Tour WMC-AP

Rated PG

Rated PG logo

We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family

Airing on: Cabanatuan City, Zambales and Cagayan de Oro City

Supporting An Ill Spouse

- for Friday, Sep 28, 2007
comments
RSS feed
join the forum
listen to this podcast

Overview

Kasama sa panata sa kasal ang katagang “In sickness or in health”. At saan pa ba ito masusubukan kundi sa panahong ang kabiyak natin ang maratay sa karamdaman. Hindi man natin nais maranasan ito, mas makakabuti pa ring mapag-handaan ito.

subscribe now

 

Program Notes or Transcript

Tunay na mahirap magkaroon ng maysakit sa pamilya at higit pa itong challenging kung ang kabiyak na siyang katuwang natin ang mismong maratay sa banig ng karamdaman at sa mahabang panahon. Hindi sa nais nating maranasan ito ngunit paano nga ba tayo magiging handa sa ganitong mga pagkakataon dahil ang totoo hindi madali ang mapasok sa ganitong sitwasyon ngunit isa itong katotohanang hindi madaling iwasan.

7 WAYS to CARE for you Ill Spouse from Daniel Michael Darling:

  • Ipakita na you care at mahal mo siya (be strong and show your partner you’re support)
  • Avoid blaming and compounding the problem
  • Be an advocate (know the medicinal dosages, fill out insurances, initiate and explore)
  • Be selfless..it is an opportunity to be a servant to your partner (driving, shopping etc)
  • Help keep perspectives…
  • Stay connected (support system)..prayer, eating
  • Constantly affirm your love

Maibigay sana natin ang pagmamahal sa pamamagitan ng paglilingkod ng buong-buo sa ating asawa. Tiyaking mapanatili ang sumpaang “for better or for worse, in sickness or in health” ay magkatuwang pa rin. Sa panahing ito higit nilang kailangan ang suporta, pang-unawa, at higit sa lahat ang ating pagmamahal. Maging tunay sana tayong better half ng ating asawa maging sa panahon ng karamdaman. Gawin natin ang Diyos ang maging kalakasan natin dahil hindi natin magagawa ito kung wala Siya sa buhay natin.

PAMANA with Pastor Cryz Colorado

Takot, panghihinayang at ang katanungang “bakit kailangang mangyari ito sa kanya?” ang bumabalot sa puso ng kabiyak na kailangan mangalaga sa asawang may sakit. Ngunit sa mga pagkakataong ito higit napapatunayan ang sumpaan binitiwan sa harap ng dambana nung araw ng kasal na “for better or for worse, for richer or for poorer, I sickness and in health, to love and to cherish till death do us part” ay magkatuwang sila. Maaring hindi ka doctor subalit ang iyong walang kapagurang pag-aaruga, pag-ako ng responsabilidad sa pamilya ng may kasiyahan at walang bahid ng reklamo, katatagan upang siya rin ay maging matibay at ang walang humpay mo na panalangin ay higit na mas mabisang gamot at mas magaling na doctor para sa kanya.

KAYANG-KAYA with Grace Tia (TIME MANAGEMENT HABITS)

  • Matuto tayong mag-ayos ng ating pinag-tulugan
  • Maging habit natin ang 2 minute pick up
  • Matutong maglinis sa ating pinag-galawan (pinggan, papel etc)
  • Matutong magtabi ng bagay matapos gamitin
  • Be on time
  • Isulat ang mga schedule para hindi ito makalimutan
  • Congratulate yourself sa natapos na gawain.
  • Harapin ang bawat araw ng may ngiti at positive attitude.

PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito (WEIGHT TIPS)

Kasama sa pangangala ng ating kalusugan ay ang pagiging careful sa pagbigat n gating timbang. At makakatulong ang Body Mass Index (BMI) na naka-base sa height at weight natin dahil mas kapitin sa sakit (blood pressure, heart disease at joint and back pains) kung sobra na sa timbang na maaring magbigay sa atin ng pagkakaroon ng poor self-image.

  • monitor BMI
  • Kumain ng kaunti kahit madalas kaysa sa marami at minsanan.
  • Magkaroon ng goal sa pagbawas timbang (balance food intake at exercise)

Kung inaalagaan natin ang ating mga kalusugan, ginagawa din natin ito para sa ating mga anak at mas magiging effective tayo bilang mga magulang para sa kanila.

Comments

Add Your Comments




Passcode
Would you like to receive email notices when comments are added for this episode?
Yes    No
join the forum
email the host

Meet The Host

Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.

Emily

Program Archive

April 2008
March 2008
February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
rss feed badge - get our rss feed now del.icio.us bookmark badge - add this page to del.icio.us digg.com badge - add this page to digg.com
valid xhtml badge - validate nowvalid css badge - validate nowvalid wai-aa badgevalid xml rss feed badge - validate now