Yes! We're Hiring. Check out our current job openings.

Tour WMC-AP

Rated PG

Rated PG logo

We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family

Airing on: Cabanatuan City, Zambales and Cagayan de Oro City

Teaching Kids To Be Organized

- for Friday, Jan 18, 2008
comments
RSS feed
join the forum
listen to this podcast

Overview

Ang kasabihang, “cleanliness is next to godliness” ay patunay lamang na sumasalamin ang kalinisan natin sa kung anong relasyon meron tayo sa Diyos. Maipamana sana natin ang katotohanang ito sa ating mga anak sa pamamagitan ng ating sariling halimbawa.

subscribe now

 

Program Notes or Transcript

Makalat na bahay ba ang problema mo? Baka naman kailangan na natin bigyang pansin ang pagiging organized sa ating mga tahanan. At para hindi sa inyo na lamang mga magulang nakasalalay ang bigat ng responsabilidad ng pagliligpit ng kalat sa bahay heto ang mga TIPS kung paano natin matuturuang maging organized ang ating mga anak.

HOW TO TEACH YOUR CHILDREN TO GET ORGANIZED

Bilang isang magulang nais nating lumaki ang ating mga anak na organized at maayos sa pamamahay pati na sa pangangatawan nila. Kaya nga napakahalagang maturuan sila sa mga bagay na ito habang lumalaki. At importante ang role ng pagtuturo ng mga magulang para lumaking masinop, maayos at organized ang anak.

  • Provide container para sa kanila kung saan pwede nilang ilagay ang kanilang laruan.
  • Learning by example: Maging halimbawa tayo ng pagiging organized bago natin ito maituro
  • I-appreciate sila kung may ginawa silang magandang bagay.
  • Bigyan sila ng time na sundin ang iniutos natin sa kanila na iligpit ang kanilang gamit.
  • Hayaan silang gawin in diff. styles dahil may kanya-kanyang style o sistema ang ating mga anak

Ipamulat sa mga anak habang maaga ang kamalayan tungkol sa kaayusan upang dalhin nila ito sa kanilang paglaki at maging matagumpay sana sila sa tatahakin nilang career. Magsimula sana sa atin ang pagiging organized sa lahat ng bagay upang sa pamamagitan ng halimbawa ay mas epektibo nating maituro ang pagiging organized sa ating mga anak.

PAMANA with Pastor Cryz Colorado (Teaching Kids to Organize)

Toy, ballpen, uniform, bag ang ilan lamang sa mga bagay na madalas hanapin sa atin ng ating mga anak. Tuloy maraming oras ang nasasayang dahil sa kahahanap ng mga bagay. Maiiwasan natin ito kung maitututuro natin sa ating mga anak ang pagiging organized. Dahil ang isa sa mga susi ng maayos na pamumuhay at pamamahay ay nasa pagiging organized ng bawat isa sa tahanan. Tungkulin nating mga magulang na na ituro sa ating mga anak habang maaga ang kaalamang, may tamang lugar para sa bawat bagay. Ituro rin sa kanilang ang pagpapahalaga sa oras at sa mga mahahalagang petsa. Turuan din silang maging responsible sa pag-aayos ng kanilang sariling gamit at hindi umasa sa atin o sa iba. Gumamit ng bulletin board (pintuan ng ref o sa dingding) na magpapa-alala sa kanila sa mga bagay na dapat nilang gawin. Turuan din natin silang mag-kalendaryo ng kanilang mga gawain at gabayan natin sila hanggang makasanayan nila ang mga ito. At siyempre ang pinaka-mabisang paraan parin ng pagtuturo sa kanila ay ating sariling mabuting halimbawa.

KAYANG-KAYA  with Grace Tia (Clutter Control)

  • Alamin ang mga lugar sa bahay na madalas kinikilusan ng inyong pamilya at maglagay ng dalawang kahon na may label itabi at itapon sa bawat lugar na ito.
  • Kunin ang mga nakakalat na bagay at ilagay sa kahon na dapat paglagyan nito,
  • Kung napupuno na ito, ayusin ang mga bagay sa kahon na dapat itabi
  • Sa kahon ng mga dapat itapon tingnan kung may mga bagay na pwedeng ibigay sa iba

Mas Maganda kung ang buong pamilya ay gumagamit sa sistemang ito para mabawasan ang kalat sa mga lugar na palaging kinikilusan ng pamilya.

PAYO NI DOC with Dra. Lyn (HOUSEHOLD SAFETY TIPS)

  • Itago sa hindi maabot ng mga bata ang posporo, kandila, at mga chemicals
  • Iwasang maglagay ng mga electrical wires sa ilalim ng mga basahan o carpet
  • Iwasang ma-overload ang mga electrical sockets.
  • Seguruhing may mga cover ang mga electrical outlets para safe sa mga bata
  • I-check ang mga gamit na meron ng mga sirang cordon at ayusin ito.
  • Ilagay against the wall ang mga appliances na di-cordon para hindi nila ito mapaglaruan
  • Huwag pabayaang magsaksak ng mga appliances ang mga bata
  • I-unplug ang mga appliances kung hindi naman lang ito ginagamit.
  • Iwasang uminom ng maiinit na inumin o sabaw habang kalong-kalong ang anak.
  • Huwag kargahin ang anak habang nagluluto o palapitin sa kalan sa tuwing may nagluluto
  • Laging ihanda ang mga first-aid kits sa bahay laman ang mga panlunas sa paso at sunog para sa mga bata.

Comments

Add Your Comments




Would you like to receive email notices when comments are added for this episode?
Yes    No
join the forum
email the host

Meet The Host

Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.

Emily

Program Archive

February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
rss feed badge - get our rss feed now del.icio.us bookmark badge - add this page to del.icio.us digg.com badge - add this page to digg.com
valid xhtml badge - validate nowvalid css badge - validate nowvalid wai-aa badgevalid xml rss feed badge - validate now