Tour WMC-AP

Rated PG

Rated PG logo

We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family

Airing on: Cabanatuan City, Zambales and Cagayan de Oro City

Teenage Pregnancy Part 3

- for Friday, Aug 3, 2007
comments
RSS feed
join the forum
listen to this podcast

Overview

Pagtakwil ang kadalasang tugon ng pamilya sa kasong teenage pregnancy sa halip na pagpapatawad na siyang higit na kailangan ng isang nagkasala. Bilang kapamilya, ibigay sana natin sa kanila ang pagpapatawad na ipinamalas sa bawat isa sa atin ng Diyos.

subscribe now

 

Program Notes or Transcript

Hindi na kaila sa marami sa atin ang maraming kaso ng teenage pregnancy. Maaring kapitbahay, kakilala, kamag-anak o maging kasamahan sa simbahan. Ang tanong, nauunawaan nga ba ng mga teenager na ito yung pinapasok at ang posibleng maging epekto nito sa kanila at kanilang kinabukasan? Magulang, tama bang sisihin at itakwil ang anak dahil sa pagkakamaling ito? Paano nga ba tumugon ng tama sa mga ganitong pagkakataon?

Consequences of Teenage Pregnancy (Mother and Baby)

  • Kinabukasan: Nasirang pagkakataon para makapagtapos ng pag-aaral, pagkaroon ng disenting trabaho at magandang buhay para sa anak.
  • Kawalan ng opportunity para makakilala ng best partner sa buhay.
  • Reputasyon at integridad parehas ng magulang at ng anak.
  • Pagkakaron ng guilt para mga magulang.

Pakatandaan mga teenager na nananatiling kayo ang pipili kung hahayaan niyong mangyari ito sa inyong buhay.

TIPS for PARENTS RESPONSE

  • Malalim na pang-unawa sa nararanasan ng anak (takot, shame, guilt).
  • Tulungan ang anak nna maitaas ang self-esteem ng anak.
  • Ipa-unawa sa anak na hindi ito ang katapusan at may plano ang Diyos.
  • Magsimulang muli sa pamamagitan ng tulong ng Diyos.

Malaki ang ginagampanan nating mga magulang upang maituro sa mga anak ang tamang kaalaman tungkol sa sexualidad. Sana maging tunay nila tayong gabay sa aspetong ito. At tandaang may Diyos tayong nagpapatawad kaya ang patawarin sila ng lubos ang pinaka-mahalaga na ating magagawa para sa kanila.

PAMANA with Pastor Cryz Colorado (Teenage Pregnancy (Part 3))

Ang kwento ng prodigal son ay isang halimbawa ng tamang pag-tugon sa kasong teenage pregnancy sa tahanan. Kwentong nagpamalas ng tibay ng samahan at pagmamahalan ng isang pamilya. Tandaang, kasama sa tagal ng panahon na pagdala nila sa bunga ng pangyayari ay ang mga mapanuri at mapanumbat na mga mata sa kanyang paligid. Kaya higit sa ano pa man, ang higit na kailangan ng isang anak na nagkasala ay ganap na pagpapatawad ng magulang at kapamilya nito. Ibigay sana natin sa kanila ang pagpapatawad na handang tumulong at hindi ang manumbat. Pagpapatawad na magbabalik sa nasirang pagtingin sa sarili at tutulong na patawarin din ang sarili. Sa ganitong paraan ang anak na nagkasala ay mas kakayaning harapin ang buhay dahil mayroon siyang mga magulang at kapamilya na nananatiling nasa likuran niya at tutulong sa kanyang pagbabagong buhay.

KAYANG-KAYA with Grace Tia (Little Ways of Saving)

  • Magtabi ng lima hanggang sampung porsyento ng allowance.
  • Bawasan ang pagkain sa labas.
  • Maghain ng murang pagkain (mongo) isang beses sa isang linggo
  • Manatili sa bahay kahit isang beses sa isang linggo.
  • Gumamit ng murang panglinis sa bahay tulad ng suka at baking soda.

Mahalaga ang pagkakaroon ng goal para ma-motivate ang sarili na mag-ipon.
Tandaang katiwala tayo ng Diyos sa lahat ng ito kaya pangalagaan ito ng wasto.

PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito (Sleeping Tips for Kids)

Para sa magandang performance ng anak, bigyan ito ng maayos at sapat na tulog. Tandaang hindi option ang tulog, kaya kung makita ang mga indications ng kakulangan sa tulog ang anak, ikonsulta agad sa inyong doktor.

  • Mag-set ng oras sa pagtulog at pag-gising ng anak (body clock)
  • Magkaroon ng bedtime routine (warm bath, bedtime stories)
  • Huwag paglaruin at pakainin ng marami sa gabi lalo na ang pag-kaing may caffeine.
  • Seguruhing kumportable sila sa kanilang pagtulog.
  • Tiyaking tahimik ang buong bahay pag-sapit ng bed time nila.

Comments

Add Your Comments




Passcode
Would you like to receive email notices when comments are added for this episode?
Yes    No
join the forum
email the host

Meet The Host

Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.

Emily

Program Archive

April 2008
March 2008
February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
rss feed badge - get our rss feed now del.icio.us bookmark badge - add this page to del.icio.us digg.com badge - add this page to digg.com
valid xhtml badge - validate nowvalid css badge - validate nowvalid wai-aa badgevalid xml rss feed badge - validate now