Tour WMC-AP

Rated PG

Rated PG logo

We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family

Airing on: Cabanatuan City, Zambales and Cagayan de Oro City

Teaching Kids About Giving

- for Friday, Feb 9, 2007
comments
RSS feed
join the forum
listen to this podcast

Overview

Sa tahanan dapat unang matutunan ng ating mga anak ang pagiging mapagbigay. Ito ay value na nagmula sa Diyos dahil siya ang unang nagbigay. Kaya ituro natin ito sa ating mga anak sa pamamagitan ng ating salita at magandang halimbawa.

subscribe now

 

Program Notes or Transcript

INTRO SPOT

HOST

Alam ng marami ang kasabihang “It is more blessed to give, than to receive” na hango pa sa mga salita ng Dios. Mga magulang, naituturo ba natin ito sa ating mga anak? Natural tendency ng isang tao ang maging maramot kaya mahalagang maturuan natin silang maging mapagbigay.   Ang pagiging mapagbigay ay isang value na dapat unang matutunan ng ating mga anak sa ating mga tahanan.

MUSIC 1:   LAHAT AY AKING IBIBIGAY (Bong Aquino)

Isa sa mga dapat na naituturo natin sa ating mga anak ay ang pagiging mapagbigay.

DISCUSSION (with Mr. Stephen Bong Gualberto)

Nature ng tao na isipin palagi ang kapakanan ng sarili kaya naman hindi madali para sa atin ang maging mapagbigay. Natututunan ang ugaling ito lalo na sa mga taong may pagkakilala sa Dios at mayroong pag-ibig sa kapwa. Pera ang kadalasang naiisip natin ngunit isa lamang ang pera sa maraming bagay na pwede nating maibigay. Bahagi ng ating pagbibigay ay ang oras, pagpapayo at anuman na meron tayo.

Bilang mga magulang, tayo ang unang guro ng ating mga anak. Ang mga values at lahat na ating pinapahalagahan sa ating tahanan ay una nilang natutunan sa atin. Naitatanim ang mga ito sa kanilang puso at nagsisilbing lifestyle din nila sa kanilang paglaki

PAMANA with Pastor Cryz Colorado (Teaching kids About Giving)

Mahalagang sa murang edad pa lamang ng ating mg anak ay matutunan na nila ang itinuturo ng Bibliya. Ayon kay Hesus, “Higit na mapalad ang nagbibigay kaysa sa tumatanggap. Ang sikreto sa mapagpalang buhay ay nasa pagbibigay. Pangako ng Diyos na kanya tayong higit na pagpapalain kung tayo ay tapat sa pagbibigay,. Mga magulang, turuan natin ang ating mga anak na magbigay at maging mapagpasalamat sa Diyos at sa kapwa. Dahil kung madali silang magpasalamat madali silang maging mapagbigay. Higit sa lahat turuan natin silang magbigay sa pamamagitan ng ating halimbawa.

HOST

Ito ang Rated PG, programang hatid mula sa Church of the Nazarene.

DISCUSSION (with Mr. Stephen Bong Gualberto)

PRACTICAL TIPS by teaching them by example.

  • Sa church: Give your tithes
  • Neighborhood: Share food
  • Magpakita ng disapproval sa selfishness
  • Learn to praise your Kids lalo na kung sila ay nagbigay.
  • Turuan natin silang mag-share para ma-practice nila ang sharing at giving
  • Sumali sa mga community work at service (paglilinis ng buong barangay)

MUSIC 2:  PANALANGIN SA PAGIGING BUKAS PALAD (92AD)

KAYANG-KAYA with Grace Tia (Household Cleaning)

Maintenance sa bahay sa pinaka-mainam at matipid na paraan. Heto ang mga TIPS at sistema na madaling sundin at isagawa:

  • Huwag maglaan ng sobrang panahon sa mga routine na ginagawa sa bahay (pagwawalis, pagdidilig ng halaman)
  • Magkarron ng sistema sa paglilinis.
    • Sistema ng paglalaan ng oras sa paglilinis
    • Sistema sa paglilinis ayon sa silid
    • Sistema sa paglilinis ayon sa trabaho
    • General Cleaning o paglilinis ng buong bahay.

Mainam na magkaroon ng sistema sa paglilinis ng bahay upang magkaroon ng panahon para sa ibang bagay tulad ng pagbibigay panahon para sa ating pamilya at pag-aalaga sa sarili. Tandaan, may iba pang mas mahalagang bagay na kailangang bigyan ng pansin para sa kaayusan ng buong pamilya.

PAYO NI DOC with Dentist Leah Cruz (Keeping Your Kid’s Teeth Healthy)

Nagsisimula ang pangangalaga ng ngipin sa panahon na lumabas ito. Lumalabas ang ngipin as early as 2 months hanggang 1 year old. May abnormality kung sa panahon na ipinanganak ang baby ay may ngipin na. Dapat tanggalin ang ngipin dahil baka maka-irritate sa bata at mommy sa tuwing magbe-breastfeed. Alagaan ang ngipin sa pamamagitan ng palagiang pag-toothbrush sa inyong mga anak.

SPOT / JINGLE

HOST

Turuan nating maging mapag-bigay ang ating mga anak at makikita ito sa ating mga halimbawa. Tandaan, it is more blessed to give than to receive. Welcome po ang inyong mga suggestions or mga tanong. Makipag-ugnayan lang po kayo sa amin. 

EXTRO TAG

Comments

Add Your Comments




Passcode
Would you like to receive email notices when comments are added for this episode?
Yes    No
join the forum
email the host

Meet The Host

Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.

Emily

Program Archive

April 2008
March 2008
February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
rss feed badge - get our rss feed now del.icio.us bookmark badge - add this page to del.icio.us digg.com badge - add this page to digg.com
valid xhtml badge - validate nowvalid css badge - validate nowvalid wai-aa badgevalid xml rss feed badge - validate now