Tour WMC-AP

Rated PG

Rated PG logo

We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family

Airing on: Cabanatuan City, Zambales and Cagayan de Oro City

The Power Of Our Words

- for Friday, May 11, 2007
comments
RSS feed
join the forum
listen to this podcast

Overview

Utos ng Diyos na maging source of inspiration ang mamutawi sa mga bibig natin at hindi ang ikakasira nino man. Kasama sa responsibilidad nating alagaan ang ating mga anak ay ang pangangalaga sa bawat salita na sinasabi natin sa kanila.

subscribe now

 

Program Notes or Transcript

INTRO SPOT

HOST

Higit nga ba sa baril at nuclear bomb ang kapangyarihan ng ating mga dila? Napaka-liit lamang na bahagi ng katawan pero sadyang malaki ang pwedeng magawa sa buhay ng isang tao. Sa bawat salitang lalabas dito ay maaring mag-build up o ibagsak ang ating kapwa. Mga magulang, wala po itong kaibahan sa katotohanang pwedeng maibunga ng ating mga salita lalo na sa ating mga anak. Napag-iisipan pa ba natin ang mga sinasabi natin sa kanila lalo na kung halos maubos ang pasensya natin sa inis at galit sa kanila?

SONG 1:   DAHIL SINABI MO (Harana sa Hari)

DISCUSSION (with Ptr. Jun Suyat)

Isang pwersang pwedeng makasira ng buhay ng tao ang dila na hindi na-control. Pinapahina nito ang ating pagkatao at ang malungkot continuing ang effect nito. Ayon sa Biblia, ang dila ay maaring mag-set ng apoy kapag hindi na-tame at napaka-bilis pang kumalat nito, kaya dapat lamang na ma-tame natin ang mga dila natin.

KAYANG-KAYA with Grace Tia (Secret to Saving Money)

  • Magkaroon ng purpose sa pag-iipon (edukasyon…etc).
  • Ihiwalay ang perang ini-ipon sa ibang pera.
  • Isulat sa isang notebook ang budget, kita at ginagastos.

Tandang, disipilina at pagnanais at isang maayos na budget upang malaman kung saan napupunta ang iyong pinagpapaguran ang paraan upang makamit ang naisin sa buhay.

DISCUSSION (with Ptr. Jun Suyat at Carol Benzonan)

Mahalagang ma-control at piliin ang bawat sasabihin natin sa ating mga anak dahil ang bawat salita na maririnig nila sa atin ay mananatili sa kanilang mga puso na maaring sumira sa kanila (low self-esteem). Tandaang “Words are remembered in a lifetime”. Tunay na ganun katagal ang epekto nito, lalo na sa ating mga anak. TIPS:

  • Check Our hearts dahil ang dila lamang ang taga-announce ng nasa puso natin.
  • I-limit ang mga bagay na lumalabas sa ating mga bibig.
  • Pag-isipan ang problema bago i-solve.
  • Humingi ng tawad sa anak sa nasabing hindi maganda sa kanila.

Napaka-halagang alagaan natin ang ating mga anak at kasama dito ang pangangalaga sa anumang sasabihin natin sa kanila. Mas-mapapalapit ang relasyon sa ating pamilya kung may control sa ating mga sinasabi. Seguruhing nakakapag-encourage at nakaka-build up ng puso ang bawat sasabihin natin sa isang tao o sa ating mga anak.

PAMANA with Pastor Cryz Colorado (The Power of our Words)

May kapangyarihang bumuo o sumira ng buhay ng isang tao ang isang salita. Ganun din ang mga salita ng magulang sa anak. Maari itong maging dahilan upang sila ay magkaroon ng lakas, tiwala sa sarili at maging matibay ang kanilang pananaw. Maari rin itong maging daan upang sila ay panghinaan ng loob, mapahiya at maramdamang sila ay walang silbi. Sa kanilang pagkakamali at kahinaan huwag sanang pagkundina ang marinig at maramdaman nila mula sa atin. Instead tulungan natin silang bumangon at bumawi, at dapat magsimula ito sa ating mga salita. Kailangang marinig mula sa ating ang ating mga affirming words katulad ng :kaya mo yan, im proud of you, good job, you are great, nandito lang ako para sa sayo at higit sa lahat I love you. Kanino pa ba nila dapat marinig ang mga salitang magpapatibay sa kanila kundi sa atin mga magulang.

HOST

Inaanyayahan ang bawat isa na sabihin sa pamamagitan ng text o tawag kung paano nakakatulong ng programa ito sa inyo. O kung may mga comment, suggestion or tanong, welcome po ang lahat ng yan. Sisikapin naming matugunan ang mga ito sa abot ng aming makakaya. Para sa may kailangan ng counseling tungkol sa mga isyung pampamilya, sumulat po kayo at huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin.

PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito (Rabies)

Ang rabies ay isang virus na naipapasa mula sa isang wild infected animal (daga, tuta o aso). Kung hindi maagapan maari itong nag-lead ng brain damage even death.

  • Hugasan mabuti ng sabon at malinis na tubig ang naka-gatang parte ng biktima sa loob ng sampung minuto.
  • Takpan ng malinis na bandage.
  • Humingi ng medical assistance (hospital)
  • I-check at obserbahan ang hayop na naka-kagat dito.
  • Seguruhing may bakuna ang ating mga hayop para ligtas ang ating mga anak.

SONG 2:        ANG SABI NILA (Richard Reynoso)

HOST

Tandaang isang pagsunod sa utos ng Diyos na maging source ng inspiration lagi ang mamutawi sa mga bibig natin at hindi ang ikakasira nino man. Walang magulang ang may gustong pagsabihan ang kanilang mga anak ng mga salitang maaaring makasakit sa kanila dahil mahal nila ito. Mahirap pero sa tulong ng Diyos ay magagawa natin ma-control ang ating mga dila at maging maingat sa bawat salitang bibitawan natin. 

EXTRO

Comments

join the forum
email the host

Meet The Host

Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.

Emily

Program Archive

October 2011
September 2011
August 2011
July 2011
June 2011
May 2011
April 2011
March 2011
February 2011
January 2011
December 2010
November 2010
October 2010
September 2010
August 2010
July 2010
June 2010
May 2010
April 2010
February 2010
May 2008
April 2008
March 2008
February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
rss feed badge - get our rss feed now del.icio.us bookmark badge - add this page to del.icio.us digg.com badge - add this page to digg.com
valid xhtml badge - validate nowvalid css badge - validate nowvalid wai-aa badgevalid xml rss feed badge - validate now