
We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family
Summer time is fun time for kids. It can also be a worthwhile experience by encouraging your kids to read books and maybe even attend summer sports clinics. Listen as Rated PG shares some tips on how to have a Smart Summer Vacation.
Program Notes or Transcript
INTRO THEME
HOST: Halos isang buwan na po ang nakakaraan simula ng magsibakasyon ang ating mga anak mula sa kanilang mga paaralan, lalo na sa mga batang nasa elementarya at highschool pa lamang. Bore na bore na ba sila sa inyong bahay o patuloy pa rin nilang ini-enjoy at sinasamantala ang bakasyon ngayong summer.
Mga magulang, alam po ba natin na sa pagsapit ng bakasyon, eh napapahinga rin ang mga utak ng ating mga supling, at kung minsan nga eh talagang ito ang panahong halos nawawala at tila naglalaho sa kanilang mga isipan ang mga napag-aralan nila sa kanilang mga eskuwelahan.
Ano po ba ang mga paraang makabuluhan para sa ating mga anak habang sila ay nakabakasyon. Paano po magiging worthwhile ang summer vacation nila at the same time ay hindi lamang puro pagrelax at recreation ang kanilang mararanasan kundi meron din namang natututunan.
Well, hindi pa naman po huli ang lahat, summer is still here at bakasyon pa rin naman ng mga bata, kaya ito po ang gusto nating pag-usapan ngayon sa episode natin ngayon, kasama po ang inyong lingkod, Emily Bolinas, na muling nag-aanyaya sa inyo na samahan kami sa kalahating oras ng kaalaman at inspirasyon dito lamang po sa Rated PG.
SONG 1: Summer Day (Barbie Almalbis)
DISCUSSION Part 1. INTERVIEW WITH GRACE TIA
HOST: Alright, yan po ang opening song na ating napakinggan, hatid pa rin po sa inyo ng Rated PG, ang programang katuwang ng magulang sa pagkakaroon ng masaya at matatag na tahanan. Ito po mula naman sa gawain ng Church of the Nazarene, syempre sa pakikipagtulungan po ng station nating ito.
This time naman po, nais ko kayong i-welcome sa discussion part natin, at gusto ko ring i-welcome naman ang makakasama ko sa pagtatalakay ngayon dito. Hindi na po iba sa inyo especially kung kayo po ay madalas makinig ng aming programa dahil every episode po ay naririnig nyo rin dito sa Rated PG ang segment nyang nagbibigay sa atin ng mga praktikal na kaalaman, wala pong iba kundii ang Kayang-kaya, kasama po natin ngayon ang boses nitong segment na ito, please welcome Ms. Grace Tia. Hi Grace, kumusta at magandang araw sa yo.
RESPONSE
Ayan, medyo mas mahaba-habang usapan ito ngayon compared sa regular segment mong Kayang-kaya dahil pag-uusapan natin ang ilan pa rin naman sa mga sabihin na nating practical tips din ano, tungkol sa summer vacation. Kumusta ang summer vacation ni Erin.
RESPONSE
Alam mo, itong summer vacation nga yata ang isa sa pinakahihintay ng mga bata diba? Pero hindi lahat ng parents ay naghahanda dito in terms of activities na pwede nating i-offer sa ating mga anak. Tama ba?
RESPONSE
At meron pa rin namang ibang mga magulang na mas preferred nila na may pasok ang mga anak nila kaysa sa bakasyon….
RESPONSE
Pero syempre, generally, mas maraming parents din naman ang nagsasabing, ang bakasyon ng kanilang mga anak ay pahinga na rin nila sa maraming aspeto, diba?
RESPONSE
At kapag ganitong mga panahon na bakasyon ang ating mga anak, dapat pala, handa rin tayong mga parents at masigurado natin silang busy dahil tiyak mabo-bore sila kundi natin pag-iisipan yung mga possible nilang pagkaabalahan.
RESPONSE
Now, ano ba sa palagay mo Grace, yung mga bagay na dapat i-consider ng parents during summer vacation ng mga bata?
RESPONSE (siguro dalawang bagay lang…
n Masiguradong active & fit ang mga bata
n Masiguradong meron silang worthwhile na matututunan mula sa kanilang mga ginagawa
Ayon nga naman, yan ang dalawang bagay na dapat nating sinusigurado every summer vacation ng ating mga anak.
Siguro Grace, later on, magandang mabigyan natin ang mga kapwa natin parents ng ilang mga praktikal ideas kung paano nila gagawin ito.
Mga kaibigan, dyan lamang po kayo, babalik po kami ni Grace mamaya dito pa rin sa continuation ng ating discussion matapos lamang po nating mapakinggan ang ilang mga reminders.
PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito
DISCUSSION Part 2 : Interview with Grace Tia
HOST: Okay, yan po at napakinggan natin ang isa pa rin mahalagang aspeto ng ating pamilya syempre pa ang kalusugan. Salamat sa kasama nating si Dra. Lyn sa mga health tips na yan.
Now, back here naman po, kasama pa rin natin si Ms. Grace Tia, sa very relevant nating topic ngayon about smart summer vacation tips.
Grace, sige nga, paano na nga ba natin magagawa yung binanggit natin kaninang dalawang bagay diba, na masiguradong active at fit ang ating mga anak at yung maging worthwhile ang kanilang bakasyon this summer.
RESPONSE (Enumerating some suggestions)
n eliminate television
n encourage playing outdoors
n encourage indoor activities
n continuous learning from books and educational resources
Okay, ayan po, actually very simple and practical tips po ito na pwede nating subukan while summer is still here. Sigurado magiging memorable sa ating mga anak ang bakasyon nila kung mas mapaghahandaan natin ang panahong ito taon-taon.
Well, thank you so much Grace for extending some more of your time para ma-discuss natin ito ng mahaba-haba para sa ating mga listeners.
RESPONSE
Mga kaibigan, dyan lamang po kayo, hindi pa po tapos ang ating program, meron pa kaming ilang mga segments na ihahatid ngayon, kaya antabayanan nyo po yan dito pa rin sa pagpapatuloy ng Rated PG.
PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito
PAMANA with Pastor Cryz
SONG 2: Kailanman (Emmanuel Singers)
HOST : . Ayan po mga parents, may ilang linggo pang natitira bago matapos ang summer vacation ng ating mga anak, sana mas ma-maximize pa natin ito upang mas maging makabuluhan sa kanila ang kanilang bakasyon, at syempre pa, para maiwasan din nating ma-bore ang ating mga anak dahil wala silang pinagkakaabalahan.
Huwag po nating kalilimutan, kahit bakasyon sila mula sa eskwela, marami silang pwedeng matutunan sa mga activities na maari nating i-offer sa kanila.
Salamat po sa muli nyong pagsama sa amin sa episode namin ngayon, next time po uli sana ay makapiling namin kayo. Ito po ang inyong lingkod, Emily Bolinas, dito pa rin sa Rated PG. Have fun this summer. God bless you.
EXTRO
Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.