
We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family
Listen as Rated PG encourages us to keep alive the legacy of reading to kids.
Program Notes or Transcript
INTRO THEME
HOST: Mga kwento ni Lola Basyang, nasaan na nga ba itong tradisyong ito ng mga Pilipino? Siguro nga, napalitan na ng kung ano-ano pang mga libangan ng mga bata sa makabagong panahon? Isang dahilan nga ba kung bakit maging yung mga values o magagandang kaugalian ay hindi na naipapasa ng mga mas nakakatanda sa mga bata?
Ano po ba ang role ng mga aklat sa panahong mataas na ang level ng ating teknolohiya? Sikat pa ba ang mga aklat? Nasaan na nga po ba ang pamanang pagbabasa sa ating mga anak ngayon?
Mga kapwa ko parents, welcome po sa isa na namang bagong edisyon ng palatuntunang sadyang ginawa para sa inyo, ang Rated PG, kalahating oras lamang po, pero tiyak na kaalaman at inspirasyon ang dadalhin sa inyo, kaya samahan nyo nga po ako ngayon, ang inyong host, Emily Bolinas, dito po sa programang, katuwang ng magulang sa pagkakaroon ng masaya at matatag na tahanan, ang Rated PG.
SONG 1: Better than Life
DISCUSSION Part 1. Interview with Ms. Ruth Salangsang
HOST: Well, back here mga kaibigan dito pa rin sa programang inyong pinakikinggan, ang Rated PG.
This time naman po, maganda yung pag-uusapan natin ngayon, kaya naman meron din tayong inanyayahang bisita ngayon para naman syang makausap natin tungkol dito. Hayaan nyo po munang i-welcome ko sya, dahil first time po natin syang makasama dito sa ating program. Hindi pa po parent ang bisita natin, isang dalaga na bihirang mangyari dito sa ating program, na makapanayam tayo ng bisitang wala pang anak, pero she’s in authority lalo na sa pag-uusapan nating legacy of reading to kids, dahil isa po syang librarian. Please welcome, Ms. Ruth Salangsang….Hi Ruth, kumusta ka? Welcome dito sa Rated PG, dahil first time ka namin makasama dito?
RESPONSE / GREETS
Hindi nyo po naitatanong, si Ruth po ay mas nakababatang kapatid ng Kayang-kaya segment host nating si Grace. Ganon din naman, sya po ay isang librarian, gaano na nga katagal Ruth?
RESPONSE
Ruth, kapag pinag-usapan ang pagbabasa, syempre pa, tungkol sa mga books ito o di kaya magazines, na sya namang parang mga anak mo, diba with your profession.
RESPONSE
And siguro, dahil ito nga yung work mo, mahilig ka rin sa mga libro? Kahit noong bata ka pa?
RESPONSE
Ruth, ano ba ang book para sa yo? Gaano ito ka-importante at ano ang role nito kahit sa panahon natin ngayon kung saan mas mataas na ang antas ng ating technolohiya?
RESPONSE
Ruth, kapag pinag-uusapan ang pagbabasa sa mga bata, madalas, sa mga pinoy, iisa ang napi-picture natin, diba.
RESPONSE
Korek, kumbaga, bahagi na ito ng kulturang pinoy, kaya lang tila ngayon hindi na masyadong sikat si Lola basyang, dahil hindi na ito nangyayari sa mga pamilyang pinoy kung saan may panahon pa para sa pagbabasa ng libro ng mas nakatatanda para sa mga bata?
RESPONSE
Sa library ba, marami ring makikitang mga librong pambata? Especially sa library kung saan ka nagwowork?
RESPONSE
Ibig bang sabihin sa kahit anong library, maaari tayong makakita ng mga magagandang aklat pambata?
RESPONSE
Na-experience mo ba basahan ng mga books ng mas nakakatanda sa yo, ni lola siguro or ng nanay mo noong bata ka pa?
RESPONSE
Ano yung hindi mo makakalimutan sa experience mong yon?
RESPONSE
Would you say, kahit dalaga ka pa ngayon na ito rin yung gusto mong maipamanang kultura sa iyong anak pagdating ng panahon, yung pagbabasa sa kanila ng mga stories?
RESPONSE
Ayon, naku mga kaibigan, mamaya po, ipagpapatuloy pa natin ang usapang ito, ang kahalagahan pa rin ng pagbabasa at pagkukwento sa mga bata. Kaya dyan lamang po kayo, dahil narito muna ang ilang mga payo ng ating butihing doctor para sa pangkalusugang bahagi ng Rated PG.
PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito
DISCUSSION Part 2 : Interview with Ms. Ruth Salangsang
HOST: Alright mga kaibigan, balik po tayo sa ating mahalagang usapan na sinimulan na natin kanina kasama ang ating bisitang librarian, si Ms. Ruth Salangsang.
Ruth, working with books and knowing na malaki ang maitutulong ng books sa mga bata, anong maipapayo mo sa mga parents natin ngayon, bilang isang librarian?
RESPONSE
n Take a trip to the library
n Be a performer
n Assess your children’s interests & hobbies
So, sa bookstore ba, meron tayong maa-avail na good books para sa ating mga kids?
RESPONSE
Okay, ayon po mga kaibigan, di naman pala kailangang gumastos pa, dahil meron nga namang mga libraring pwede nating hiraman ng mga aklat para sa ating mga anak.
Well, again, salamat sa kaibigan nating librarian ngayon, Ms. Ruth Salangsang sa pagpapaunlak mong makasama sa episode natin ngayon, next week, nandito ka uli diba, muli po natin syang makakapanayam.
RESPONSE
Okay, magpapatuloy pa po ang Rated PG, narito naman po ang ilang mga praktikal na kaalaman, idadagdag yan sa atin ni Grace, pakinggan po natin ang Kayang-kaya.
KAYANG- KAYA with Grace Tia
PAMANA with Pastor Cryz
Legacy of Reading to Kids
SONG 2: Sa Likod ng Pangarap
HOST: Siguro nga po mga kaibigan, panahon na upang muli nating buhayin ang kulturang nating mga pinoy, ang pagbabasa ng libro o pagkukuwento sa mga bata gamit ang aklat. Totoo pong marami pang mga bagay ang maaari nating matutunan mula sa mga aklat na ito. At parents, sana sa kabila ng mga bagay na ating pinagkakaabalahan, magkaroon pa rin tayo ng panahon para mabasan pa rin ang mga anak natin ng mga kwentong naglalaman ng maraming values sa buhay, kumbaga, ipasa po natin sa ating mga anak ang legacy ng pagbabasa sa kanila.
Salamat po ng marami sa inyong lahat, salamat po sa pagsama nyo sa amin sa kabuuan ng aming programa ngayon, next week po, sana magkita-kita uli tayo. Ako po si Emily Bolinas, nag-aanyayang muli kayong makinig, ng Rated PG.
Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.