
We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family
Ang mga katagang, “malayo man daw ay malapit din” ay isang patunay na na “distance doesn’t matter in love”. At katulad ng agwat edad, pagdating sa pag-ibig ang layo o distansiya ay hindi rin makahahadlang sa dalawang pusong nag-iibigan.
Program Notes or Transcript
Hindi na lingid sa atin ang mga kaso ng infidelity o ang pagkahulog sa tukso maaari ng babae o ng asawang lalaki dahil sa nasa abroad ang isa. Totoo marahil ito para sa karamihan subalit patutunayan ng episode na ito na meron pa ring iilan na naging matagumpay sa kanilang buhay may-asawa sa kabila distance na nagseseparate sa kanila. Ito ang kwento ng pag-ibig ng isang OFW na nasa malayong lugar at malayo sa kanyang maybahay. At sa kabila ng distance na namamagitan sa kanila, napapanatili pa rin nila ang matapat, masaya at matatag nilang pagsasama. Siyempre hindi maikakailang mahirap na karanasan para sa both parties ang malagay sa ganitong sitwasyon. Ilan sa mga challenge ay ang pagkakasakit ng mga anak at wala sa tabi ang inaasahan mong katuwang. Kasabay pa dito ang kahirapang i-relay ang pangyayari kaya madalas nagagawa na lang sabihan ang asawa kung tapos na ito. Pero ang higit na challenging para sa mag-asawa ay ang kalungkutan ng paghihiwalay. Heto ang mga secrets kung paano nila napapanatiling intact, masaya at matatag ang kanilang pagsasama sa kabila ng distance na namamagitan sa kanila.
Isang kwento na naman ng pag-ibig ang nagpatunay na distance doesn’t matter in love. Totoong, possible para sa dalawang pusong magkahiwalay na patuloy na magmahalan at maging tapat sa isat-isa dahil ang Dios ang magbubuklod sa kanila.
PAMANA with Pastor Cryz Colorado (Secrets of a
Happy Marriage)
Dahil sa hangaring mabigyan ng mabuti buhay ang pamilya maraming mga mag-asawa ang napipilitang maghiwalay at nagtitiis na magka-layo. Subalit sa likod ng magandang hangarin na ito ay ang maraming tahanan at pagsasamang nawasak dahil sa ganitong sitwasyon. Ngunit kung ihahambing naman natin ito sa mga mag-asawang nasuklian ng magandang buhay ang kanilang pag-sasakripisyo at napanatiling matatag ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa, hindi natin masasabing distansiya ang nagbunsod upang masira ito. Sa kabila ng mga latest technology tulad ng cellphone, e-mail at chat na mas nagpadali at nagpa-bilis sa ugnayan ng isa’t isa nanatiling ang tunay at higit na magpapatibay sa buhay ng mag-asawa sa kabila ng distansiya ay ang pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin para sa bawat isa at sa bawat sandali. Kapag pareho sila nananalig at tumatawag sa Diyos, mawawala ang mga pag-aalala at takot dahil makakaseguro sila sa Kanyang pag-iingat. Siya ang magbibigkis sa kanila habang patuloy silang pareho nagsisikap para sa mas magandang buhay ng pamilya. At tiyak na kasama ng bawat isa ang paggabay ng Diyos upang sa lahat ng gagawin ay tungo sa ikabubuti sa buhay mag-asawa at sa mga pangarap ng pamilya. Mahalagang naka-sentro ang buhay mag-asawa sa Diyos upang magkalapit man o magkalayo mananatili silang matatag sa bawat sandali.
KAYANG-KAYA with Grace Tia (VINEGAR-Nature’s Magic Cleanser)
PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito (Handwashing)
Tunay na makakatulong ang pag-hugas ng kamay upang maka-iwas tayo sa simpleng mikrobyo. Sa tulong ng kaunting sabon at malinis na tubig marami ka ng maiiwasang sakit tulad ng sipon, ubo at diyarya, na madalas mas pinag-aaksayahan natin ng lakas at pera. Kaya ugaliing maghugas ng kamay upang maseguro ang kalusgan ng ating pamilya. Tandaaang, biyaya galing sa Diyos ang kalusugan na dapat na pangalagaan.
Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.