Tour WMC-AP

Rated PG

Rated PG logo

We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family

Airing on: Cabanatuan City, Zambales and Cagayan de Oro City

Teenage Pregnancy Part 2

- for Friday, Jul 27, 2007
comments
RSS feed
join the forum
listen to this podcast

Overview

Higit na makakabuti para sa buong pamilya ang sama-samang paggabay sa ina at sa munting buhay sa kanyang sinapupunan. Huwag sana natin silang pabayaan at isiping nagkamali sila sa halip sa tulong ng Diyos ay tulungan nating itama ang mali nilang nagawa.

subscribe now

 

Program Notes or Transcript

Unti-unti na nga bang nawawala ang sacredness at beauty ng sex bilang isa sa pinakamagandang pagpapakita ng commitment at pagmamahal sa pagitan ng mag-asawa matapos ang kasal? Sa patuloy na pagbaba ng pananaw sa sexualidad at kalinisan ng marami sa ating kabataan ngayon, nakakalungkot man isipin pero para bang pang-karaniwang pangyayari na lamang para sa isang kinse anyos na babae ang magdalang tao. Una sa lahat, mahalagang maunawaan natin bilang mga magulang na may mga dahilan kung bakit nangyayari ito. Una, peer-presure dahil sa influence ng barkada na nakaranas nito. Pangalawa, curiosity dulot ng Media tulad ng mga babasahin (pocketbook), TV, at Internet. At panghuli, kakulangan ng pag-ibig sa loob ng tahanan maging ng mga magulang. Kaya dapat lamang na mas maging intensyonal tayong mga magulang sa pakikitungo sa ating mga teenager na anak upang maiwasan ang malungkot na kalagayan na ito both para sa magulang maging sa anak. Mga magulang, malaki ang magagawa natin para ma-solusyunan ang problema ng TEENAGE PREGNANCY sa tahanan. Heto ang ilan sa ating magagawa:

  • Mag-initiate ng open discussion tungkol sa issue (maging maingat at creative).
  • I-monitor at seguruhing tama ang kanilang binabasa at pinapanood.
  • Ituro ng tama ang idea ng “dating” tulad ng “group dating” with friends and family.
  • I-build ang self-esteem ng inyong mga anak.
  • Seguruhing strong ang kanilang spiritual values.
  • Ituro sa kanila ang tamang “sex education” (behavior, activities at RISKS).
  • Buksan ang tahanan para sa mga kaibigan ng iyong anak, kilalanin at gabayan sila.
  • Sikaping magkaroon ng strong love relationship sa loob ng tahanan.

Tandaang, hindi birong stage ang pagiging teenager para sa ating mga anak. Ito pa lang ang simula ng kanilang pagsibol. Sa panahong ito, higit nilang kailangan ang paggabay natin upang mabalanse nila kung alin ang dapat at ang hindi. Sana maging gabay nila tayo sa pagkakaroon ng mga wise choices sa buhay na maaari nilang pakinabangan pagdating ng panahon at hindi pagsisihan.

PAMANA with Pastor Cryz Colorado (Teenage Pregnancy (Part 2)

Walang magulang ang nais malagay sa ganitong sitwasyon, subalit mahalagang maunawaan pa rin lalo na sa mga magulang at maging kapamilya ng isang teenager na nabuntis na hindi sapat na sila ay patawarin at tanggapin lamang. Dahil sa dami ng mga pagbabagong mararanasan, kasama na dito ang guilt feeling, panghihinayang at takot higit nilang kailangan ang moral support mula sa atin. Dahil ang totoo, mas madali para sa kanila na makaahon kung makikita nila sa atin ang ganap na pang-unawa, paggabay at pagmamahal bilang magulang at kapamilya. Paano?

Tulungan silang manumbalik sa pagtitiwala sa Diyos at ang kanilang sense of self-worth upang maging mas matatag sila sa pagharap ng kanilang buhay.
Ibigay ang tamang paggabay patungkol sa kanilang nalalalapit na pagiging magulang. Ipa-unawa na hindi doon natatapos ang kanilang mga pangarap at maari pa silang bumangon at magbagong buhay.

KAYANG-KAYA with Grace Tia (SMART SHOPPING TIPS)

  • Isipin ng mabuti bago bumili (kailangan ba ito at pasok ba ito sa budget)
  • Magtanong-tanong bago bumili lalo na doon sa mga nakabili dito para malaman ang benefits nito, mas mababa ang presyo kaysa sa iba.
  • Mag-CANVASS sa presyo sa produkto sa iba’t ibang tandahan.
  • Maging mapili at maingat.

PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito (Kids at Exercise)

Bigyan ang anak ng sapat na exercise at healthy balanced diet para mas maaga nilang maiiwasan ang pagiging over weight, risk ng diabetes, highbloood at mataas na cholesterol level. At kung malusog sila mas capable din silang i-handle ang mga physical at emotional challenges nila. Higit sa lahat, matutulungan natin silang magkaroon sila ng healthy habit sa kanilang paglaki.

  • Endurance: running, jogging, walking at maging sa kanilang paglalaro.
  • Strength: pag-akyat (monkey bar), bunong braso, wrestling, push up, sit up at pull up.
  • Flexibility: pagtali ng sintas at iba pang stretching activity (pag-abot ng mga bagay)

Tandaang mas madaling ituro ito sa kanila kung tayo ang mismong modelo ng isang malusog na pamumuhay.

Comments

join the forum
email the host

Meet The Host

Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.

Emily

Program Archive

October 2011
September 2011
August 2011
July 2011
June 2011
May 2011
April 2011
March 2011
February 2011
January 2011
December 2010
November 2010
October 2010
September 2010
August 2010
July 2010
June 2010
May 2010
April 2010
February 2010
May 2008
April 2008
March 2008
February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
rss feed badge - get our rss feed now del.icio.us bookmark badge - add this page to del.icio.us digg.com badge - add this page to digg.com
valid xhtml badge - validate nowvalid css badge - validate nowvalid wai-aa badgevalid xml rss feed badge - validate now