Tour WMC-AP

Rated PG

Rated PG logo

We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family

Airing on: Cabanatuan City, Zambales and Cagayan de Oro City

Take Charge Of Your Children's Education

- for Saturday, Jul 10, 2010
comments
RSS feed
join the forum
listen to this podcast

Overview

Parents need to take charge of their kid's education. Rated PG shares some helpful tips on how to do this.

subscribe now

 

Program Notes or Transcript

INTRO THEME

HOST:   Isang kataga ang nagsasabi, maunawaan man daw po natin ito o hindi, tayo pa ring mga parents ang best teachers o pinakamahusay na mga guro ng ating mga anak. Wow, ang bigat hindi po ba? Well, kung paano man po natin ito titingnan o paniniwalaan, sa positibo o negatibong aspeto, ito pa rin po ang totoo.  At ibig sabihin lamang po nito ay hindi natin dapat ipagsawalang bahala ang edukasyon ng ating mga anak, dapat mas tayo pa rin ang namamahala dito at hindi lamang ang school o mga paaralan na kanilang kinabibilangan. At para lubos po nating maunawaan ang lahat ng ito, inaanyayahan ko po kayong muli na samahan kami sa isa na namang episode ng ating program ngayon, kasama pa rin po ang inyong lingkod, Emily Bolinas at ng kumpleto nating mga kaibigang bumubuo ng palatuntunang ito, syempre pa para dalhing muli sa inyo ang kapakipakinabang na episode ngayon ng Rated PG.

            Narito po at umpisahan na natin, pakinggan po natin ang ating opening song na magbibigay sa atin ng inspirasyon.

SONG 1: Hiding Place (Steven Curtis Chapman)

DISCUSSION Part 1. Interview with Ms. Mera Galapir

HOST:

Alright, this time naman po, gusto namin kayong i-welcome ngayon sa bahaging ito ng ating program, ang discussion natin about taking charge of your children’s education.  Makakasama natin muli para makausap at makapanayam, ang hindi na rin po iba sa inyo, walang iba kundi si Ms. Mera Galapir, na isang mommy rin at the same time, guidance counselor sa isang Montessori school.  Hi ate Me, magandang araw sa yo?

RESPONSE

Ate Me, fresh pa rin ang school issues lalo na ngayon ilang linggo pa lang ang nakakaraan since mag-start ang klase ng mga bata ano, kaya ito rin yung sinasamantala nating mga panahon para pag-usapan pa rin ang tungkol sa edukasyon ng ating mga anak.  At this time, minsan pa nating bibigyan ng ilang mga paalala ang mga kapwa nating parents tungkol pa rin sa mga responsibilities nila dito.  Dahil diba, lagi nga nating sinasabi, parents, or tayo ang first teachers ng ating mga anak.

REACTS

Kaya ang gusto nating i-point out ngayon at lagi nating binibigyang diin, is our great responsibility of taking charge sa pag-aaral ng ating mga anak.  Kaya lang, nakakalungkot, kasi marami pa rin sa atin ay hindi pa rin ito lubos na nauunawaan, diba at meron pa tayong kanya-kanyang mga dahilan or katwiran sa isyung ito. Siguro ito yung magandang pag-usapan natin ngayon. Una na sa lahat, sinasabi ng maraming parents, “teachers naman daw ang mga experts” at hindi sila, ano po ang masasabi nyo dito.

RESPONSE  ( but teachers are the experts)

Siguro ate Me, ang isa pang dahilan ng iba is this, “eh hindi naman kami equipped at hindi rin naman kami ganong nakapag-aral or nakatapos ng pag-aaral”

RESPONSE ( I’m not equipped or educated enough)

Naku, mga parents, isa po ba tayo sa mga ganito ang sinasabi, na nagiging dahilan natin kung bakit hindi natin lubos na nauunawaan ang responsibilidad natin tungkol sa edukasyon ng ating mga anak?

Mamaya po, may ilan pa tayong mga dahilan na baka ito naman ang karaniwan nating reason, tutunghayan po natin yan, matapos nating mapakinggan ang ilang mga paalaalang praktikal mula pa rin sa kumare kong si Grace, narito po ang kayang-kaya.

KAYANG- KAYA with Grace Tia

DISCUSSION Part 2 : Interview with Ms. Mera Galapir

HOST:

Okay, nasa continuation po tayo ng pinag-uusapan natin kanina, at iniisa-isa natin yung mga karaniwang dahilan ng mga parents, ng ilang mga magulang pa dyan na hindi pa lubusang nauunawaan na yung edukasyon ng kanilang mga anak ay nasa kanila pa ring balikat at hindi lang ng kanilang mga school. Tama ba ate Me.  Isa pa sa mga dahilan natin, ay ito po, “eh hindi ko naman alam kung anong dapat kong ituro ko sa aking anak eh”

REPSONSE   ( I don’t know what I should teach)

Ayon, so hindi pala natin dapat nagiging reason ito. How about this ate Me” Nasa magandang school naman na sila, hindi pa ba sapat yon?”

REPSONSE  ( I send them to a good school, isn’t that enough)

Ito ate Me, isa pang nakikita natin o talagang madalas mapapansin natin, ay yung hindi pagiging involved ng maraming parents sa school ng kanilang anak, syempre dahilan nila, eh walang time, nagtatrabaho, kaya kahit yung mga special meetings na kailangan sila sa school ay hindi sila nakaka-attend.

RESPONSE  ( so busy and no time to attend to school meetings)

Pero, gusto rin naman nating i-appreciate yung mga parents na nag-start ng ma-involve sa school ng kanilang mga anak, sa ibat-ibang paraan diba. Isa na nga dyan ay yung pag-take ng position sa mga PTA, or PTF or Parents Association sa school ng kanilang mga anak.  Malaki po ang pwede nyong magawa kung saan naman, ang anak natin ang isa sa mga benefiaciary nito diba.

Mga kaibigan, sana masubukan din po natin itong gawin, na instead magkaroon pa tayo ng napakaraming dahilan not to take charge of our kid’s education, eh simulan natin kahit sa mga simpleng bagay na pwede nating gawin.

Again,  thanks so much Ms. Mera Galapir, ate Me, thanks uli at sa uulitin.

RESPONSE

Okay, tuloy-tuloy po ang mga kaalaman at inspirasyong handog namin sa inyo, narito po at pakinggan pa natin ang ilang sa ating mga segments.

PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito

PAMANA with Pastor Cryz Colorado

Take Charge of Your Children’s Education

SONG 2: Trust Me (Crystal Lewis)

HOST :  Once again, at gusto ko pong muling bigyang diin ito, parents can be the best teachers sa kanilang mga anak, kung kaya nga generally speaking, hindi po sa mga teachers nila sa school, kundi sa ating mga magulang, nakasalalay pa rin ang kanilang edukasyon. Pero syempre pa, ang mga school nila ay kapartner natin para ma-achieve natin ang gusto nating ma-achieve sa edukasyon ng ating mga anak.

            At minsan pa, salamat po sa inyong walang sawang pakikinig at pagsama sa amin, sa bawat linggo. Asahan nyo po, sa susunod, mga bagong kaalaman na naman po at mga inspirasyon ang patuloy naming ihahatid sa inyo, kasama pa rin ang inyong lingkod, Emily Bolinas ang inyong host, dito pa rin sa programang katuwang ng magulang sa pagkakaroon ng masaya at matatag na tahanan, ang Rated PG.  See you next time. God bless you.

EXTRO

 

Comments

join the forum
email the host

Meet The Host

Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.

Emily

Program Archive

October 2011
September 2011
August 2011
July 2011
June 2011
May 2011
April 2011
March 2011
February 2011
January 2011
December 2010
November 2010
October 2010
September 2010
August 2010
July 2010
June 2010
May 2010
April 2010
February 2010
May 2008
April 2008
March 2008
February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
rss feed badge - get our rss feed now del.icio.us bookmark badge - add this page to del.icio.us digg.com badge - add this page to digg.com
valid xhtml badge - validate nowvalid css badge - validate nowvalid wai-aa badgevalid xml rss feed badge - validate now