
We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family
Pinaka-special na relasyon ang pag-aasawa dahil Diyos ng Pag-ibig ang mismong nagtalaga nito. Maraming mag-asawa ang magpapatunay na “age doesn’t matter” dahil sa Diyos nag-ugat ang kanilang pag-ibig na bumuo sa dalawa upang maging isa.
Program Notes or Transcript
Most satisfying at most lasting sa lahat ng relasyon ng tao dito sa mundo ang buhay may-asawa. Higit pa ito sa sex, pakikipagkaibigan o business partnership dahil ang Diyos mismo ang nagtalaga nito Sa pamamagitan ng kasal, itinalaga Niya para sa isang lalaki at babae na magmahalan. At kasama dito ang mga love stories na bihira lamang mangyari pero totoong may nangyayari. Mga mag-asawang sobrang layo ang agwat ng mga edad, pero matagumpay na linampasan at nilabanan ang maraming bagay makamit lamang ang pag-ibig dahil sa larangan ng pag-ibig “age doesn’t matter.”
Tunghayan ang kwento ni Julius at Zeny kung saaan kantsaw at batikos ang inabot noong nag-desisyon silang magsama bilang mag-asawa. Sa kabila ng lahat pag-ibig pa rin nangibabaw at kasabay ng pagmamahalang ito ay ang katiyakang kalooban ng Diyos ang desisyong pagpapakasal. Naniwala silang kung kalooban nga ito ng Diyos makakatiyak silang nandoon ang Kanyang pagpapala.
Secrets to having a happy marriage.
Tunay na hindi hadlang ang edad sa larangan ng pag-ibig na lalo na kung sa Dios nag-uugat ang pag-ibig na ito. Muling sariwain ang mga binitawang pangako sa isa’t isa at sana hindi lang sa tuwing valentines natin marinig ito, kundi sa bawat araw.
PAMANA with Pastor Cryz Colorado
Maraming mag-asawa na dahil sa layo ng agwat ng edad ang napag-iisipang mahirap tumagal ang pagsasama dahil baka dumating ang panahon na hindi na sila makapag-adjust pa sa isat-isa. Subalit marami pa rin ang makapagpapatunay na “age doesn’t matter” sa larangan ng pag-ibig. Kung matatandaan ang sumpaang binitiwan sa harap ng altar na mamahalin ang bawat isa sa lahat ng panahon, sa lahat ng kalagayan at sa lahat ng pagkakataon habang sila ay nabubuhay. Makikitang sa halip na ito ay pagmulan ng hindi pagkaka-uunawaan, higit pa itong makakatulong sa pagpapatibay ng kanilang relasyon at ng kanilang pamilya. Ang mas malawak na kaalaman at karanasan ng nakatatanda at ang mas murang kaisipan ng nakababatang asawa ay maaring bumuo ng mas matatag na pundasyon ng pagsasama kung ang dalawa ay may parehong may malalim at malawak na pang-unawa, pagbibigayan at pagmamahalan. Tandaang, nakasaad sa sumpaan binitiwan ang isang pangakong dapat tuparin at pagyamanin ng bawat isa malayo man ang edad ng mag-asawa.
KAYANG-KAYA with Grace Tia (Cash Basis Lifestyle)
PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito (How to Quit Smoking)
Mahalaga ang ating kalusugan kaya dapat na sikapin nating iwasan ang kahit anong elemento na maaring maka-kuntamina at makasira nito tulad ng nicotine.
Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.