Yes! We're Hiring. Check out our current job openings.

Tour WMC-AP

Rated PG

Rated PG logo

We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family

Airing on: Cabanatuan City, Zambales and Cagayan de Oro City

Teaching Kids About Sexual Purity I

- for Friday, Mar 9, 2007
comments
RSS feed
join the forum
listen to this podcast

Overview

Dahil sa paghina sa pagtuturo ng kalinisan at kabanalan sa simbahan at tahanan, ginagamit sa maling paraan ng maraming kabataan ngayon ang SEX. Mga magulang, tayo ang dapat humubog sa standard of morality and purity ng ating mga anak. Kung hindi tayo, SIN

subscribe now

 

Program Notes or Transcript

INTRO SPOT

HOST

Iilan na lang sa mga magulang ng tahanan ang totoong nagtuturo ng mabuting sex education sa kanilang mga anak. Marami pa ring mga magulang ang mas pinipiling tumahimik tungkol sa isyung ito at kaya nga naman kung saan-saan nila ito natutunan at madalas sa hindi tamang paraan. Tuloy, maraming kabataan ang nasasangkot sa ibat-ibang sexual immorality na kinahaharap natin ngayon.

MUSIC 1:      HUWAG NA HUWAG (Emmanuel Singers)

HOST

Ito po ang Rated PG mula sa gawain ng Church of the Nazarene.

DISCUSSION (with Mr. Raffy Santos),                                                   

Bihirang pag-usapan ang “sexualidad” sa pagitan ng magulang at anak sa loob ng tahanan, kaya lalong tumitindi ang presensya ng violence at sex sa ating lipunan. Makikita ang mga ito lalo na ang SEX sa TV, Movie, magazine, CD, DVD na parang isang epidemic na dapat lamang na ma-alarma tayo. Huwag natin hayaang ang kapaligiran ang mag-educate sa ating mga anak sa bagay na ito. I-recognize natin na may problema at alamin ang role natin sa sex education ng ating mga anak. Tandaang ang SEX ay isang mabuting bagay ito na ginawa ito ng Diyos at dapat ituro ng tama.

PAMANA with Pastor Cryz Colorado (Teaching Kids About Purity-Part 1)

Sa paglabas ng ating mga anak sa ating mga tahanan ay mas exposed sila sa napakaraming bagay na nagpaparumi sa kanilang isipan at buhay. Sana hindi dumating ang araw kung saan huli na ang lahat. Kaya, if we like to save our children from this evil buo-in at pagtibayin natin ang kanilang panuntunan sa buhay sa ating mga tahanan:

  • Turuan natin silang mamuhay sa kalinisan at kabanalan.
  • Alisin natin ang mga bagay na maaring magbigay basura sa isipan ng ating mga anak (panoorin at babasahin ng hindi angkop)
  • Kung tanggap sa lipunan ang kasalanan, ipaliwanag sa kanila ang sinasabi ng Diyos tungkol sa kasalanan at ang bunga nito (standard of morality and purity)

DISCUSSION (with Mr. Raffy Santos)

PRACTICAL WAYS on teaching SEXUAL PURITY sa ating mga anak: 

  • Turuan sila ng walang malisya at magsimula ng maaga.
  • Huwag masyadong seryoso, dapat napag-uusapan, sensible at may katuturan
  • TIMING: Maging sensitibo depende sa kanilang need at development
  • Acknowledge na sexual beings sila at normal ang magkaroon ng sensation.
  • Gamitin ang proper names sa pagtuturo (penis..etc)

SPOT JINGLE

KAYANG-KAYA with Grace Tia

Mga IDEAS at STRATEGIES kung paano kikita ng extra at makapag-titipid:

  • Maging open sa mga opportunities kung paano makapagtitipid o kikita ng extra mula sa mga bagay na di karaniwan sa mga tao.
  • Matutong tumawad
  • Maghanap ng mga alternatibong paraan sa paggawa ng bagay para makapagtipid.
  • Gamitin ang SKILL para kumita ng extra (pagluluto, pananahi, pagkukumpuni)
  • Isali ang buong pamilya sa pagpaplano.

PAYO NI DOC with Dentist Leah Cruz (Keeping Your Kid’s Teeth Healthy 5)

Nagsisimula ang pangangalaga ng ngipin sa simula pa lang. Tandaang, ”Prevention is better than cure”. Kaya pangalagaan natin ang ating ngipin at katawan ng maaga. Heto ang ilang paraan para mapangalagaan ang ngipin:

  • Brushing: “Every time you eat you brush”
  • Flossing: Lalo during bed time
  • Visiting the dentist para sa pag-tanggal ng tartar
  • Healthy diet: Magandang source of nutrients ang fruits sa pagpapatibay ng ngipin.

MUSIC 2: 

HOST

Sa tahanan dapat magmula ang Sex Education ng ating mga anak. Responsabilidad nating mga magulang ang magpalaki ng mga sexually pure kids. Hindi pa huli ang lahat at meron pa tayong tayong magagawa para mabawasan ang problemang hinaharap ng panahon natin ngayon tungkol sa maling paggamit ng sex. Ituro natin sa kanila ng tama ang napaka-gandang bagay na ginawa ng Dios sa tamang panahon.  So, let us make a difference sa pamamagitan ng pagturo sa ating mga anak na manatiling malinis sa kanilang mga sexualidad. 

EXTRO  

Comments

Add Your Comments




Would you like to receive email notices when comments are added for this episode?
Yes    No
join the forum
email the host

Meet The Host

Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.

Emily

Program Archive

February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
rss feed badge - get our rss feed now del.icio.us bookmark badge - add this page to del.icio.us digg.com badge - add this page to digg.com
valid xhtml badge - validate nowvalid css badge - validate nowvalid wai-aa badgevalid xml rss feed badge - validate now