Tour WMC-AP

Rated PG

Rated PG logo

We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family

Airing on: Cabanatuan City, Zambales and Cagayan de Oro City

Teaching Kids Moral Values

- for Saturday, Apr 10, 2010
comments
RSS feed
join the forum
listen to this podcast

Overview

What are the effective ways of teaching our Kids moral values? Listen to what Kids say when asked, "what moral values did their parents teach them?"

subscribe now

 

Program Notes or Transcript

INTRO THEME SPOT

HOST:  Habang lumilipas ang bawat panahon at bawat henerasyon, ay tila naman daw lalong bumababa ang moralidad at ang magagandang pag-uugali ng mga tao.  Gaano nga ba ito katotoo? Ibig sabihin ba nito, ay hindi na naipapasa at naipapamana ang mga sinaunang kaugalian na kinagigiliwan, ang mabubuting asal na dapat natututunan ng mga nakababata.  Meron po bang kinalaman ang mga magulang dito? Or talaga nalang dala ng panahon ika nga, kung kaya sa tuwi-tuwina ay nagbabago ang mga pag-uugali ng mga tao partikular na ang mga Pinoy sa paglipas ng panahon.

            Well, totoo pong isyu natin ito mga parents, kaya maganda rin namang sama-sama tayong mapaalalahanan ngayon na kasama sa ating responsibilidad na mga magulang ang patuloy na paghubog at pagtuturo sa ating mga anak ng magagandang kaugalian, moralidad at mabubuting asal.  Ito po ang temang ating tatalakayin sa kabuuan ng ating programa ngayon, kaya simulan na po natin, muli ko kayong inaanyayahang makinig, kasama pa rin po ang inyong kaibigang host, Emily Bolinas, syempre pa dito lamang sa Rated PG.

SONG 1: Batang Bata Ka Pa (Janno and A. Gibbs)

DISCUSSION Part 1

HOST:   Welcome po sa ating program, Rated PG pa rin po ang inyong napapakinggan ngayon, ang palatuntunang sadyang ginawa ng Church of the Nazarene upang maging katuwang ng maraming magulang sa mga isyung ating kinahaharap sa araw-araw, at hindi lang yan, syempre pa, layunin din ng ating program na ma-kapartner ng bawat parent sa pagkakaroon ng masaya at matatag na tahanan. At gusto nating pasalamatan ang station nating ito, dahil kung hindi naman po dahil sa kanila, eh hindi natin maisasahimpapawid ang Rated PG. Kaya thank you sa ating mga kasama dito sa station.

            Well, isang bagong episode ang gusto nating ihandog sa inyo ngayon dahil pag-uusapan natin ang tungkol sa mga magulang bilang tagapagturo ng magagandang moral o pag-uugali sa mga bata.

            At dahil dyan, marami tayong bisita ngayon, marami tayong boses ng maririnig sa bahaging ito n gating talakayan dahil ako po mismo ay nag-conduct ng interview sa mga bata. Nagpunta po ako sa isang kids camp na ginaganap malapit dito sa ating studio at sinamantala kong tanungin ang mga bata rito na nasa ibat-ibang edad, kung ano nga ba ang mga mabubuting pag-uugali o moral values ang naituro sa kanila ng kanilang mga magulang. 

            So, ready na ba kayo, heto po at pakinggan natin ang sinabi nila sa akin…..

INTERVIEWS:   VOICE CLIPS

n     Anong moral value ang napakahalaga sa iyo at totoong ipinamumuhay mo?

n     Sino ang nagturo sa iyo nito?

n     Ano ang isang magandang pag-uugali ang matatandaan mong itunuro sa iyo ng iyong mga magulang. 

O diba nakakatuwa po yung mga narinig nating yan mula sa mga batang ang edad ay anim hanggang 12 years old.  Siguro po mamaya tingnan naman natin yung implications ng interview nating ito sa kanila, okay, kaya antabayanan nyo po yan, maya-maya lamang sa pagbabalik natin, meanwhile, pakinggan naman natin ang pangkalusugang bahagi ng Rated PG, narito po si Dra. Lyn para sa Payo ni Doc. 

PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito

 

DISCUSSION Part 2

HOST:   Well, balik po tayo dito sa ating mahalaga at magandang pinag-uusapan dito about parents, teaching morals and values sa kanilang mga anak. Kanina po ay narinig natin ang interviews natin sa ilang mga bata na nasa isang kids camp, na siguro ang mga edad nila ay nasa anim hanggang 12 years old, so talagang halos puro bata. And if I’m not mistaken, isa lang yata don ang medyo mas nakatatanda na nakausap ko, yung isa sa mga counselors nila. 

            At na-observed ko rito ang isang bagay, mas madaling tanungin ang mga bata kaysa sa mga kabataan. Sabi nga nung isang kabataan kong nainterview, parang ang hirap naman daw nung tanong, dahil bigla talaga syang napa-isip.  Unlike sa mga bata, immediately nakakasagot sila sa akin. Isang positive implication po nito ay marami pa rin namang mga magulang ang mas tumututok sa mga bata sa pagtuturo ng mga mabubuting asal sa kanilang mga anak, which only means na habang bata pa sila, maraming parents ang naniniwalang ang pagtuturo sa mga bata ay dapat sinisimulan sa kanilang murang edad.  Syempre, hirap na ring tandaan ng mga mas nakatatanda itong mga moral values na na-impart sa kanila ng kanila mga parents nung bata pa sila kaya naman siguro hindi sila agad makasagot sa itinanong ko sa kanila. Pero hindi naman po nangangahulugan na hindi sila tinuruan noon. 

            Meron pang nagsabi don na kay teacher nya raw ito natutunan. Wow, plus points yan sa ating teachers sa ating school, dahil ika nga second parents sila ng mga bata diba.  So bukod po sa mismong mga parents, ang teachers din naman ay pinagmumulan ng pagtuturo ng magagandang asal sa mga bata.

            Pero bakit nga ba, sa kabila ng pagtuturo ng mga magulang sa kanilang mga anak ng moral values or mabubuting pag-uugali, ay tila ba lalo pa ring bumababa ang moralidad ng mga bagong henerasyon? Ito po ang sinubukan naming itanong sa ilang mga parents naman na ating nakapanayam. 

INTERVIE W VOICE CLIPS:

n     Bakit kaya sa kabila ng pagtuturo natin sa ating mga anak ng mabuting asal, ay nagiging mas mababa pa rin ang morality ng mga bagong henerasyon ng mga bata?

Well siguro may mga nag-aagree sa inyo sa mga sinabi at binanggit sa atin ng ilang parents nating nakapanayam.

And this is just one way na palalahanan minsan pa ang mga kapwa ko parents na mas maging intentional sa pagtuturo ng mga moral values sa ating mga anak.  Siguro may ilang mga considerations lang akong gustong kong i-share sa iyo…..

n     consistency and follow through builds trust

n     provide choices and promote responsibility

n     Setting Limits

n     Focus on Quality not on quantity

Well, yan lamang po ay ilan sa mga paraan and suggestions sa pagtuturo sa ating mga anak ng moral values. 

I hope meron tayong mga natutunan dito. Well, this time naman po, ilan pang mga kaalamang praktikal ang ibabahagi namin sa inyo, dito naman sa segment nating kayang-kaya kaya pakinggan na natin ang kumare kong si Grace.

KAYANG-KAYA with Grace Tia 

SPOT

PAMANA with Pastor Cryz Colorado

Teaching Morals & Values   

SONG 2: Anak (Gary V.)

HOST:  Mga kaibigan, nananatili pa rin pong nasa kamay nating mga parents ang higit na pagtuturo ng magagandang asal sa ating mga anak or yung moral values nating tinatawag. Medyo mas humuhirap nga lang po itong gawin sa kasalukuyang panahon dahil mas malaki na ang impluensyang pwedeng umagaw sa attention ng ating mga anak mula sa ating kapaligiran.

            Sana nagsilibing paalala po ito sas atin at mas lalo nating pagsumikapan na turuan pa ang ating mga anak. 

            Salamat po sa inyong pakikinig, magkikita-kita po tayong muli sa susunod, sa ganito paring araw, oras at hmpilan. Kasama pa rin ang inyong lingkod, Emily Bolinas, dito lamang sa Rated PG.

EXTRO

 

Comments

join the forum
email the host

Meet The Host

Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.

Emily

Program Archive

October 2011
September 2011
August 2011
July 2011
June 2011
May 2011
April 2011
March 2011
February 2011
January 2011
December 2010
November 2010
October 2010
September 2010
August 2010
July 2010
June 2010
May 2010
April 2010
February 2010
May 2008
April 2008
March 2008
February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
rss feed badge - get our rss feed now del.icio.us bookmark badge - add this page to del.icio.us digg.com badge - add this page to digg.com
valid xhtml badge - validate nowvalid css badge - validate nowvalid wai-aa badgevalid xml rss feed badge - validate now