
We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family
Malinaw na kautusan ng Diyos na tayo ay maging mapagpasalamat. Ituro natin sa ating mga anak ang attitude of gratitude upang bilang pamilya ay maging kalugod-lugod tayong tumanggap ng biyaya mula sa tagapagbigay ng lahat ng ito, ang Diyos.
Program Notes or Transcript
Kahanga-hanga ang Estados Unidos sa pagkakaroon nila ng THANKSGIVING DAY na ipinagdiriwang tuwing fourth Thursday ng November. Subalit ang pagpapasalamat ay hindi lamang gawain ng mga amerikano. Lahat ng kultura meron nito. Ito ay isang pagpapatunay ng attitude of gratitude ng mga taong may pusong mapagpasalamat. Tayo kayang mga Pinoy nagiging ugali ba natin ang maging mapagpasalamat? Pinahahalagahan pa ba ito sa ating mga tahanan lalo na ng ating mga anak? Sana maituro natin sa ating mga anak ang pagkakaroon ng pusong mapagpasalamat.
WAYS TO TEACH KIDS TO BE GRATEFUL
Isang tunay na biyaya ang pagkakaroon ng mga anak na mapagpasalamat. Subalit tandaang sa ating mga magulang dapat unang magsimula ang attitude of gratitude na ito bago pa man natin ito maituro sa ating mga anak.
PAMANA with Pastor Cryz Colorado (Thanksgiving)
Maganda ang sinasabi ni Pablo sa Bibliya na,”magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon”. Isa na marahil ang salitang “salamat” sa maraming magagandang salita na unti-unting nawawala sa bokabularyo ng maraming tao sa ngayon. Madalas lalo na sa mga bata, kailangan pang idikta sa kanila para lang sila magsabi ng “thank you”. Paano ba natin maipapamulat sa ating mga anak ang kahalagahan at biyaya ng pagiging mapag-pasalamat?
Magtagumpay sana tayo sa pagpapalaki ng mga anak na mapagpasalamat. Dahil hindi lamang ito mabuting asal kund isang pagsunod sa kagustuhan ng Diyos na nagnanais na sa lahat ng pagkakataon tayo ay maging mapagpasalamat.
KAYANG-KAYA with Grace Tia (THANKSGIVING DAY GIFT IDEAS)
Ngunit sa lahat ng ito wala pa ring tatalo sa matamis na salamat o thank you. Samahan natin ng isa pang mabisang regalo, ang regalo ng panalangin. Nagpapatunay lamang ito na dapat THANKSGIVING DAY ang bawat araw para sa atin. Hindi lamang dahil sa mga biyaya ng Diyos sa atin kundi magin ang pagdadala Niya sa atin ng mga taong gumawa at gumagawa ng mabuti sa atin.
PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito (FLU)
Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.