok. Subalit tandaan na kung meron mang pinakatangi at pinahahalagahang relasyon ng ating Dios, ito ay ang pagsasama ng mag-asawa dahil Siya ang nag-disenyo nito. Sana ganitong pagpapahalaga rin ang maibigay natin sa ating marriage.
PAMANA with Pastor Cryz Colorado
Sa Biblia makikita kung paano ang Diyos nagpasimula ng isang relasyon noong pinag-isa Niya ang unang mag-asawang si Adan at si Eva upang magtulong na gawin ang pinag-uutos Niya sa kanila. Dahil dito hindi natin maikakaila na Siya na may akda nito ay Siya ring may layunin para dito. Sa makatuwid nais ng Diyos na Siya ang maging sentro sa relasyong ito ng mag-asawa. Subalit sa halip na Siya ang maging sentro dito, ang buhay mag-asawa ang nagiging priority sa mga plano, hanap-buhay at mga pangarap para sa pamilya. Unti-unting nakakalimutan na may layunin ang Diyos na higit palaguin ang pagmamahalan at pagtibayin ang pagtitiwala at katapatan nila sa bawat isa. Mahalagang matandaan na ang buhay bilang mag-asawa ay hindi lamang para sa dalawa mag-asawa kundi higit sa lahat ito ay para sa kaluwalhatian ng Diyos na Siyang may akda nito. Kaya nga, sana sa lahat ng mga plano, pangarap, pagsusumikap na palaguin ang kabuhayan para sa pamilya ay maging kaakibat natin ang Diyos dahil walang pwedeng sumira sa isang tahanan na Diyos ang haligi. Magtiwala sa kanya at patuloy na hanapin ang Kanyang kalooban upang sa bawat pagdaaan ng panahon ay mas maging matibay ang pagsasama niyong mag-asawa.
KAYANG-KAYA with Grace Tia (Making Valentines Day Memorable)
PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito (SKIN)
Pinaka-malaking organ sa katawan ang skin natin dahil binabalot nito ang buo nating katawan. Kaya dapat lang na mapanatiling malusog ito para makaiwas mula sa mga infections na maaring magdulot sa atin ng karamdaman.
Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.